Chapter 10

4.5K 73 2
                                    

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 10

May 13 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~


HURRICANE (POINT OF VIEW)

"Na-Nangangalay ang kamay ko."

"Oopps!...Gomen! Gomen! Masyado ba akong mabigat? Hehe."

Umalis naman ito sa pagkakadagan sa akin habang natatawa ng mahina at kakamot kamot sa kaniyang batok.

Nagulat na lamang ako noong maramdaman ko na siya sa likod ko at maramdaman ko ang malalaki niyang bisig na yumakap sa aking katawan.

Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga sa likod ng aking tenga.

"Nakikita ko ang pagsisisi sa mga mata mo Papa Cane."

Nagulat ako sa kaniyang tinuran.

Alam niya?

Ganoon na ba ako kadaling basahin.

"Nagsisisi ka ba dahil nakagawa ka ng pagkakamali?" tanong niya.

Hindi naman ako sumagot kaya't nagppatuloy na lamang siya sa pagsasalita.

"Hindi naman maiiwasan na makagawa ka ng pagkakamali."

"Kasama na iyon sa pang araw araw na buhay ng tao."

"Sa bawat segundo minuto oras na nagdadaan ay may mga taong nagkakamali kaya sayang lang ang pagsisising nararamdaman mo."

"Dahil sa lahat ng taong iyon ay isa kalang sa kanila at hindi lang ikaw ang nakakagawa ng pagkakamali."

"Hindi man sa pagmamalaki ngunit maraming beses na akong nakagawa ng pagkakamali sa likod ng misis ko."

"Marami na akong nakatalik na babae at hindi ako nakakaramdam ng pagsisisi, alam mo kung bakit?"

"Ba-Bakit?" sa wakas ay nakuha ko na ring sumagot sa kaniya.

"Hindi ako nagsisisi sa mga bagay na alam kong nagpapasaya sa akin."

Ang sagot naman ni Yamato at habang sinasabi niya iyon ay may kinang akong nakikita sa kaniyang mga mata.

"Mabuti kang ama at asawa Papa Cane."

"Simula noong mag asawa ka at magkaanak ay nilagay mo na sa tahimik ang buhay mo malayo sa buhay mo noon na puro babae at alak."

"Nagpakatino ka at inayos mo ang buhay mo para sa anak at asawa mo."

"Alam kong pilyo ako at maraming kalokohan ngunit humahanga ako sa mga matitino at seryosong lalaki."

"Pero alam mo Papa Cane, hindi rin maganda ang buhay na puro kaseryosohan lang at walang trill."

"Huwag mong mamasamain ang sasabihin ko ngunit sa tingin ko ay MAS ikaw ang dapat lumayo sa mga babaeng umaaligid sayo."

"Alam mo bang mga ganiyang lalaki ang tipo nila."

"Para kang isang hinog na hinog na prutas at sila naman ang mga hayop na gusto kang tikman at kainin."

"Mas mainam na dito ka nalang...Dito sa akin."

Halos lumabas ang puso ko sa aking dibdib dahil sa huli niyang sinabi.

Hindi ko kinakaya at parang hihimatayin ako dahil sa kaba.

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Where stories live. Discover now