Kabanata IV

367 6 0
                                    

WALA NA. Wala na ang first kiss ko, dahil nakuha na ni Yves. Sabagay, sa kaniya din naman nakalaan 'yon, pero hindi ko inasahan na gano'n gano'n lang. I imagined having my first kiss with him in a romantic way. Iyong pareho naming gusto. Bakit kasi siya lumingon?

Ilang minuto pa akong nasa c.r. hanggang sa mapakalma ko na ang sarili ko, pero no'ng lumabas ako at makitang muli si Yves ay nagdeliryo na naman ang puso ko sa kakahiyaw sa pangalan niya. Paano pa ako makakalapit sa kaniya nito kung palaging bumabalik sa alaala ko ang nangyaring paglapit ng aming mga labi?

"Jenna!" Lumingon siya sa akin kaya naman nabalik ako sa reyalidad. "Bilisan mo! May surprise quiz!"

"Ha?" Dali-dali akong umupo. Agad naman akong binigyan ni Yves ng one fourth sheet of paper na may pangalan ko na. I pursed my lips. How thoughtful of him. Kung hindi pa niya ako siniko ay hindi ko maririnig ang teacher naming nagdidikta na ng tanong para sa number one.

Natapos ang quiz at ang klase namin. Salamat at nakapasa ako dahil sa pagpapakopya sa akin ng katabi ko. Paano ko pa lalayuan itong si Yves kung palagi niya na lang akong inililigtas? Lalo na kay Sir Bascus. Hindi ko alam na may binabalak pala sa aking masama ang teacher naming iyon. Hindi ko naman kasi napapansin. At ang gusto ko lang naman ay makapasa sa kaniya.

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Yves papunta sa cafeteria. As usual, nakasunod lang ako sa kaniya habang bumibili siya ng pagkain para sa aming dalawa. Kanina pa nga niya nababangga ng kaniyang braso ang dibdib ko. Masyado ba akong malapit?

Nilingon ko siya at seryoso lang siyang nakatingin sa unahan kaya dumistansya ako.

How I wish, hindi niya alam na nadadanggi niya ako.

"Jenna, sandali lang, ha? I'll just go to the comfort room. I'll be back in a minute," paalam sa akin ni Yves nang mailapag niya ang tray ng lunch naming dalawa. Tumango ako dahil pansin kong parang kailangan niya nang magmadali. Agad naman siyang tumakbo papunta sa pinakamalapit na male's comfort room.

Hinintay ko siya at halos ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik. Lumalamig na ang pagkain namin. Nakalimutan niya na ba ako?

"Jenna." Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Nakangiti akong tumunghay sa pag-aakalang si Yves iyon ngunit ang nakita ko ay ang babae naming kaklase na si Desiree. Napakunot ang noo ko. Hindi naman kasi kami close para tawagin niya ako sa pangalan ko at isa pa, para lapitan ako.

"Pwede bang magtanong?"

"Sure, what is it?" tanong ko rin.

"Boyfriend mo ba si Yves?" Kita ko ang pamumutla sa kaniyang mukha. Lalong kumunot ang noo ko dahil sa pag-iisip kung bakit niya naman ako tatanungin nang ganoon.

"Bakit?" tanong ko pa.

"Palagi kasi kayong magkasama."

"Ano naman?"

"May gusto kasi ako sa kaniya."

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang marinig ko ang sinabi niya. Bakit sa lahat ng pagtatapatan niya ng tungkol doon ay ako pa? Sabagay, mas mababahala ako kung kay Yves niya iyon aaminin. Mas masisiraan ako ng loob.

"Gusto ko lang malinawan kung may kayo ba dahil kung wala naman ay aamin ako sa kaniya," dagdag niya pa. Hindi ko alam na nakakahawa pala ang pamumutla dahil alam kong tinakasan na ako ng dugo sa katawan ko dahil sa mga salitang galing sa kaniya. Alam ko namang guwapo si Yves, mabait, maalaga, maganda ang pangangatawan kaya hindi nakapagtataka na magustuhan siya ng kaklase ko. Baka nga, hindi lang si Desiree ang kaagaw ko kay Yves kung hindi marami pa. At hindi ko gusto ang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak, dahil buti pa siya may lakas ng loob na umamin sa taong nagugustuhan niya samantalang ako, napakalapit na sa akin ng taong gusto ko, hindi ko pa magawang sabihin ang laban ng puso ko. Dahil unang-una, magkamag-anak kami.

After YearsDär berättelser lever. Upptäck nu