Kabanata XII

275 5 9
                                    

"Open your mouth. I'll teach you how."

Sinunod ko ang utos niya. "Keep your mouth soft and relaxed," saad pa niya bago ako binigyan ng mabagal at matamis na halik. Napapikit ako ngunit nang bitiwan niya ay muli ko siyang tiningnan at nakitang nakangiti na tila ba namamangha.

"Huwag mong bilisan. Hindi naman ako aalis," natatawa niyang sambit.

"Anong binibilisan? Wala naman akong ginagawa!" reklamo ko.

"Anong wala? Halatang sabik na sabik ka sa halik ko. Easy ka lang. Gusto mo agad, torrid, eh."

Hinampas ko siya. "Anong torrid?!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Dinidilaan mo na agad ako. Labi pa lang ang tinuturo ko, eh."

Hindi ako makapaniwala sa taong ito. Maging sa ganitong bagay ay tinuturuan niya ako.

I pursed my lips. "Paano ba kasi?"

"Let me move first, okay? Observe, Jenna."

Kinuha niya ang kamay ko at iyon ang sinimulang halikan. Nakatitig lang ako sa ginagawa niya habang nauubusan ng hininga. Is this for real? Nakikita ko ba talaga siyang ginagawa ito sa harap ko? At nang nakahubad pa? Mamatay na yata ako dahil sa bilis ng tibok ng puso!

"Now, you do it with my lips," utos niya.

"Paano mo natutunan 'to? Have you kissed someone before already?" paningit kong tanong.

He smirked. "I watch porn so..."

Nanlaki ang mata ko sa inamin niya. "Everybody does, so why are you shocked? Hindi ka pa ba nakakapanood?"

Umiling ako. "Never in my life."

"Good for you. Now, stop asking and just do what you have learned."

Napakagat ako sa labi ko. Bakit parang sa lahat ng subject na pinag-aaralan namin sa school, dito lang ako kinabahan nang malala? Dito lang ako natakot na mahusgahan at bumagsak?

I stared at his lips before I closed my eyes and kissed it, but he burst out laughing. "Jenna! That's my nose!" Hawak niya ang kaniyang tiyan habang tinatawanan ako. "Kinakabahan ka ba? Come on! It's just me!"

"What if sakalin na lang kita? Pinapahirapan mo pa ako! Halikan mo na lang ako, mas mabilis pa!"

"Okay, okay! Such a hot-tempered woman."

He pulled me to his lap before giving me a passionate kiss. I never knew we could be like this. I hope Mael won't mind having his cousins flirt around.

"I apologized for how I acted earlier," sambit niya na hindi ko inaasahan. Muling nagtagpo ang mga mata namin. Seryoso na naman ang tono ng boses niya at hindi ko alam kung paano ko pa nasasabayan ang pabago-bago niyang ugali. Maybe it's because we're the same. Baliw din ako. "Pagdating sa 'yo, hindi ko na talaga mapigilang maging agresibo."

Hinaplos niya ang buhok ko. "I am so sensitive when it comes to you. I get so mad because of you."

"Kaya ba palaging nakakunot ang noo mo kapag tinitingnan ako?"

"Because I hate it when other guys are lurking around you."

Muli kong naalala ang sinambit niya kanina.

"You are mine and mine only."

Kung sa kaniya lang ako, pwede bang sa akin na lang din siya?

*****

Now, I don't know how I would act in front of Yves after that night. Sa tuwing naaalala ko ang ginawa namin, hindi ko mapigilang mahiya, mamula at kiligin. Hindi ko kinakaya! Dala lang iyon ng kalasingan, hindi ba?

After YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon