Kabanata X

279 5 14
                                    

Hinatid ako ni Zeus sa mansion. Sakto namang naroon si mom sa main entrance na naghihintay sa amin. Lumabas din si Zeus sa sasakyan na sumundo sa amin kanina. Kasunod ko siya umaakyat sa hagdan papunta sa main door kung saan naroon si mom.

Zeus greeted my mom and showed his gratitude for letting me join him on this day. I can't help but smile seeing him respectful towards my mother.

Nagpaalam na si Zeus sa amin kaya naman tuluyan na akong nakapasok sa loob ng mansion.

"How was it? Did you enjoy it?"

Ngumiti ako bago lumingon sa kaniya. "Yes, mom," sagot ko tsaka sinimulan ang pagkukuwento. Maya-maya naman ay dumating si dad at nag-usisa din nang makapasok siya.

"Who's that?" Dad asked.

"Jenna's classmate. Nagdate sila kanina at inihatid niya si Jenna dito sa bahay, just like how he fetch our little girl this morning."

"Was that Roize?"

Nawala ang ngiti ko nang marinig ang apelyido ni Yves. Ganoon talaga siya tawagin ni dad.

"No, dad. It was Zeus," sagot ko.

"Which family?"

"Delleno po."

Tumango-tango si dad habang tinatanggal ang tie. "Good. Delleno is one of the noble families in town. You better be close to him," pahayag niya pa bago tuluyang pumunta sa office niya.

"Sige na, take some rest na rin. Mamaya tatawagin ko kayo kapag handa na ang hapunan," sambit naman ni mom habang hinahaplos ang braso ko.

Tumango ako sabay halik sa kaniyang pisngi bago ako naglakad paakyat sa kwarto ko. I was cleaning myself in the bathroom when I started to cry. I don't know why suddenly I became emotional. I was really happy earlier but I feel like something is misisng inside me. And it is very suffocating.

Kasabay ng pagtulo ng tubig ay pagtulo ng mga luha ko na akala mo naman ay kayang ibsan ang puwang sa puso ko. Hindi. Dahil sa araw na ito, lalo ko lang napatunayan kung gaano ako hulog na hulog kay Yves. Hindi na ako kailanman makakabangon. Hindi na makakaahon. Mahal ko na talaga ang lalaking iyon na kahit ilang libong masasakit na salita ang sabihin niya sa akin, hindi ko magagawang palitan siya sa puso ko. Within those nine years that we knew each other, napakaimposible na para sa isang katulad ko na kalimutan siya. Unless madulas ako rito sa sahig at mabagok ang ulo ko, pero duda ako dahil baka sa pagmulat kong muli, makita ko na naman ang puso kong tumitibok para sa kaniya.

Lumipas ang mga araw na pumapasok lang ako sa Altrius na parang hindi humihinga. Napakahirap. I wasn't overreacting. Every time I get to see Yves, I feel like every single fluid in my body will go out and become tears.

Magkasabay kaming kumakain pero sinusubukan kong huwag nang bigyan ng malisya pa ang ginagawa niya para sa akin. Kahit na ang pagkumusta niya sa akin, ang mga pagtatanong, binibigyan ko na lamang ng payak na sagot, but still the more I distance myself, the more I see me coming back to him.

Wala na. Napakaimposible na talaga.

Dumating ang araw ng Sabado. It was Zeus' birthday and all of us were invited. Nagpahatid ako sa address na ibinigay sa akin ni Zeus at hindi naman ako nagkamali ng pinuntahan dahil nakita ko na ang iba ko pang mga kaklaseng naroroon aa magandang bahay ng pamilya Delleno.

I got out of the car and told the driver to fetch me at 9 p.m. Sapat na siguro ang dalawang oras. Babatiin ko lang si Zeus at ibibigay sa kaniya ang regalong inihanda ko para sa kaniya. Makikisaya lang sandali at uuwi na.

I am wearing a lavender fitted dress and heels with a clutch bag. Nakalugay lang ang wavy kong buhok, at nagsuot lang ng light make-up. Hindi naman ako ang may birthday para magpaganda ako ng bongga.

After YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon