Chapter 26

2.5K 56 10
                                    

A/N: Sa mga nagiintay ng ud nila Papa Cane eto na po. Ngayon lang ako nag ud nito kasi busy ako doon sa isa ko pang story. Salamat po pala sa pag vote at comment niyo sa. My Neighbour's Secret at aasahan ko ulit ang mga boto niyo doon maging dito. Maraming salamat sa inyo at enjoy💖💖


PS: Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na mameet ang dalawa nating ama sino sa kanila at bakit? Comment na mga ses!


Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 26

Jun 12 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~


HURRICANE (POINT OF VIEW)

"Cane-san...?"

Ang narinig kong pagtawag sa pangalan ko mula sa likod at noong lumingon ako ay nakita ko na ang mukha ni Daddy Yamato nakatingin sa akin habang hawak pa ang telepono niya.

"DADDY MATT! LATE KA!" ang malakas na sigaw ko, ramdam kong napatingin ang ibang tao dahil sa ginawa ko ngunit wala akong pakialam. Bahala silang tumingin!

Basta galit ang nararamdaman ko noong muli kong makita ang mukha ni Yamato at parang gusto kong sumigaw kaya naman iyon ang ginawa ko.

Napatingin naman si Yamato sa paligid at kamot ulong napayuko bilang paumanhin sa mga tao.

Bakit sa kanila siya humihingi ng paumanhin? Eh sa akin siya may kasalanan!

Dapat sa akin siya unang mag-sorry dahil nalate siyang dumating dito.

"Chillax lang Cane, nasira ang motor ko kaya nag taxi lang ako papunta dito."

"Trenta minutos lang naman ang inabot ko mula sa amin hanggang dito, hindi pa ba mabilis iyon para sayo?"

"Hindi...*Hic* mabagal ka! MABAGAL!"

"Hindi ba't sinabi ko sayong bilisan mo ang pagpunta dito? Diba?" ang muli kong pag sigaw kay ni Yamato.

"Talagang late na late na late na late na late ka! Parang pakiramdam ko ang trenta minuto ay trenta taon na!" ang wika ko pa sabay tunga ng alak straight sa bote at inubos ko lahat.

"A-Ano ba. Cane?" ang alangang tawag naman nito sa akin.

Lumapit na siya sa pwesto ko at unang hinawakan at hinimas himas ang likod ko.

"Kumalma ka nga muna, Cane."

Inagaw naman nito ang bote ng alak sa kamay ko at inilayo sa akin dahilan para ako ay mapasimangot.

"Nagpunta naman ako diba? Kaya't huwag ka nang magalit. Okay?" ang pagpapakalma pa nito sa akin habang hinihimas pa rin ang aking likuran.

"Anong "Kumalma?" Kailan ba ako hindi naging kalmado, kahit na palagi mo na lang akong binibigyan ng problema." ang sagot ko naman dito.

"Simula noong makilala kita, wala na akong ibang ginawa kung di ang magalala." ang dagdag ko pa habang nakatitig sa mukha ni Yamato.

Nagkatitigan kami sa isa't isa.

"Iyong hindi mo makontrol ang sarili mong nararamdaman, hindi ba't sobrang nakakatakot noon?"

"Pero sa lahat ng nangyayari ay na nanatili ka lang kalmado at ako ang naiiwan para magalala."

"Tapatin mo nga ako? Ano bang tingin mo sa akin, parausan mo lang? Nilalabasan ng init pag kailangan mo."

Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang mga salitang sinasabi ko.

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Where stories live. Discover now