Chapter 4

6K 81 5
                                    

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 04

Jan 09 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~

HURRICANE (POINT OF VIEW)

Akala ko pagkatapos ng araw na iyon ay mawawalan na ako ng pagkakataon na muling makausap si Daddy Yamato.

Ngunit iyon ang akala ko.

Dahil simula ng araw na maghiwalay kaming dalawa sa bench ng parkeng iyon ay nagsimula na kaming magpalitan ng text sa isa't isa at para bang nakakuha ako ng kaibigan sa katauhan nito.

Nag tetext lang kami ng kung ano anong mga bagay na maisipan namin.

Puro na naman ito kalokohan kahit sa text ay hindi niya pinapalampas na patawanin ako sa mga biro niyang mais ngunit bentang benta naman para sakin at tawa lang ako ng tawa.

Minsan habang magkatext kami nito ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga kwento nito at ang ginawa nito sa akin ngunit hindi ako makakuha ng tapang para muli iyong buksan sa kaniya dahil inuunahan ako ng hiya.

Kahit na sa kalagitnaan ng trabaho ay palihim pa rin kaming nagpapalitan ng text nito.

Kamustahan biruan at kalokohan lang naman iyon ngunit dahil doon ay parang nabubuo na rin ang araw ko.

Habang nandito ako sa office at nag titipa sa computer ay narinig kong tumunog ang telepono ko, kinuha ko ito at tiningnan kung sino at syempre wala ng iba kung hindi si Yamato.

Dalawa lang naman sila ni Misis na contact dito sa telepono ko.

From: Daddy Matt.

"Anong balita nakagawa na ba kayo ng pangalawang anghel ni Misis?"

Ang nabasa ko sa text nito na kinakunot ng aking noo at kinatawa ko ng mahina, ayan na naman siya sa mga tanong niyang ganiyan. Palagi na lang niya akong tinatanong nito sa tuwing magkakatext kaming dalawa.

To: Daddy Matt.

"Loko-loko! Wala pa rin hanggang ngayon at pang anim na buwan ko na itong walang sex kay Misis."

Pagkatapos kong isend iyon ay nakakuha agad ako ng reply, wala sigurong ginagawa ang lokong 'to.

From: Daddy Matt.

"Ang hina mo naman talaga! Hindi mo pa kasi sundin iyong tinuro ko sayo."

Anong tinuro niya, Iyon bang haharasin ko ang asawa ko para lang makipagtalik kahit na pagod na ito.

Mahal ko naman ang asawa ko at iniisip ko palang na haharasin ko siya ay nakokonsensya na kaagad ako.

To: Daddy Matt.

"Sira! Hindi ko naman magagawa sa asawa ko ang sinasabi mo."

From: Daddy Matt.

"Wala ah! Talagang matitigang ka sa kantot niyan kung masyado kang nagpapaka-goodboy sa asawa mo."

Sasagutin ko palang sana ang sinabi nito noong muli na naman itong mag text at sunod sunod pa.

From: Daddy Matt.

"Kung ayaw mong gawin iyon sa asawa mo, bakit hindi mo na lang patulan iyong mga babaeng may gusto sayo."

From: Daddy Matt.

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Where stories live. Discover now