Chapter 13

3.3K 57 1
                                    

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 13

May 27 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~


HURRICANE (POINT OF VIEW)

Ang lahat ng mga ginawa namin ni Yamato ng araw na iyon...ay hindi madaling kalimutan.

Lalo na ang pakiramdam ng mainit na mga bisig ni Yamato sa akin.

Ang naramdaman kong kaba noon ay hindi kabang dahilan ay galit o takot.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang pakiramdam na iyon.

Parang binubuhay nito ang lahat ng dugo ko sa aking katawan.

Idagdag na ang init na pinagsaluhan namin dalawa ni Yamato.

Hindi ko pinagsisisihan ang namagitang init sa amin ni Yamato.

At kapag hindi ko binago ang nararamdaman ko tungkol doon ay hindi na ako magiging dating ako.

Dalawang buwan ang nakalipas....

"Whoa...!"

"Ang cute naman nila!"

Ang mangha kong komento habang nakatingin sa picture na sinend sa akin ni Yamato.

Nandito ako ngayon sa sala at nanonood ng basketball sa telebisyon noong makatanggap ako ng mensahe mula kay Yamato kalakip ang isang larawan.

From: Daddy Matt

"Tinitingnan ko lang ang cute na mukha ng bunso ko. Papa Cane!"

"Ikaw ang kukuhanin kong ninong ah!"

Kalakip ng mensahe ni Yamato ang picture niya habang na sa mga bisig niya ang natutulog niyang bunsong anak na si Hideki.

At napakacute nilang dalawa sa picture at kamukhang kamukha ni Yamato ang bunso niyang anak.

Tama kayo ng nabasa nakapanganak na ang Misis ni Yamato at noong isang linggo lang ay nakauwi na sila sa kanilang bahay.

Walang mapaglagyan ang saya ni Yamato noong makita nito ang bunso.

kinarga niya nga daw ito kaagad habang maluha-luha ang kaniyang mga mata sa sobrang kasiyahan.

At masaya rin ako para sa pamilya ni Yamato.

Ngayon ay muli na silang nabuo na pamilya at nadagdagan pa sila ng isa.

Nitong mga nakaraang buwan ay madalas sabihin sa akin ni Yamato na sobrang na mimiss na nito ang asawa.

Lalo na noong manganak si Ma'am Karen ay wala siya sa tabi ng asawa.

Sa picture lang rin niya unang nasilayan ang mukha ng kanilang bunso kaya naman masaya ako at nakauwi na sila at makakasama na silang muli nila Yamato.

"Sino iyan Hon? Anak nila Karen at ni Mr Takeguchi?" pagpansin ng asawa ko sa picture sa aking telepono.

"Oo." ang sagot ko naman.

"Patingin nga." inabot ko naman sa kaniya ang telepono ko.

Pinagmasdan naman ni Melody ang larawan ni Yamato at ng kaniyang anak.

"Ang cute naman nilang dalawa ano Hon! Ang swerte talaga ni Karen at napangasawa niya si Sir Takeguchi."

"Oo nga ang swerte niya..." ang wala sa sarili kong bulong

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Where stories live. Discover now