Chapter 31

2.1K 41 3
                                    

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)

Author: ProudSilent

Chapter 31

July 20 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~

HURRICANE (POINT OF VIEW)

Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon ay muli na namang napupuno ng pagsisisi ang aking utak.

At dumating na ito sa puntong para na akong mababaliw sa kakaisip.

Mas makakabuti na lamang siguro na tigilan na namin ito at putulin na lamang namin ang ugnayan sa isa't isa.

Kapag nakarating sa mga asawa namin ang ginawa naming kataksilan ay tiyak na magkahalong galit at kahihiyan ang aabutin naming dalawa sa kanila at ang mas matindi pa doon ay baka iwanan na nila kaming dalawa.

Ayaw kong mangyari iyon lalo na kay Yamato dahil maliit pa ang bunso niya.

At hindi makakaya ng konsensya ko na walang kamulatang ama ang bata.

Bukod pa roon ay mahal ko naman ang pamilya ko at hindi ko yata kakayanin na mawala sila.

Tama na siguro ang naramdaman kong sarap mula sa kaniya at kahit sa maikling panahon ay naramdaman ko ang sarap na dala ng kapwa ko lalaki.

Kitang kita ko ang lungkot at pagkagulat sa mukha ni Yamato pagkarinig nito sa mga sinabi ko.

"Si-Siguro nga...Tama ka tigilan na natin ito." ang halos pabulong nang ani Yamato habang nakatingin sa akin.

Kinuha ko ang mga nagkalat kong gamit sa lapag noong muli kong marinig na magsalita si Yamato.

Kaya naman tumigil muna ako sa aking ginagawa upang pakinggan ang sasabihin niya.

"Alam mo hanga ako sayo. Papa Cane."

"Kahit na anong pangaakit na ginagawa ko sayo ay bumabalik pa rin ang totoo mong pagkatao."

"M-Mas na nanaig pa rin ang pagmamahal mo sa pamilya mo."

"Di katulad ko na puro kalokohan at kalibugan lang ang laman ng utak."

"May maliit na anak akong naghihintay sa bahay ngunit ito ako at mas inuuna ko pa rin ang kalibugan ko." ang malungkot na wika ni Yamato at tila disappointed siya sa kaniyang sarili.

"Na-Nagkamali akong pinasagot ko pa sayo ang tawag NIYA." ang sabi pa nito na may diin sa salitang ' Niya ' Na ang ibig sigurong sabihin ay ang asawa ko.

"Ha-Ha-Ha...Ang tanga-tanga ko talaga." ang wika nito habang kakamot kamot ng batok at nakalitaw ang dila.

"Ang akala ko kasi ay makakadagdag iyon sa anghang ng pagtatalik natin."

"Pasensya kana." ang sabi ni Yamato at sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kahihiyan sa gwapong mukha nito.

"Wa-Wala kang kasalanan...Ako naman ang tumawag sayo kaya ako dapat ang humingi ng pasensya." ang sagot ko naman kasabay ang buntong hininga.

"Wala naman kaso sa akin kahit tawagan mo ako kahit anong oras." ang sabi ni Yamato at tumingin sa aking mukha, napayuko naman ako at hindi mahanap ang isasagot sa kaniya.

"Alam ko may malasakit ka sa akin."

"At ayaw mong masira ang mga pamilya natin."

"Ayaw mong magsinungaling sa mga taong importante sayo kaya mo ito ginagawa." ang wika ni Yamato.

"At iyon ang katangiang nagustuhan ko sayo." tumibok naman ng malakas ang puso ko sa mga sinabi ni Yamato.

"Masyado kang mabait at iyon ang nagustuhan ko sayo."

"Gusto kitang yakapain at halikan kahit kailan ko gusto ngunit anong kailangan kong gawin para magawa ko ang lahat ng iyon?"

Nagulat naman ako noong idiin ako ni Yamato sa pader at nakipaglabanan ng titigan sa akin. Nagaapoy ang kaniyang mga mata at may kakaibang emosyon akong nakikita sa mga ito na bago lamang sa aking paningin. Parang ibang Yamato ang nakikita ko ngayon.

"Kailangan ko na bang maging straight to the point sayo na...Cane mag date tayo?"

"Parang nakakahiya naman iyon dahil pareho tayong may mga asawa't anak."

Huminga ng malalim si Yamato at parang tumigil ang mundo ko dahil sa mga sumunod niyang sasabihin.

"Ngunit wala na akong pakialam ngayon kahit na magmukha pa akong nakakahiya. Basta makasama lang kita. Papa Cane." ang tila nagsusumamong wika ni Yamato.

"Watashi no kareshi ni nattemasu ka?"

"Tatagalugin ko na upang mas maintindihan mo."

Hinanda ko naman ang sarili ko sa maaari niyang sabihin.

"Pwede ba kitang maging kasintahan."

"At huwag ka munang umuwi."




Itutuloy...


A/N: Sobrang ikling update mga besh. Dama niyo rin ba ang pagmamakaawa ni Daddy Matt. Wawa naman😢 Vote at comment mga besh salamuch😍😘

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Where stories live. Discover now