Chapter 1

14.9K 114 10
                                    

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 01

Jan 04 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~

HURRICANE (POINT OF VIEW)


Bago ko simulan ang aking magulong kwento ay magpapakilala na muna ako. Ako nga pala si Hurricane Suarez bente syete anyos at nag tatrabaho bilang manager sa isang di gaanong kilalang kumpanya dito sa pilipinas.

Nag asawa ako noong bente kwatro pa lamang ako dahil sa aksidente kong nabuntis ang aking kababata noong kami ay mag inuman, kung paano nangyari ay saka ko na lamang ikekwento sa inyo, so ayun na nga nabuntis ko ang kababata ko noon na ang pangalan ay Melody at ngayon ay mag aapat na taon na ang anak namin, sa totoo lang ay hindi pa talaga ako handang mag asawa noon kaya lang ay dumating na si Janina(Pangalan ng anak ko) sa buhay ko at ayoko naman siyang lumaki na hindi buo ang kaniyang pamilya kaya kahit pareho pa kaming nangangapa noon ng kababata kong si Melody ay nag sama na kami at sa huli ay naisipang mag pakasal.

Kahit nasa tamang edad na kami ng mga panahon na iyon ay wala pa rin kaming alam kung paano magpalaki at mag alaga ng bata. Mabuti na lang at palaging nandiyan ang mga magulang namin at tinutulungan nila kami kung paano maging mabuti at magaling na magulang sa anak namin kaya kahit papaano ay alam namin na napalaki namin ng maayos si Janina.

Sa totoo lang ay wala kaming pagmamahal sa isa't isa ng ina ni Janina na si Melody sadya lang talagang naimpluwensyahan kami ng alak at kalibugan ng mga panahon na iyon at dahil doon ay nakabuo kami ng bata.

Kung tatanungin niyo naman ako kung may pag sisisi ako ay sasagutin ko ng 'Oo' pero noong una lang naman iyon dahil na isip ko rin kasi kahit na anong gawin namin ay hindi na namin mababalik ang oras at hindi na rin namin mapipigilan ang nangyari kaya tinanggap na lamang namin ito. Lalo na at isang anghel naman ang dumating sa buhay naming dalawa.

Ang buhay ko noong nag asawa ako ay ibang iba noong ako ay hindi pa nakatali. Dati ay iba iba pa ang mga babaeng dinidate ko noon at kahit na gabibin pa ako ng uwi ay walang magagalit bukod paroon ay hawak ko ang oras ko at wala akong iniintindi sa buhay kung hindi ang magpakasaya.

Ngunit nag bago na iyon simula ng magkaanak ako at magkaasawa.

Kung datirati ay ginagabi pa ako sa pag uwi ay ngayon ay hindi na ito madalas dahil may bata at asawa ng mag hahanap sa akin sa bahay at kung dati ay kung saan saan ko lang inuubos ang perang kinikita ko sa trabaho ay ngayon ay hindi na dahil kailangan ko na itong i-budget sa pangaraw-araw naming gastos at sa pangangailangan ng aking anak.

Hindi ko naman pwedeng i-asa na lang sa asawa ko ang lahat dahil ako ang haligi sa aming tahanan at responsibilidad kong alagaan ang aking pamilya. Kailangan kong isipin na iba na ang buhay ko noong single pa ako at sa ngayon na may asawa na ako at mayroon ng mga taong umaasa sa akin at hindi ko sila kayang biguin.

Ang buhay ko noong single ako ay ibang iba na ngayong may asawa at anak na ako dahil kung noon ay nakakagala pa ako tuwing gabi at kung saan saan nagpupunta ngayon ay trabaho bahay na lang ang routine ko at paulit ulit na lang ito araw-araw.

Kahit ang sex life ko ay nag bago na rin simula nang magka pamilya ako.

Dati kaliwa't kanan pa ang mga babaeng nakakasiping ko ngunit ngayon ay wala na. Ang asawa ko naman ngayong si Melody ay bihira na lamang akong mapagbigyan dahil kung minsan ay pagod na rin ito dahil sa kaniyang maghapong trabaho kaya kung minsan ay si Mariang palad na lang talaga ang kinakapitan ko at naglalabas ng init ko sa katawan.

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora