Chapter 20

2.8K 58 5
                                    

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 20

Jun 03 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~


HURRICANE (POINT OF VIEW)

Kinabukasan.

Isa lang ang reaksyong makikita sa aking mukha ngayon at iyon ay matinding pagkamangha, pagkamangha sa isang maganda at malaking building sa aking harapan.

"Takeguchi Massage Parlor." ang malakas kong pagbasa sa malaking karatulang nakakabit sa building.

Nakita ko pa nga ang ilang taong napapatingin sa gawi ko dahil sa aking pinapakitang reaksyon ngunit wala naman akong pakialam sa kanila at nakatuon pa rin ang atensyon ko sa may building sa aking harapan.

Apat na palapag ang building at sa labas palang ay maganda na kaagad.

Hindi ako makapaniwala na pagmamayari ni Yamato ang building na ito.

Pinunasan ko muna ang aking pawis na namuo na sa aking noo gamit ang aking dalang panyo bago ko maisipan na pumasok na sa loob ng massage parlor ni Yamato.

Sa totoo lang ay nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako o hindi sa lugar na ito lalo na at kilala ko na ang ugali ni Yamato at ang pagiging mapanukso nito na maari na namang maghatid sa amin sa maling senaryo.

Ngunit magtataka ang asawa ko at baka tanungin pa ako nito kung ano ang dahilan ng hindi ko pagpunta bukod paroon ay nahihiya rin ako sa asawa ni Yamato dahil nagabala pa itong bigyan ako ng libreng ticket.

Sa itsura palang ng lugar na ito kahit sa labas palang ay alam mo ng mahal ang bayad dito kaya ang swerte ko talaga dahil nakalibre ako ng ticket.

Naglakad na ako papasok at sumalubong kaagad sa akin ang guard na nagbubukas sara sa pintuan ng massage parlor na ito.

Narinig ko pa ang pagbati nito ngunit hindi ko na iyon naintindihan dahil sa mabangong amoy na sumalubong sa aking ilong.

Amoy halimuyak ng bulaklak.

"Irasshaimase! Welcome to Takechu massage parlor!" ang bungad sa akin ng tao sa may reception desk.

Lumingon naman ako dito at doon kami parehong nagkagulatan ng tao sa may reception desk.

"Huh?"

"HURRICANE!" ang sigaw ni Yamato na umecho sa buong paligid.

Tila nagulat rin ito sa ginawa niya kaya naman nahihiya siyang tumingin sa mga taong napatingin sa kaniya at nakita ko siyang yumuko ng ilang beses bilang paumanhin sa mga ito.

Maging ako man ay nahiya rin kaya't nakayuko akong lumapit sa kaniya.

Ako rin ang may mali dito dahil hindi ko nga pala pinaalam na dadating ako.

Talaga ngang magugulat si Yamato dahil mukhang hindi niya inaasahan na ngayon ako darating dito

"Cane! Nakakagulat ka naman hindi mo sinabi sa aking darating ka." ang bungad na sabi ni Yamato sa akin.

Nahihiya naman akong napangiti habang kakamot kamot sa aking batok.

"Pasensya kana at nawala na sa isip kong ipaalam sayo na darating ako ngayon." ang paumanhin ko naman.

"Ang akala ko ay na sa trabaho ka?"

"Nakalimutan mo na ba?"

"Diba't sabi ko sayo tuwing weekend ay wala kaming trabaho sa opisina."

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Where stories live. Discover now