Chapter 5

6K 86 12
                                    

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 05

Jan 12 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~

HURRICANE (POINT OF VIEW)

Simula ng naitanong ko sa kaniya ang bagay na iyon ay hindi na ako nakatanggap pa ng mensahe mula kay Yamato.

Kaya nga nagulat na lang ako isang sabado noong muli itong nag text at nangamusta.

Gabi na iyon at tulog na ang asawa ko, habang ako naman ay gising na gising pa rin at hindi dalawin ng antok.

Gabi-gabi na akong ganito, hindi makatulog at palaging natutulala at kung saan-saan dinadala ang isip ko, nag simula ito noong araw na hindi na muli pang nag text sa akin si Yamato.

Iniisip ko kasi ang tinanong ko sa kaniya at labis ko pa rin itong pinagsisisihan hanggang ngayon.

Kung kailan naman nasanay na ako sa mga pangungulit at sa mga mais niyang pagpapatawa ay saka naman siya mawawala na parang bula.

Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kaunting tampo para kay Yamato dahil sa hindi nito pagpaparamdam.

Iyon lang naman ang tinanong ko pero hindi na kaagad siya nagparamdam.

Parang ang babaw ng dahilan at hindi ko ito matanggap.

Siya naman ang unang nagkwento ng kalaswaan sa aming dalawa.

Kaya nga nakakaramdam rin ako ng ganito dahil rin sa kaniya.

Tapos siya pa itong hindi magpaparamdam sakin at mawawala na lang na parang bula.

Kung iiwasan niya ako ay nakakagago lang siya, dahil siya ang unang nakipagkaibigan sa aming dalawa ngunit siya pa itong mangiiwan sa ere.

Natulala na lamang ako sa itaas ng kisame habang napapabuntong hininga.

Muli kong inalala ang tanong ko noon kay Yamato noong huli ko itong maka text.

"Ano kayang itsura ng titi mo kapag sobra na nitong tigas?"

Kapag inuulit ko sa aking utak ang tinanong ko sa kaniya na iyon ay ako rin ang nahihiya para sa sarili ko.

Para kasing ang tunog para sa akin noon ay para akong sabik na sabik na makita ang naninigas niyang sandata.

At hindi ito itatanong ng isang straight na lalaki sa kapwa niya straight na lalaki, kaya hindi na rin ako nagugulat kung hindi na nga niya ako muli pang kausapin, siguro ay na we-weirduhan na siya sakin at ang akala niya na ay isa akong malaswang bakla na gustong makita ang pagkalalaki niya.

Hindi ko naman iyon sinasadya at nadala lamang ako ng init na lumulukob sa aking katawan noon.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nakakaramdaman ng ganito ngunit isa lang alam ko, kay Yamato ko lamang ito nararamdaman at nagsimula lang ito noong makilala ko siya sa park at noong ipinahawak nito ang kaniyang naninigas na pagkalalaki sa loob ng kaniyang suot na short, at mas lalo pa itong tumindi noong ipadala niya sa akin ang malaswang larawan ng kaniyang naninigas na pagkalalaki.

Kaya napuno na ako at naitanong ko sa kaniya ang tanong na iyon na labis ko na ngayong pinagsisisihan.

Kung hindi dahil doon ay nandito pa sana siya at masaya pa kami, alam kong kakikilala ko lamang sa kaniya ngunit inaamin kong naging masaya ako noong dumating siya sa buhay ko.

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon