CHAPTER 38: REGRETS

3.2K 45 8
                                    

Trent and Mia --->

CHAPTER 38: REGRETS

Gusto kong tumakbo ng pagkalayo-layo. Yung sa sobrang layo, makakalimutan ko na yung mga problemang naiwan ko.

Gusto kong magpakaduwag naman kahit ngayon lang. Just this time, I want to ran away and hide from my problems.

Kasalukuyan kaming nasa bus ngayon. Nagcocommute.

Tulog si Eris at nakapatong ang ulo niya sa kandungan ko. Si Trent naman, ayun, nakatingin sa labas. Gabi na at nang makasalubong ako nila Trent na pabalik, sinabi kong gusto ko nang umuwi. Walang tanong-tanong, umalis na agad kami. Pinatay ko ang phone ko at si Trent na ang nagtext kela Deng, Camz, and Parker na umalis na kami.

Ito ang isa sa mga gusto ko kay Trent. Hindi niya kailangan ng paliwanag mo, basta tutulungan ka niya.

Nang masigurado ko nang tulog na si Eris, kwinento ko kay Trent ang tungkol sa sinabi ni Nate sa akin. Alam naman ni Trent na ako si Scarlet Flames, pero bakit parang may tinatago siya sa akin??

Biglang tumunog yung cellphone ni Trent. Sa pag-aakalang isa iyon kela Denise, ako na ang sumagot. Ganyan naman kami ni Trent. Komportable sa isa’t isa.

“Hello?” Bati ko.

Pero hindi pala iyon isa sa kanila.

“Who’s this?” tanong ng nasa kabilang linya.

“Si Mia po ito.” Nakita kong nagtaka si Trent pero sinenyasan ko na lang siya na wala lang iyon.

“Oh, Mia, anak! Ikaw pala iyan!” Sabi nung nasa kabilang linya at narinig ko pang tumawa ito ng bahagya. “Si Tito Clark mo ito!”

Napangiti ako. Si Tito Clark ang isa sa mga taong gustong-gusto ko. Napakabait niya sa akin kahit na medyo tuso ito. Siya lang naman ang boss ng Division Agency at siya rin ang umampon kay Trent. May malaking pagkakahawig sina Tito Clark at Papa, pero never ko pa silang nakitang nagngitian o nagpansinan man lang. Pero wala lang iyon sa akin. Ganyan siguro pag mga boss na.

Kahit nga noong galit na galit ako kay Trent, hindi ko magawang magalit kay Tito Clark. Lagi siyang nariyan para sa akin, kaya naman kung may mga nagtatangka sa kanyang buhay, naroon ako palagi para protektahan siya.

“Ay naman, Tito! Bat nag-iba boses niyo? Naging mas bata yata ah!”

“Bolera ka talaga kahit kelan! Teka, is Trent with you?”

“Ay, opo! I’ll hand this over to him. Take care po, Tito!” Binigay ko na kay Trent yung cellphone niya at saka pumikit sandali.

Instant Boyfriend For Sale (A Gangster's Love) HIATUSWhere stories live. Discover now