Kabanata VI

328 5 0
                                    

I couldn't sleep. AGAIN! Paulit-ulit sa utak ko ang nangyari kanina sa daan malapit sa mansion namin—ang malalim na paghahalikan namin ni Yves.

I pressed my lips as I kissed my lavender pillow, like Yves taught me earlier. I can't believe it! Nababaliw na ako! Pinaghahampas ko ang unan ko tsaka ko ito ibinato palayo sa akin. Ginulo-gulo ko pa ang buhok ko bago ako tumingin sa kisame. Parang baliw akong ngumingiti, habang nararamdaman ang init sa namumula kong pisngi.

Bumangon ako bago ko kinuha ang lavender diary ko bago ko sinulat ang bawat butil ng nangyari kanina. Simula sa paghalik ko sana sa kaniyang pisngi ngunit lumingon siya, kaya naman sa labi niya ito tumama. Maging ang naging away at sagutan namin sa rooftop na nagpasakal sa puso ko. At ang panghuli, ang pambawi, at pabaon niyang halik bago niya ako ihatid dito sa mansion namin.

Hindi malinaw sa akin kung bakit niya iyon ginawa. Hindi niya naman daw ako gusto. Hinalikan niya lang ba ako para sundin ko siya at tumigil na ako sa kakangawa at pagiging matigas ang ulo?

Napabuntong-hininga ako. Lalo tuloy akong naguluhan pati na rin sa sinabi niyang ako na ang haharap sa responsabilidad nang ginawa kong pag-amin sa kaniya.

Ack! Ang gulo mo, Yves!

Pero okay lang, nakaisa naman ako sa kaniya. Dalawa pala.

*****

Matapos kong magpaganda at mag-ayos ay bumaba na ako sa dining room para mag-almusal. Naroon si mom and dad na hinihintay ako. Binati ko sila nang nakangiti.

"Good morning, mom and dad!" Hinalikan ko sila sa pisngi. Agad namang bumalik sa isipan ko ang nangyari kahapon.

Yves, ano ba?!

"Mukhang maganda ang gising mo ngayon, anak, ah?" bati rin ni mom nang makaupo ako sa tabi niya. Inahinan niya naman ako ng pagkain.

"Opo, maganda po kasi ang panaginip ko," sagot ko.

Dahil napanaginipan ko si Yves!

"Sana maganda rin ang grades mo, Jenna," singit ni dad na nagpawala ng ngiti sa labi ko. Itinupi niya ang tabloid na hawak niya bago humigop ng kape at tumingin sa akin.

"I heard, mababa raw ang nakuha mong grades sa physical education this grading."

Namutla ang mukha ko dahil doon. Napalingon ako kay mom na ngayo'y nag-aalangan na rin kung ngingiti ba para sa akin dahil sa pinag-uusapan namin ngayon.

"Kasasama mo 'yan sa Roize na 'yan. Ano bang itinuturo sa 'yo ng lalaking 'yon?"

Kumirot ang puso ko. Bakit ba parang ayaw ni dad kay Yves? Hindi naman siya ganoon sa kaniya dati.

"Daddy, matalino ang batang iyon at mabait pa. Siya ang nagbabantay sa dalaga natin," pagtatanggol ni mom sa lalaking tinutukoy ni dad. Tama si mom, mabait si Yves, at siya ang tumutulong sa akin kapag may hindi ako nage-gets na lectures. Siya ang nagtuturo sa akin, kahit na ang hirap kong makaintindi.

"Maybe he's doing that because he's after our daughter. He's after our wealth. He's taming Jenna to rebel."

Napakunot ang noo ko. Ako itong pasaway. Bakit kay Yves nasisisi ang lahat pati na rin ang kahinaan ng utak ko sa ibang subjects? "Dad, he's my friend po. Wala po siyang ginagawang masama."

"Ngayon, wala. Hindi natin alam. Mamaya, sumasalisi na pala siya sa akin, sa atin, Milenne."

I don't even know what 'salisi' means.

"Daddy, I know that kid. Hindi magagawa ni Yves ang iniisip mo. Magkaibigan lang ang mga bata. At kung ano man ang nangyayari sa pamilya nila Mikael, wala itong kinalaman sa atin."

After YearsWhere stories live. Discover now