Kabanata XVII

200 4 0
                                    

"Just like how the moon waits for another day to see the sun, I'll wait for you, Jenna."

Nagpatuloy kami sa ganoong kalagayan hanggang sa mapansin naming pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Naririnig ko pa silang nagsisisigaw ng "Get a room!" Hindi ko naman kasi namalayan na nasa gitna pala kami ng daan.

Natatawa na lang kami ni Yves habang tumatakbo palayo sa kanila. Now, sa tuwing matititigan ko ang mga mata niya, all I can see is that he loves me. Baliw na yata ako. Isang beses niya lang sinabi, pero parang sirang plaka sa pandinig ko dahil paulit-ulit ito.

Naglakad kami papunta sa sakayan para umuwi na sana, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, pero imbes na malungkot, tila yata naging musika sa pandinig ko ang bawat patak nito. Ganito ba kapag in love? Kahit malamig ang simoy ng hangin, init ang nararamdaman ko sa puso ko. Napakasaya ko.

Ilang sandali pa kaming nakaupo sa waiting shed habang naghihintay ng sasakyan nang mapansin kong unti-unti nang nawawala ang mga tao sa kalsada. Kami na lang yata ang natitira sa labas. Anong oras na ba? Should I call our driver para masundo niya na kami?

Natigilan ako nang sumandal si Yves sa balikat ko. Nilingon ko siya at nakita kong nakapikit siya na para bang natutulog. Teka, natutulog na siya? Ganoon ba siya napagod na kasama ako?

Naramdaman ko ang init sa balikat ko, pero hindi iyon dahil sa pagmamahal ko kay Yves, kung hindi dahil nararamdaman kong mainit ang pisngi niya. Hinipo ko ang kaniyang noo at nabigla ako nang mapagtantong nilalagnat siya. Hindi ba siya pwedeng mabasa sa ulan?

Mahina kong tinapik ang mukha niya para gisingin siya. "Yves, let's go to your home. Where is your home?"

Umiling siya bago umungol. "No, Jenna. You need to calm down. Let's get a cab first for you, so you can go home."

I scoffed. "How am I supposed to calm down when I can see you suffering from a fever? Nagkakalagnat ka ba talaga agad kapag nababasa ng ulan?" natutuliro kong sigaw sa kaniya.

I can hear his rapid, deep breathing. What's with him? I'm really in a panic right now. "Come on, Yves! Tell me, where is your home?!"

Nang may dumaang cab ay mabilis ko iyong ipinara. Tinulungan naman ako ni manong driver na ipasok si Yves sa loob ng sasakyan. Mabuti nga at hindi ganoong kaarte si manong para papasukin kaming dalawa ni Yves na parang mga basang sisiw.

Muli kong sinulyapan si Yves. Sinong hindi mag-aalala sa kaniya, kung hinang-hina siya?

"Saan tayo, Ma'am?" tanong sa akin ng driver. Gigising ko na sana si Yves, nang makita ko siyang nakahilig sa may bintana habang nakapikit. Napabuntong-hininga ako. "Hold on po, sir."

Kinuha ko ang phone ko, bago ko tinawagan si Mael. I know Yves won't tell me his home, so I really need to do this.

"Jenna," sambit ni Mael sa pangalan ko nang sagutin niya ang tawag ko. "I've been calling you since earlier. Your mother is looking for you."

Tiningnan ko ang phone ko. Marami palang missed calls. Hindi ko namalayan dahil naka-silent. Bawal kasi sa classroom ang makaabala at nalimutan ko namang i-on noong break time.

"I'm with Yves, but can you tell me where his home is? He's having a fever right now."

"Fever? Nabasa ba siya ng ulan?"

So, he knew? Alam niyang nagkakalagnat agad ang lalaking ito kapag nababasa ng ulan?

"Yes, so please give me his address. He's unconscious right now here in the cab. The driver is waiting for me to tell him where we are going."

"O-okay. Give this phone to the driver, and I'll explain it to him. Calm down, Jenna, and make sure to inform your mother of your whereabouts."

Sinunod ko ang utos ni Mael. Nang ibalik sa akin ni manong driver ang phone ko ay pinaharurot na nito ang sasakyan.

I glanced at Yves. I should have brought him to the hospital instead, right?

"It's cold," rinig kong bulong ni Yves, habang naghahanap ng kung ano na makakapitan. Ibinigay ko sa kaniya ang kamay ko. Mahigpit niya naman iyong hinawakan.

Kung alam ko lang na magkakasakit siya nang ganito, hindi na sana kami nagpaulan. Marami pa pala talagang hindi ko nalalaman tungkol sa kaniya.

Ilang sandali pa ay huminto na ang kotse ni manong driver. Nagtaka ako dahil sa drugstore kami tumigil. Pero hindi na ako nakapagtanong pa nang mabilis na lumabas si manong driver at iniwan kaming dalawa ni Yves. Hindi ko naman siya mahabol pagka't hawak-hawak ni Yves ang kamay ko.

Bakit ba ang lakas bigla ng ulan ngayon? May bagyo ba? Bakit sa lahat pa ng araw na uulam ay ang araw pa ng date namin ni Yves? Minsan na nga lang kaming lumabas.

Mayamaya lang ay dumating na si manong driver na may dalang gamot. Inabot niya ang mga iyon sa akin, bago muling pinaandar ang sasakyan. Ipinaliwanag niya rin sa akin kung ilang beses dapat inumin ni Yves ang gamot, pero bago daw ang lahat ay pakainin ko muna ito. Tinulungan ako ni manong driver na ihatid sa kwarto si Yves. Grabe, kung wala ang tulong niya ay hindi ko rin alam kung paano dadalhin si Yves sa kwarto niya nang hindi ito nagigising.

"Thank you, sir. How much po?" tanong ko nang ihatid ko sa may pinto si manong.

"Okay na po, Ma'am. Nagsend na po ng bayad si sir na nakausap ko sa telepono mo kanina," wika niya na napaghahalataan kong natutuwa siyang nakatulong sa akin.

"O-okay po. Maraming salamat. Ingat po kayo," paalam ko sa kaniya, bago ko isinara ang pinto. Shocks. Mabuti na lang din at binayaran na ni Mael dahil ipinambili ko na ng keychains 'yong pera ko kanina.

Bumalik ako sa kwarto upang tingnan muli si Yves na naroon sa couch habang nakayupyop. Now, what should I do first?

Nilapitan ko si Yves na ngayo'y nakapikit at nakakunot ang noo na para bang nahihirapan sa sitwasyon niya. Naghanap ako ng towel at pamalit niya ng damit. Nagpakulo na rin ako ng tubig para maipamunas ko sa kaniya. Kailangan niyang makapagpalit ng damit dahil basang-basa siya ng ulan, para naman mailipat ko na siya sa kama at doon makatulog siya nang matiwasay.

Lumuhod ako sa tapat niya, bago ko siya pinagmasdan. Umusbong ang kaba ko nang mapagtanto ko kung anong gagawin ko sa kaniya. Hindi naman siguro siya magagalit kung tatanggalan ko siya ng damit, hindi ba?

"Hmm..." ungol niya. I heaved a sigh, before I decided to unbutton his uniform. Napapalunok na lang ako, habang pinagmamasdan ang kaniyang hubad na katawan. Nakita ko na ito noong nasa birthday party kami ni Zeus. Nahawakan ko na rin ang kinis ng kaniyang balat. At dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman ko, napapalunok ako ng laway dahil nanunuyo ang lalamunan ko. Maging ang kamay ko'y nanginginig.

For Pete's sake, Jenna, maghunos dili ka. Ikalma mo ang sarili mo at huwag pagpantasyahan ang lalaking may sakit.

I tried to compose myself. Pinunasan ko ang katawan niya, bago ko siya sinuutan ng t-shirt.

Now, my hands are shaking even more. Napakagat na lang ako sa labi ko, bago ko unti-unting kinalas ang belt niya. Shocks. Naghuhurumentado ang puso ko dahil sa kaba. Wala naman akong gagawin sa kaniya. Bakit ako nakakaramdam ng ganito?

Tinanggal ko ang butones ng kaniyang pantalon at ibinaba ang zipper nito. Bakit parang ang manyak ko sa lagay na ito?

Impit akong napatili nang may dumanggi sa kamay ko. Shit. Bakit? Bakit? Bakit kailangan kong maramdaman iyon? Possible bang magka-erect kahit nilalagnat? Utang na loob! Ayoko na! Mamamatay na yata ako!

Jenna, breathe in. Breathe out. You need to take that pants off so you can change it to a new one. Hindi mo siya maililipat sa kama kung basang-basa siya ng ulan.

Gosh.

Muli akong huminga nang malalim, bago ako umakyat sa couch. Umibabaw ako sa kaniya bago ko lakas-loob na hinawakan ang sintureras niya. Yves, please forgive me. Huwag mo sana akong makita sa ganitong kalagayan dahil hindi naman kita pagsasamantalahan.

Nakayuko ako at pilit na umiiwas ng tingin habang ibinababa ang kaniyang pantalon nang may humawak sa kamay ko.

"What are you doing?"

After YearsWhere stories live. Discover now