Kabanata XX

184 5 0
                                    

"Tingin mo bakit?"

Ibinato niya ang unan niya sa tabi ko tsaka siya gumapang para humiga. Tinakasan ako ng hininga lalo na nang hilahin niya ako patalikod sa kaniya. Ngayon yakap-yakap niya ako na hindi makakilos.

"Matulog ka na," bulong niya. "Kapag hindi ka natulog, hindi talaga kita patutulugin ngayong gabi."

"Lagi mo akong pinagbabantaan," bulong ko rin sa kaniya. "Hindi mo ba alam na hindi ako natatakot?"

Tumawa siya. "Alam ko naman kung saan ka takot, pero hindi ko kayang gamitin 'yon laban sa 'yo."

Sinulyapan ko siya. "Saan ako takot?"

"Takot kang iwan kita."

Napayuko ako. Masyado bang halata? "Alam kong gustong-gusto mo ako, Jenna, noon pa. Alam ko. At sa tuwing pakiramdam mo napupuno ako sa 'yo, bigla kang nakikinig sa akin dahil iniisip mong baka iwan kita."

Nanuot ang hapdi sa ilong ko. Parang babagsak na ang mga luhang kanina pa nananatili sa mga mata ko.

"Huwag kang mag-alala. Hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Kahit napakahirap mo ring intindihin at pasunurin dahil may sariling takbo ang utak mo, hindi ako mawawala sa piling mo. Hindi ko rin kasi kaya. Palagi kitang iniisip, alam mo ba?"

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa pisngi ko. "Kaya huwag ka nang malito kung talaga bang mahal kita. Lahat ng ginagawa ko ay para sa 'yo at lahat ng gagawin ko pa. Lahat para sa 'yo, Jenna."

Nilingon ko siya at tumagpo sa akin ang mapupungay niyang mga mata na patunay na sinsero siya sa kaniyang mga sinabi. Hindi ko na napigilan pang muli ang sarili na halikan siya.

Gumapang ang kamay niya sa pisngi ko habang bumabawi ng halik sa akin. Nakahawak naman ako sa kamay niya na humihila sa aking lumapit pa sa kaniya. Ilang segundo pa naming nilasap ang labi ng isa't isa hanggang sa maubusan kami ng hininga.

We stared at each other and smiled. Ito na siguro ang pinakamasayang gabi ko dahil kasama ko siya. Matutulog kami sa iisang kama na para bang mag-asawa. Sana balang araw mangyari itong muli, pero sa pagkakataong 'yon, sana wala nang pipigil.

He kissed my forehead before placing my head on his chest. We stayed closer like that until the morning came.

*****

It was five in the morning when I opened my eyes. Mahimbing pang natutulog si Yves sa tabi ko. Hindi ko na siya ginising pa at ni-charge ko ang phone ko para matawagan ang driver namin.

Nang maayos ko ang sarili ko ay muli kong sinulyapan si Yves. Hindi ko maiwasang mapangiti. Why do I feel secure now that he has confessed his real feelings? I feel like I don't have anything to worry about now since we both love each other.

I kissed his cheek, before finally leaving his house. Naghihintay naman ang driver ko sa labas at matiwasay niya akong hinatid sa bahay.

Malakas na sampal ang sumalubong sa akin mula kay dad.

"Ano itong narinig ko na natulog ka sa bahay ng Roize na 'yon?" Malakas na sigaw sa akin ni dad na dunagundong sa buong mansyon.

I am still at the main entrance, and everybody's looking at me. I'm clenching on my face, itching in pain.

"D-dad..."

"Dad, I told you. Malakas ang ulan kagabi, kaya hindi ko na pinatuloy pang makauwi si Jenna."

"No, hindi mo ba naisip kung paano mapupunta ang anak natin sa bahay ng lalaking 'yon? She was supposed to be in school! Ito na nga ba ang sinasabi ko. That guy really has an agenda with our daughter!"

After YearsWhere stories live. Discover now