Chapter 19

2.8K 48 5
                                    

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 19

Jun 01 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~


HURRICANE (POINT OF VIEW)


Ngayon ko napatunayan na ako at ang pagsisinungaling ay hindi pwedeng pagsamahin.

Araw ng sabado.

Namili sa palengke ang asawa kong si Melody ngayong araw kaya noong dumating ito ay tinutulungan ko naman siya sa kaniyang mga dalahin.

Papasok na kami sa loob ng aming bahay noong napahinto ito at mukhang may naalala.

Siguro ay mayroon na naman siyang nakalimutang bilhin sa palengke.

"Hon?" tawag nito sa akin.

Nauuna kasi ako sa kaniya kaya naman lumingon pa ako dito upang malaman kung ano ang kailangan niya.

"Ano iyon Hon?" takang tanong tanong ko naman.

"Nagkikita ba kayong dalawa ni Mr Takeguchi nitong mga nakaraang araw?"

Halos huminto naman ang aking paghinga sa kaniyang tanong.

Ito na nga ba ang pinaka kinatatakutan kong mangyari.

Dumating na ba ang panahon na malalaman ni Melody ang sikreto ko.

Mabuti na lamang talaga at ako ang nauuna at si Melody ang nasa likod.

Kaya mabilis akong tumalikod upang hindi niya makita ang pagkagulat sa aking mukha.

Ito na nga ba sinasabi ko eh!

Ano ang isasagot ko sa kaniya?

Hindi pa naman ako magaling sa pagsisinungaling at pagtatago ng sikreto sa aking asawa.

Baka mabulol ako at maisiwalat ko sa kaniya ang aking sikreto.

Ang sikretong kami lamang ni Yamato ang nakakaalam.

"Ba-Bakit m-mo na-naitanong Hon?"

Mahahalata naman ang kaba sa aking boses.

Dapat pala noong una palang ay hindi na ako nakipagkita pa kay Yamato.

Dapat pala ay hindi ko na nasabi ang tanong na iyon.

Dapat pala ay hindi ko na pinatulan ang mga pangaakit niya sa akin.

Dapat pala ay hindi ko na siya pinapasok sa buhay ko.

Ngunit wala na akong magagawa pa sa mga nangyari na at hindi ko rin dapat sisihin si Yamato dahil pareho naming pinasok ang gulong ito.

Ngayon tuloy ay hindi ko na alam ang gagawin.

"So totoo nga?"

"Nagkikita nga kayong dalawa?"

Pilit kong binabasa ang mukha ni Melody habang nagsasalita ito ngunit wala akong makitang ano mang emosyon sa kaniyang mukha kaya't mas lalo lang akong kinakabahan.

Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o ano habang tinatanong niya ako.

"Mi-Minsan lang kami nagkitang dalawa, doon sa may 7/11." ang napapalunok laway ko namang sagot.

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Where stories live. Discover now