Kabanata VII

321 6 6
                                    

"Then, what do you want to hear from me instead?"

I glanced at him. I was playing with my nails when I looked down. "It's okay, Jenna, I'm here for you. Everything will be alright as long as I'm here," wika ko.

Hinawakan niya ang kamay ko na para bang pinatitigil sa pagkakalikot sa mga daliri ko. "It's okay, Jenna, I'm here for you. Everything will be alright as long as I'm here." He brushed his hand onto my hair. Parang kanina lang nang nakita kong gawin niya iyon kay Desiree.

"Can you hug me?" I requested.

Nakita kong parang nagdalawang-isip pa siya, pero sinunod niya naman ang gusto ko. Tumayo siya at inihilig ang ulo ko sa kaniyang dibdib. He hugged me, giving me enough warmth to ease the pain. Hindi ko na naman napigilang mapaluha. He's doing everything I requested. Now, I can see clearly that he's just doing everything for me because I asked for it even if he doesn't like it.

I feel pity, but what can I do? I want him to be this close. I want him for me only. Wala na akong paki sa maaaring sabihin ng iba at sa kung ano man at sino pa ang pumigil sa akin. Siya ang lalaking gusto kong mahalin habang-buhay, kahit labag pa ito sa batas ng tao, kahit magkamag-anak kami.

Tinulungan ako ni Yves na makabalik sa classroom. Mabuti na nga lang din at may saklay kaya kahit papaano ay nakakalakad ako. Mahirap nga lang umihi dahil sobrang sakit ng sugat ko. Sana lang ay gumaling ito agad.

Nagpaalam muna si Yves sa akin para bumili ng pagkain naming dalawa. Huwag na raw akong sumama dahil mas mahihirapan lang daw ako kung pipilitin ko pang maglakad kaya naman naiwan na lang ako rito sa room habang ang mga kaklase ko ay naroon sa labas at may sari-sariling mundo. Ine-enjoy ang lunch break.

"Miss, you're that girl, right? 'Yong nakabangga ko kanina?"

Napalingon ako sa nagsalita. He was the transferee earlier. Kumunot ang noo ko. Don't tell me; he's our classmate?

"Ako nga pala si Zeus, Zeus Delleno. I want to apologize for what happened. I'm really really sorry. Kung may kailangan ka, pwede kang magsabi sa akin since I am the reason why you ended up being like this."

Kita ko sa mukha niya ang sinseridad. I smiled. "Don't worry about it. Okay naman ako."

Kahit hindi.

"Are you sure?"

Muli ay tumango ako.

"Alright. Anyway, can I ask your name? I still have no friends here. Can you be my friend?"

Naawa naman ako sa lagay niya, kaya naman tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad sa harap ko. "Sure. I'm Jenna, Jenna Levanier. We can be friends."

He flashed a smile, and I was surprised when he never let go of my hand. "Thank you!"

I heard someone clear his throat, and when I turned around, I saw Yves staring at my hand, now held by this transferee. Agad ko iyong hinila dahil nakaramdam ako ng kaba at takot. Lalo na nang sumingit siya sa gitna namin para ibigay ang pagkain ko. Napatingin na lamang ako kay Zeus na ngayo'y mukhang nagtataka rin sa inasta ni Yves.

"Is he your boyfriend?" tanong nito sa akin.

"Ha? Ah, h-hind—"

"Yes, I am, so get off."

Halos mawalan ako ng hininga dahil sa narinig mula kay Yves. Talagang napalingon ako sa kaniya para makita kung totoo bang nanggaling ang mga salitang iyon sa kaniyang bibig. Totoo bang sinabi niyang boyfriend ko siya? Akala ko ba ayaw niya? Kahapon lang nang pagalitan niya ako dahil nagsinungaling ako kay Desiree, bakit ngayon siya naman ang gumawa? At hindi ko magawang magalit dahil gusto ko. Kinikilig ako sa sinabi niya.

After YearsWhere stories live. Discover now