Kabanata I

709 9 21
                                    

Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko. I can't believe this. Nakita ko lang naman ang crush ko sa family reunion namin. Nakakadismaya. Ibig sabihin, kamag-anak ko siya?

Napapikit na lamang ako habang pinipigilan ang pagluha. Bakit ba kasi sa lahat ng magiging kapamilya ko, 'yong tao pa talagang matagal ko nang gusto?

Hindi ako makakapayag. Hindi ito maaari.

Tumakbo na ako paakyat ng building kung saan kokomprantahin ko ang pinsan kong si Ismael tungkol dito. Bakit ba kasi ngayon lang din ako umattend sa reunion? Tuloy, ngayon ko lang nalaman. Ibig bang sabihin, kaya ang bait-bait sa akin ng crush kong si Yves ay dahil alam niyang kamag-anak niya ako?

O baka kahapon niya lang din nalaman dahil kahapon lang din ako pumunta sa ganoon?

Ay, ewan!

"Mael!" sigaw ko nang makita ko ang pinsan kong naroon sa corridor pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si...Yves? WTF?

"You take care of my cousin," sambit ni Mael kay Yves sabay tapik pa sa balikat nito. Napakunot ang noo ko nang makalapit sa kanila.

"Bakit? Saan ka pupunta?" habol kong tanong nang makitang paalis siya. Dala niya rin ang bag niya. "Aalis ka, Mael?" dagdag ko pang tanong habang hinahabol din ang hininga dahil sa mabilis kong pagtakbo mula ground floor hanggang dito sa third floor ng building namin.

"He was accelarated, Jenna." Si Yves ang sumagot ng nga tanong ko. Sandali ko lang siyang sinulyapan bago muling tumingin kay Mael.

"Accelarated? Bakit?"

"Well, your cousin is a genius. I'll be in college now. Good luck on your senior high." Ginulo niya ang buhok ko bago siya tuluyang umalis.

No! May itatanong pa ako sa kaniya! Hindi pa kami nakakapag-usap nang matino! Bakit iiwan niya ako at sa lalaki pang ito niya ako ihahabilin? Hindi niya ba alam na may gusto ako sa lalaking ito?

"Mael! Wait!"

Hindi ko na siya nahabol nang mag-ring na ang bell.

"Let's go inside, Jenna," sambit ni Yves na naging dahilan ng paglingon ko sa kaniya. Agad na kumirot ang puso ko. This guy, how can he manage to act like nothing? Hindi niya ba talaga ako gusto? Lahat ba ng akala kong motibo ay dahil lang itinuturing niya akong kamag-anak? Kaya mabait siya sa akin at maalaga?

This is so unfair.

Nahulog lang naman ako sa kaniya dahil naramdaman kong interesado siya sa akin. False alarm lang pala!

Padabog akong pumasok sa classroom para sana ay malayuan siya ngunit hindi ko pala iyon magagawa dahil magkatabi kami ng upuan. Ang malas lang dahil saktong nasa dulo ako malapit sa bintana habang sa kanan ko naman siya nakaupo. Ginusto ko kasing umupo rito dahil malapit sa c.r. Mabilis kasing mapuno ang pantog ko.

Maya-maya lang ay dumating na ang teacher namin kaya naman hindi ako ganoon katagal nabingi sa katahimikan naming dalawa.

Muli akong napabuntong-hininga habang bumabalik sa alaala ko ang nangyaring pagtatagpo naming dalawa kahapon sa Mondalla Residences. Minsan gusto ko na lang itanong sa mga langit kung bakit kailangan kong maging anak ng kapatid na babae ng ama ni Mael.

"Good morning, grade 10 students. I would like to inform all of you that next month, we will be having our educational tour. Better yet, tell your parents this early. I will provide you with the brochure of our itinerary later. That's all and let's move on to our topic for today," wika ng homeroom adviser naming si Teacher Georgette.

After YearsWhere stories live. Discover now