CHAPTER 4: A WHOLE NIGHT WITH HER

8.2K 124 38
                                    

Dedicated to her kasi nakakatuwa comments niya. :)

READ THIS. IMPORTANT. :D

A/N: Hello guys! :) Masyado lang akong nag-enjoy sa out of town eklavoooo namin so ngayon lang ako nakapag-UD ulit! Sana magustuhan niyo to!! :) CARMIEL moment! :D

About dun pala sa Nate thingy, salamat sa pag-pili niyo kung sino mas prefer niyo! Grabe!! :) Ang hot kasi nung dalawa kaya di ko alam sino pipiliin ko. Actually, hati kayo. Yung kalahati kay Kim Soo Hyun tas yung other half naman kay Taecyeon. Pero mas lumamang lang si Taecyeon ng onti kaya ayun. Siya na po si Nate. :"> Pero don't worry po dun sa mga maka-Kim Soo Hyun. Pinagpalit ko lang yung roles nung dalawa due to public demand. Hahaha!! Asensado na ako! May nalalaman na akong public demand! Oh, anyways, eto na po ang UD. ENJOOOOOOOY! :*

CHAPTER 4: A WHOLE NIGHT WITH HER

(Nathaniel’s POV)

TSSSS.

Ang daming lalaking tingin ng tingin kay Nerd. =___=

Pati yung Kenji kung makatitig kay Nerd akala mo pag-aari niya tong babaeng to. Akala mo kakainin niya tong si Nerd ng buhay. -_______-

Tas tong babaeng to pa ang sexy sumayaw. Effortless. Pssh.

Ramdam ko pa din yung pagtawa niya ng mahina sa leeg ko. Putik! Mas maganda pang naka-bihis nerd siya eh! Ngayon kasi, sa tingin ko, pag umalis to sa tabi ko, maraming mga lalaking magsusulputan sa kanya. TSS. Baka mabastos pa to.

Nung bumulong siya sa’kin na pupunta lang siya sa kitchen, hindi ko siya pinigilan. Pag-alis pa lang ni Nerd, ang dami ng babaeng nagtangkang makisayaw sa’kin. Tss. Bad trip. Kaso, nung makita kong may apat na lalaking palapit sa kanya, sinundan ko agad siya.

“N-Nate?” Mukha namang nagulat siya nung hinawakan ko siya bigla sa bewang.

“Kanina pa nakatingin sayo yung ilang lalaki.”   -____-

“Wag kang mag-alala. I can handle myself.”

“PSSH. I’m your boyfriend, remember?”   -________- Nakalimutan na ba niya? Pssh. Pasalamat siya, I’m willing to do my duties as her instant boyfriend.

“Fine.”

Pareho kaming kumuha ng bottle of mineral water sa ref then umupo siya sa may counter so tinabihan ko siya dun.

We talked about random things. Actually, nakakatawa talaga siya. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. She told me about the bet she made with Chase. Yun pala ang dahilan kung bakit siya laging nagbibihis nerd.

Sa totoo lang, mas prefer ko yung mukha siyang nerd. At least, ako lang ang tumitingin sa kanya. Ngayon kasi, nung una ko siyang nakita, napanganga na lang ako. Ang ganda niya. Kung maganda ang mga kaibigan niya, siya ang pinakamaganda. Kaya pala ang taas ng confidence niya nung pabiro niya akong tinanong kung nahuhulog na ba ako sa charms niya.

Nakakatuwang isipin na kahit maganda siya, isa pa din siyang down-to-earth na tao. Marami rin pala kaming pagkakatulad. Pareho kaming mahilig sa kotse, motor, mga sports at madami pa.

“Hey, kuha lang ako ng beer ah. Gusto mo din ba?” tanong niya.

“Nope. Ako na lang kukuha ng beer mo. Just stay here.”

Pagbaba ko ng counter, bigla nalang may narinig kaming mga tunog ng nababasag. Naging sobrang mabilis yung pangyayari. May mga lalaking nakatakip ang mukha ang biglang nagsipasukan sa bintana. Tapos, pupuntahan ko sana si Mia para iligtas kaso may biglang sumuntok sakin.

Shit! Sinuntok ko sa mukha yung lalaki kaya naman natumba siya at mukhang di makabangon. Pero pag tingin ko kay Mia, nakatulog na siya dahil may nagtakip sa ilong niya ng panyong may chloroform. Tatangayin na sana siya kaya naman napasigaw ako at pinagbubugbog yung mga lalaking nagtangkang kunin siya.

Instant Boyfriend For Sale (A Gangster's Love) HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon