Chapter 21

2.7K 51 7
                                    

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 21

Jun 04 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~


HURRICANE (POINT OF VIEW)

Nagulat na lamang ako noong may maramdaman akong matigas na bagay na tumusok sa aking puwetan.

Napalingon ako kay Yamato habang nanlalaki ang aking mga mata.

Ano ang bagay na iyon?

Huwag mong sabihing?

"Hindi ito kasama sa free ticket ngunit special service ito mula sa akin." ang nakangising wika ni Yamato sa akin.

"Tinatawag ko itong Yamato's Special!"

Pagkatapos noon ay mas lalo pa niyang pinagdiinan sa aking likuran ang kaniyang sarili.

Nagulat naman kaming dalawa ni Yamato noong marinig namin ang boses ni Gino sa labas ng kurtina.

"Sachou? Pupunta na ako kina Mr Reyes." ang sabi nito.

Inilabas naman ni Yamato ang kaniyang ulo sa kurtina.

"Sige ingat." pagkatapos noon ay muli na siyang bumalik sa aking tabi.

Napasinghap naman ako noong hawakan ni Yamato ang aking pangupo at bigyan ito ng ilang himas.

Lubdub! Lubdub! Lubdub!

Ang malakas na tibok ng aking puso.

Siguradong pulang pula na naman ngayon ang aking mukha.

"Cane..."

"Wala na tayong kasama ngayon."

Huh?

Ano naman kaya ang nais niyang iparating sa kaniyang mga salita?

Mukhang lumabas na naman ang isa pang katauhan ni Yamato.


Ang katauhan ni Yamato na lumalabas tuwing kami ay dalawa na lamang.

Hindi naman ako kumibo at napalunok nalang ng sariling laway.

"Anong problema?"

"Hindi mo yata sinasabi ang madalas mong sabihin sa akin na...Hindi tama ito! Hindi dapat ito nangyayari!"

"Bakit kaya?" ang tila inosente pang turan ni Yamato kasama ang isang mapaglarong ngiti.

Nakaramdam naman ako pagkaasar dahil sa ginagawa niyang panunukso sa akin.

Nilingon ko siya at huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"A-Alam kong mali ito..."

"Sinabi ko noon na wala ng mangyayari sa pagitan nating dalawa at seryoso ako doon...Ngunit sa huli ay ako rin ang sumira sa pangako ko at ako lang ang dapat na sisihin doon." ang malungkot kong wika habang iniiwas ang aking paningin sa kaniya.

"Bukod pa roon ay hindi ko na rin mababago ang lahat ng nangyari na."

"Kahit na pigilan ko pa ang sarili ko ay ako rin naman ang bumibigay sa huli at nangyayari rin ang ayaw kong mangyari."

"Kaya ano pang silbi ng mga salitang iyon."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko!" ang tila nahihirapan ko ng wika.

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Where stories live. Discover now