Kabanata XVIII

263 4 6
                                    

"What are you doing?"

I looked at him instantly at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Mabilis siyang bumangon, kaya naman napaatras ako.

"Bakit mo hawak mo ang pantalon ko, Jenna?"

Nakita ko ang kamay kong halos ibaba na ang pantalon niya. Kita ko na nga ang vline niya. Agad akong napabitaw.

"H-ha?! W-wala! Papalitan ko lang sana 'yong pants mo dahil basang-basa ka," nauutal kong sagot.

"Why not ask me to do it instead?"

Napalunok ako. Oo nga naman, bakit hindi ko siya ginising, para siya ang gumawa no'n? Stupid, Jenna! So stupid!

"S-sorry. Hindi ko naisip. Sige na, magpalit ka na. Magluluto lang ako saglit, para makainom ka na ng gamot." Akmang tatayo na ako nang muli niyang hawakan ang kamay ko. "B-bakit?"

"You should take your clothes off too."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "A-ano?"

"Basang-basa ka na."

"W-what?!"

"I mean, change your clothes too! Nabasa ka ng ulan! Ano bang iniisip mo?!"

Doon ko lang napagtanto ang sarili kong nabasa rin pala ng ulan. Tumayo siya at mayamaya lang ay bumalik na may dalang damit para sa akin. Nakapagpalit na rin siya ng shorts. "Baka ikaw naman ang magkasakit kaya maligo ka na," dagdag pa niya.

"O-okay. Magpahinga ka na. Gigisingin na lang din kita kapag okay na 'yong pagkain mo," wika ko.

"Sige."

Pumasok na ako sa banyo niya at doon naghubad ng mga damit. Naligo na ako nang mabilis at nagbihis. Natawa ako sa damit ko. It is a plain white shirt at malaking shorts. Actually, lahat nga malaki sa akin dahil masyado akong payat. Itinaas ko na lang din ang buhok ko matapos ko iyong patuyuin.

Pagkalabas ko, nasilip kong nasa kama na si Yves at nakahiga kaya naman dumako na ako sa kusina niya para magluto ng mainit na lugaw. Mabuti na nga lang at mabilis mahanap ang mga kailangan ko dahil hindi naman ganoon karami ang mga gamit niya.

Nang matapos akong magluto, inilagay ko na sa tray ang isang bowl ng lugaw na may boiled egg, pati na rin ang isang basong tubig kasama na ang gamot na kailangan niyang inumin. Hawak ko ang tray nang mapagmasdan ko ang buong bahay niya. Hindi naman ito ganoon kaliit lalo na't mukhang siya lang ang nakatira. Isa lang din kasi ang nakita kong toothbrush doon sa cr niya.

Mula sa pinto ay sasalubong na sa 'yo sa kaliwa ang kusina, sa kanang parte naman ay ang malawak na sala kung nasaan ang TV at couch. Then open area siya papunta sa kama niya na ang katapat ay ang malinis at malawak niya ring banyo. Simple lang ito ngunit napakaeleganteng tingnan. Sa totoo nga ay may gusto ko sa ganitong lugar kaysa sa mansyon naming pagkalaki-laki kaya malimit lang din magkita-kita, sa breakfast lang at dinner.

Lumapit na ako kay Yves tsaka ko ibinaba sa side table niya ang tray niya ng pagkain. Nakatagilid ito.

"Yves..." paggising ko sa kaniya. Hindi siya sumagot, kaya tinapik ko siya. "Gising na, iinom ka ng gamot."

Nagulat ako nang humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napatitig ako sa kaniya nang ilang segundo dahil sa pagkabigla. "B-bakit?"

"Napakatigas talaga ng ulo mo," wika niya na nagpakunot ng noo ko.

"What do you mean?"

"How am I supposed to control myself when you're entering the den, even if I already warned you about it?"

Lalong nagkasalubong ang mga kilay ko, pero hindi sa inis. "I-I just came here to bring you home. Masyado akong nag-aalala dahil may lagnat ka. Alangang iwan kita sa daan?"

After YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon