Chapter 7

4.8K 71 5
                                    

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 07

Jan 23 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~

HURRICANE (POINT OF VIEW)


"W-Wala naman *hic* akong problema *hic*." ang wika kong may pagkautal pa at may kasamang sinok dahil sa pinaghalong hiya at sobrang kaba.

"M-May nais lang sana akong *hic* sabihin sayo." ang dagdag ko pang wika.

Muli akong lumagok ng alak sa hawak kong baso habang ang mga mata ko naman ay naglulumikot sa kung saan-saan habang hindi ko malaman kung ano ang aking sasabihin sa kaniya, o mas tama bang sabihin na paano ko ba sasabihin ang gusto kong sabihin.

Kinakabahan rin ako at hindi nakakatulong ang alak na iniinom ko.

Kaba at sinok lang ang nakuha ko dito.

Nagsalubong naman ang dalawang kilay nito at dahan-dahang napatingin sa akin, habang hawak niya ang sariling baso ng alak.

"Nani? I mean ano?" ang takang tanong nito.

Ito na!

Sunod-sunod akong napalunok ng sariling laway at ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa aking mukha.

"A-Ano *hic* iniisip ko lang kasi iyong *hic* g-ginagawa mo ka mong pangangaliwa sa asawa mo." ang kinakaban kong wika habang hindi ko malaman kung saan ako titingin.

Sa kaniya ba o sa baso na hawak ko.

Nakita ko naman na umayos ito ng pagkakaupo sa sofa at mukhang nakuha ko ang kaniyang atensyon.

Nag bago ang timpla ng kaniyang mukha at parang naging madilim ito.

Kinakabahan tuloy ako lalo at dumaan na ang pagdadalawang isip sa akin.

Ngunit ngayon na lamang ang tanging pagkakataon para magawa ko ang aking plano at sa tingin ko ay hindi na ako mabibigyan ng pangalawa kaya naman dapat ko na itong ituloy at hindi dapat ako panghinaan ng loob.

"Ano naman ang tungkol doon?" ang seryoso at galit na tanong nito.

Nakatingin na siya ngayon sa akin at tila hinahalukay nito ang kaluluwa ko.

Para bang ibang tao na siya at hindi na siya iyong Yamato na kilala ko.

Kung bakit ba naman kasi ako nakakaramdam ng ganito sa kaniya.

"M-May kakilala akong lalaki sa trabaho, naging sunod-sunod ang dumating na problema sa kaniya dahil sa kaliwa't kanan niyang pambababae." ang panimula kong kwento ng hindi makatingin sa kaniya.

"N-Natatakot lang ako *hic* na baka mangyari rin sa iyo ang bagay na iyon."

"Noon ko pa ito gustong sabihin sa iyo sa text ngunit mas maganda na itong harap-harapan ko sa mukha mong masabi ang gusto kong sabihin *hic*"

"Hindi sa naingingialam ako ngunit habang maaga pa ay sana itigil mo na ang ginagawa mo dahil walang magandang maidudulot iyan sayo." ang huli kong wika sa isang hingahan lang kaya napalagok na lamang ako ng alak sa basong hawak ko dahil parang mauubusan na ako ng hangin.

"Mmmm...." nakapikit ito at tila nagiisip ng kaniyang sasabihin.

Muli naman akong napalunok ng laway dahil sa pinaghalong hiya at kaba. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pinagsasabi ko sa kaniya ang bagay na iyon ngunit ito ay walang halong biro dahil totoo ang kwinento ko sa kaniya, may katrabaho talaga akong nangyari ang ganoon at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya na aayos ang gusot na ginawa niya at ang balita ko pa ay nilayo na sa kaniya ng asawa niya ang mga anak nila.

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Where stories live. Discover now