Kabanata XXV

72 3 6
                                    


"Yves?" nagtatakang tanong ko nang dalhin niya ako sa rooftop. "Anong ginagawa mo? Bakit mo ako dinala rito?"

"I'm sorry. Hindi na tayo nakapag-usap pagkatapos ng nangyari. At hindi na rin ako makapagbigay sa 'yo ng sulat dahil may bantay na sa locker room. I just want to know if you're fine."

"Okay lang naman ako kahit papaano, Yves."

Tumitig siya nang matagal sa akin. "Good to hear that." Bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Bakit, ikaw ba?"

Umiling siya. "I'm just worried, but I can see that I have nothing to worry about." Tipid siyang ngumiti. He brushed my shoulder and tapped it. "I'm leaving now. It's good to see you and talk to you for a moment."

Nilagpasan niya ako.

"Sandali, Yves! Okay ka lang ba talaga?"

Huminto siya sa paglakad. He turned to face me and forced a smile. "I am, and I'm sorry for dragging you here and for being immature. I should have obeyed what your dad wants for our own good."

Iyon naman ang gusto ko. Ang sundin namin si dad, dahil baka kapag sinuway pa namin baka lalong ilayo ni dad si Yves sa akin. Kaya these past few days, pinipigilan ko talaga ang sarili kong huwag siyang kausapin o tingnan man lang.

Pero bakit ang hirap at ang sakit kapag nanggagaling na sa kaniya?

"Nakausap na tayo ni dad, hindi ba? Naniniwala na siyang walang nangyari sa atin, and he's trying to give you a chance. We have to prove to him that we can wait. He wants us to wait until graduation, o kaya naman, if you really want to do it, do it with other g-girl."

"What? What do you mean by that, Jenna? What are you referring to?" Bakas ang inis sa pagkakakunot ng noo niya.

"I mean, alam ko naman na lalaki, pero hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa atin after two years. Sabi mo pa, hindi ka na mag-aaral ng college. Maiiwan mo ako rito. Malalayo ka sa akin at posibleng may makilala kang iba. Mom said, that is inevitable so I should be prepared. She also said if a man really want and respect me, he can wait kahit gaano pa katagal, pero kung hindi at naghanap ng iba, baka raw para talaga siya sa iba."

He scoffed. Muli siyang lumapit sa akin. Ako naman ay napaatras. Nakita ko na naman ang labis na pagkakasalubong ng mga kilay niya. "Do you think I don't respect you that much? Was it because I masturbated in front of you? Was it because I kissed your breasts and almost did it to you? Do you hate me? Why are you being like this, Jenna? Why do you sound like you wanted to dump me? I feel like you're leaving me again. Do you think it won't hurt me? Why are you telling me to do it with another woman like it is fine for you? Why? Pinaplano mo bang gawin 'yon kasama ang iba?"

"Of course not! I just said that kasi baka sa dalawang taon nating hindi pag-uusap, makahanap ka ng iba. Nakadepende lang naman ako sa 'yo, Yves! If ever na hindi mo na ako mahintay, okay lang. Kung gusto mo nang gawin sa iba, go. Ang mahalaga, sabihin mo sa akin. Kung hindi ka na masaya at hindi mo na ako gusto, maiintindihan ko." Nakaramdam ako ng kirot mula sa mga sinabi ko.

"Bakit kung makapagsalita ka parang hindi mo na ako gusto?" Tinitigan niya ako. Seryosong seryoso ang mga tingin niya sa akin. Na parang any moment, pwede akong matunaw.

"Huh? Bakit? Ano ba dapat ang sabihin ko?" tanong ko.

Tumingin siya sa harap at nagkunwaring kausap ang kaniyangs sarili. "Maghintay ka, Yves, kahit anong mangyari. Kahit matagal. Sa 'yo lang naman ako. Ikaw lang naman ang mahal ko. Ikaw lang ang lalaking pupuno sa buhay ko. Ikaw lang, Yves, at wala nang iba."

My lips curled downward. Sa sandaling iyon, hindi ko alam ang uunahin ko kung iiyak ba o tatawa.

"Nababaliw ka na. Maraming lalaki d'yan, oh, kapag iniwan mo 'ko, may magmamahal pa sa 'kin," biro ko, kahit aminado naman akong tama siya. Siya lang naman ang gusto ko, pero dahil hindi kami mag-uusap at mananatiling mag-iiwasan, hindi ko alam kung 'yong nararamdaman din ba niya sa akin ay magiging permanente. 'Yong akin lang kasi ang sigurado ako.

"Tsk." Hindi ko inaasahang ganun lang ang isasagot niya. Tiningnan niya ang relo niya. "Kung gano'n, pupunta na ako sa room," paalam niya at tuluyan na ako iniwan. Bumigat ang loob ko at para bang gusto kong lunukin lahat ng sinabi ko.

"Sandali Yves! Sasama ka ba sa fieldtrip?"

Lumingon siya. "Bakit?"

Lumawak ang ngiti ko. "Wala akong bantay sa field trip, for sure."

*****

"Dad, please. Ibalik mo na sa akin ang phone ko. Hindi na nga kami nagkikita at nagkakausap ni Yves," pakiusap ko kay dad. Narito ako sa office niya at nagsusumamong ibalik niya na sa akin ang kinompiska niyang phone ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob. Siguro'y dahil nitong mga nakaraang araw ay nasa good mood siyang palagi at pinapakita ko naman sa kaniyang sumusunod ako sa kaniya. Maging sa mga activities and quizzes ko ay ginagalingan ko na rin para magpabango sa kaniya.

"So, you can talk to him secretly using your phone?"

"Dad, kahit sa fieldtrip lang. Paano kung mawala ako or maligaw? Paano nila ako mako-contact?" pangungulit ko.

"Bakit ka naman maliligaw? If that's your reason, then magpapadala ako ng body guards mo."

"What? No, dad! Paano ako makakapag-enjoy kung may mga nakabantay sa akin? Pati ba naman sa fieldtrip bantay-sarado ako?"

He squinted his eyes. Tila ba binabasa ako. "What are you planning?"

"Gusto ko lang namang mag-picture."

"Bring your camera."

"Gusto kong makinig ng tugtog, habang nasa biyahe."

"Bring your mp3 player."

"Dad, sobrang luma na no'n!"

Napabuntong-hininga siya bago ako pinanlinsikan ng tingin. "Why are you so persistent? I still have a lot of paperworks, Jenna. Get out of my office."

"Kung ibinibigay niyo na lang kasi sa akin 'yung phone ko, dad. Please," pakiusap ko pa.

"I don't know why you became like this. Who taught you to be so annoying?"

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo binibigay sa akin ang phone ko, dad." Lumapit ako sa harap niya at lumuhod bago nagpaawa. "Sige na, dad. Ibalik mo na sa akin ang phone ko. Namimiss ko na si Yves. Text lang naman, ih. Pangako, hindi ko siya tatawagan. Alam mo namang mahal na mahal ko 'yong tao."

"Jenna, you're so young to be in love. I just want what's good for you. You know that I'm traumatized by what your teacher did to you, right? I don't want that to happen again."

"Pero dad, mabait si Yves."

"But guys are guys, Jenna. I knew it since I'm also a man. Do you want me to be honest? I am not impressed by him. If he really loves you, magkakaroon siya ng bayag na kausapin ako tungkol sa 'yo, pero until now wala. Hindi ka mapapabuti sa taong 'yon."

Namuo ang luha sa gilid ng mata ko. Napabuntong-hininga naman siya, bago binuksan ang kaniyang drawer.

"Promise me, no calls."

Hindi ko alam na sa paglabas ko ng opisina ni dad, tutulo na nang tuluyan ang mga luha ko.

After YearsOnde histórias criam vida. Descubra agora