Chapter 3

6.4K 84 14
                                    

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 03

Jan 08 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~

HURRICANE (POINT OF VIEW)


"Masarap makipaglaro sa mga bata ngunit nakakapagod hahaha! Inubos nila ang enerhiya ko." ang natatawang wika ni Yamato. "Halika ka Cane maupo muna tayo dito." ang wika pa nito sabay upo sa isang bench dito sa park, pinagpagan nito ang space sa tabi niya kaya wala na akong nagawa kung hindi umupo sa kaniyang tabi.

Malayo na kami sa mga bata at tinakasan namin ito sa kalagitnaan ng larong taguan kanina, kaya pala nag ayang maglaro noon si Yamato ay may plano na pala itong tumakas sa mga bata at syempre hinila na naman niya ako kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama, pabor rin naman sakin iyon dahil nakakaramdam na rin ako ng pagod sa ilang oras naming paglalaro.

Tama siya masarap ngang makipaglaro sa mga bata ngunit talaga namang nakakapagod.

Ubos na ang enerhiya mo habang sila ay nangangalahati pa lang.

Kaya kung papipiliin ako kung gusto kong maging bata o matanda ay bata talaga pipiliin ko.

Bukod sa puro laro lang ang iniintindi nila at ang problema lang nila ay kung ano ang kanilang kakainin sa araw-araw o kung bibilhin kaya ng kanilang mga magulang ang laruang gusto nila ay marami silang enerhiya sa katawan na unti-unti ng nawawala sa aming matatanda.

"Dahan-dahan Cane Hahaha!" ang natatawang wika ni Yamato noong makita ako nitong pasuray-suray na lumalakad paupo sa kaniyang tabi.

Parang lumulutang ang ulo ko at umiikot ang paningin ko dahil sa pagod ng ginawang paglalaro kanina.

Nakadagdag pa ang beer na ininom ko kanina.

Hindi ko alam na mauubos pala ng ganito ang lahat ng lakas ko sa pakikipaglaro lang sa mga bata.

Kung bakit ba naman kasi nakipagsabayan pa ako sa mga ito gayong mga bata pa sila habang ako naman ay hindi na bumabata.

"Pagod?" ang natatawa pa ring tanong ni Yamato.

"Oo pagod." sagot ko naman habang napapabuga ako ng hangin.

"Tubig oh?" alok niya sa isa sa mga bottled water na hawak niya.

"Salamat." ang sabi ko naman at tinanggap ang binibigay niyang tubig.

Binuksan ko ito at uhaw na uminom habang kita ko sa gilid ng mga mata ko na ganoon rin ang ginawa niya.

Pahero kaming dalawa na pagod at hingal, pareho rin kaming dalawa na napatumba ng mga bata kanina.

Mabuti na lang at natakasan namin sila kanina kung hindi ay baka nandoon pa rin kami hanggang ngayon.

Tumingin tingin ako sa paligid habang tahimik na iniinom ang tubig ko, wala masyadong tao sa bahagi ng parkeng ito kaya tahimik at nakakarelax.

Hindi muna kami kumikibo sa isa't isa at dinadama lang namin ang katahimikan ng buong paligid.

Berdeng mga puno huni ng mga ibon at banayad na ihip ng hangin.

Maya-maya pa ay si Yamato na ang unang bumasag ng aming katahimikan at kinausap ako.

"Nakita ko kanina iyong anak mo, ang gandang bata, wala pa ba kayong balak na sundan?" ang tanong nito.

Napakamot naman ako sa aking batok at nahihiyang ngumiti.

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Where stories live. Discover now