Kabanata XV

237 5 0
                                    

Magkasama naming binaybay ang daan papunta sa Binondo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Yves para dalhin ako sa lugar na ito, pero nakakatuwa dahil para kaming nasa China. I remember going there when I was young, but that time I was with my family. How I wish, makapunta ulit ako sa China, pero kasama na si Yves.

We went down to eat whatever we liked. The street food was the best. Para kaming nag-foodtrip dahil halos lahat ng stalls ay sinubukan namin ang mga pagkain. Lalo na sa Escolta Street. Nilantakan namin 'yong fried siopao. Hindi rin namin pinalagpas 'yong pork and chive dumplings at 'yong hand pulled noodles.

"You want some bubble milk tea?" tanong ni Yves nang makita niya akong nakatingin doon sa stall dahil pinapanood ko 'yong tindera habang nagtitimpla ng tsaa.

Tumango ako at ngumiti na parang bata. Syempre, sino ba ako para tumanggi sa grasya? "Alright." Bumili siya ng isa para sa akin. Itinusok niya rin ang straw sa baso bago iniabot.

"Oh, bakit wala ka?" tanong ko.

Umiling siya.

"Are you sure? We can share. Laway conscious ka ba?"

Natawa siya. "Laway conscious? How many times have I kissed you? Have you forgotten?"

Halos masamid naman ako sa sinabi niya, kaya nahampas ko siya sa dibdib. Para talaga itong baliw.

"Because I know, hindi mo naman mauubos at ibibigay mo lang din sa akin." Sabagay, may point naman siya. "What else do you want? I'll buy it for you."

Ngumuso ako sa kiosk kung saan may takoyaki. "I want octopus."

"Okay. Let's get that."

Hinila niya ako sa kiosk at muli, umorder na naman siya ng isa. Mukhang kilalang-kilala na talaga ako ng mokong na ito dahil tama naman siya, nakakaisa o dalawang higop pa nga lang ako sa bubble milk tea ay ibinigay ko na sa kaniya ang natira. Yogurt lang talaga ang inumin na kaya kong ubusin. Maliit lang kasi 'yon.

"You know what? May kadugyutan ka rin palang taglay," sambit niya habang pinanonood namin ang pagluluto ng takoyaki.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit na naman?"

"Look at what you did to the straw."

Natawa ako, kasi nakita kong puro kagat na 'yong straw sa bubble milk tea na hawak niya. Shocks. Nawala sa isip ko 'yon, ah. "Sorry, just a habit. Bakit, hindi mo ba alam 'yan?"

"I just know that you keep on biting your straw whenever you drink your yogurt before. but this is the first time I saw it this close," paliwanag niya.

"Eh, 'di kung nadidiri ka, huwag mong inumin!"

Ngumisi siya bago isinubo ang straw na iyon sa bibig niya. Napanganga na lang ako dahil mukhang ako 'yong mas naapektuhan sa ginawa niya. "It's fine as long as it's yours. Ang hirap lang makainom," komento niya. "Siguro, kinakagat mo 'yong straw kasi may kadamutan kang taglay?"

Inirapan ko siya. "Ibuka mo kasi!" sagot ko na nagpaangat ng kilay niya. "I mean, 'yong straw!"

"What if ikaw ang magbuka?" natatawa niyang hirit sa akin. God. Pwede po bang saktan ang isang tao, kahit gustong-gusto mo siya? Parang gusto ko nang magsisi.

"What if salaksakin kita ng straw?" Kinuha ko na lamang 'yong bubble milk tea sa kaniya para ayusin 'yong straw at makainom siya nang matiwasay. Ibinigay ko 'yong muli sa kaniya.

He just made a face to annoy the hell out of me. Nakakainis na talaga itong isang ito. Puro siya kabaliwan at kabastusan. "Alam mo, simula nung gabing 'yon, naging manyak ka na!"

After YearsWhere stories live. Discover now