Chapter 25

2.4K 55 4
                                    

A/N: Eto na ang chappy 25 salamat sa mga bumoboto at nag fafollow sa akin pati na ang nag lalagay ng kwento ko sa reading list nila. Thank sa inyong lahat at sa mga silent readers thank you din. Vote at comment lang lovelots! 😘😘


Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 25

Jun 09 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~


HURRICANE (POINT OF VIEW)

Papasok na sana ako sa aking opisina noong makarinig ako ng halakhakan ng dalawang babaeng kasama ko sa trabaho.

"Andrea?! Kristine?! Sinong nagsabing magkwentuhan at magtawanan kayo sa oras ng trabaho?" ang galit at masungit kong sita sa dalawang babae.

"Gusto niyo bang makarating ito kay Boss?" ang pananakot ko pa.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ng dalawa at biglang natahimik. Maging ang ibang empliyado ay napatingin na rin sa gawi namin habang nagbubulungan.

"Sorry, Sir Cane di na po mauulit." ang paumanhin naman ng dalawa at mabilis na tumutok sa kanilang computer upang bumalik sa trabaho.

"O kayo ano pang tinatanga niyo diyan? Tapos na ang drama kaya balik sa trabaho." ang galit ko ring pagpansin sa empleyadong nakatingin at naguusisa habang nagbubulungan.

Mabilis naman silang mga nagsibalik sa kanilang trabaho.

Ako naman ay naglakad ng muli patungo sa aking opisina.

Habang naglalakad ay naulinigan ko ang ibang mga kasamahan ko sa trabahong nagbubulungan na naman.

"Bakit kaya nitong mga nakaraang araw ay palaging mainit ang ulo ni Sir Cane?"

"Baka naman may problema sis?"

"Siguro nga kasi hindi naman siya dating ganiyan eh, pero ngayon palaging mainit ang ulo at halos lamunin na tayo ng buhay."

"Ano ka ba sis! Baka marinig tayo ni Sir, malagot pa tayo."

Ang narinig kong huli nilang pinagusapan bago sila muling bumalik sa pagtatype sa kanilang computer.

Natamaan naman ako sa kanilang mga sinabi.

Bakit nga ba tila nitong mga nakaraang araw ay umiinit palagi ang aking ulo.

Tama siya hindi naman ako dating ganito sa kanila at palagi pa nga akong kalmado kapag pinagsasabihan ko sila sa kanilang mga pagkakamali.

Nagsimula lang uminit ang ulo ko noong makaramdam ako ng prustrasyon.

Prustrasyon dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa ring makuhang labasan.

Sa tuwing magsasarili ako at susubukan kong ilabas ang init sa aking katawan ay palagi na lamang sumusulpot sa aking utak ang mukha ni Yamato at dahil doon ay hindi na natutuloy ang aking pagpapalabas.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Parang ayaw ng sumunod ng katawan ko sa akin.

Para bang gusto niyang sabihin na sa mga haplos lang ni Yamato dapat akong labasan.

Kaya kahit anong pilit kong magsalsal ay wala pa ring kwenta.

Ang libog ay nagiging pagod at ang pagod ay nagiging galit hanggang sa pati ang trabaho ko ay na aapektuhan na rin dahil sa aking nararamdaman.

Hindi naman pwedeng si Yamato lang ang sisihin ko sa lahat ng nangyayari dahil ako rin ang may pagkakamali.

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon