Chapter 14

3.2K 67 3
                                    

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)

Author: ProudSilent

Chapter 14

May 27 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~

HURRICANE (POINT OF VIEW)

Tatlong araw ang nakalipas...

Araw ng martes.

Pauwi na ako galing sa trabaho at dumaan muna ako sa 7/11 upang kitain si Yamato at isauli dito ang naiwan niyang wallet sa aming bahay.

Halos trenta minuto na akong naghihintay at wala pa rin akong nakikitang anino ni Yamato.

Muli kong tiningnan ang kaniyang mensahe kanina.

From: Daddy Matt.

"Papunta na ako diyan :)"

Kumunot na naman ang mukha ko pagkakita ko sa kaniyang mensahe.

Papunta na daw siya ngunit lumipas na ang trenta minuto ay wala pa rin siya.

Pinagtitignanan na nga ako ng mga tao dito sa labas ng 7/11 kaya kung wala pa siyang balak na magpakita ay papasok na muna ako sa loob.

Akmang papasok na ako sa loob ng 7/11 noong makarinig ako ng boses sa aking likuran.

Boses na pamilyar na pamilyar sa akin.

"Hurricane!"

Ang nagmamayari ng boses na iyon ay walang iba kung hindi si Yamato.

Nakasuot ito ng isang itim na v-neck shirt at lumang pantalon na ginupit upang maging short at cap na pula.

Hindi mo aakalaing ama na rin ito sa dalawang anak dahil sa itsura niya ngayon na makalaglag panga talaga.

Siguradong madali lamang niyang makukuha ang mga babaeng gusto niya dahil sa ganitong itsura.

Napapalunok ako sa aking sariling laway at wala sa sariling inamoy ang aking sarili.

Mukha pa ba akong prisentable?

Baka naman amoy pawis na ako?

"Genki desu ka?" ang masaya nitong wika pagkalapit sa aking pwesto.

Napakunot naman ang aking noo.

"Ang ibig kong sabihin, kamusta kana?"

"O-Okay lang..I-Ikaw kamusta?" ang nauutal ko pang wika at para bang magbubuhol pa ang aking dila.

Kinakabahan na naman ako at bumibilis na naman ang tibok ng aking puso nakakaramdam rin ako ng excitement dahil ngayon ko na lamang ulit makikita ng pisikal si Yamato.

Oo nga at nagkakatext at tawag kaming dalawa ngunit iba pa rin kapag nakikita mo siya ng aktwal.

"Heto at mabuti naman, salamat at cinontact mo ako kaagad."

Doon ko lalong napagmasdang mabuti si Yamato at wala pa ring pinagbago ang mukha nito. Gwapo pa rin ito at malaki pa rin ang kaniyang katawan.

Hanggang ngayon ay tila para pa ring panaginip ang lahat ng mga nangyari sa aming dalawa ni Yamato.

~~~~~~~~

Sa loob ng 7/11.

"Talaga bang naiwan ko sa inyo ang wallet ko?" kakamot-kamot ulong wika ni Yamato.

Nandito na kami ngayon sa loob ng 7/11 at nakaupo sa isang lamesa dito.

"O-Oo...Heto oh." ang wika ko naman at inilabas ko ang kaniyang wallet sa loob ng aking bag.

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Where stories live. Discover now