Kabanata III

390 7 6
                                    

"Not whole day, Jenna. Hindi kita matiis."

Napatigil ako sa paglakad nang salitain niya iyon. So, aminado siyang iniiwasan niya ako?

"Why are you ignoring me then?"

"Isn't that what you wanted?" Nilingon niya ako. "It was you who ignored me first when you saw me this morning."

Ibig sabihin, nakita niya ako kanina noong makita ko siya sa guard house.

"Oh, yeah, I was planning to ignore you," pag-amin ko.

"I know and I'm trying to respect your boundaries, but I can't stand it when you're being taken advantage of."

My forehead creased. "Ano bang sinasabi mo?"

"May sinabi lang sa akin si Ismael kaya kahit ipagtabuyan mo ako, hindi ko magawang layuan ka."

I rolled my eyes. "So you're here with me even if you don't want to? Ano bang ibinilin sa 'yo ni Mael at bakit kung alagaan mo ako sobra sobra na?"

He ruffled my hair. "I can't tell you, but consider it I know something about you and that's the reason I need to protect you. Maliit pa naman ang utak mo."

Napataas ang gilid ng nguso ko tsaka ko siya sinuntok. "Tsk. Nagsalita! Bakit? Ano bang malaki sa 'yo?"

Ngumisi siya at dahil doon naintindihan ko ang tahimik niyang sagot. Hinampas ko ang dibdib niya. "Bastos!"

Tumakbo ako palayo sa kaniya. "What? I never said anything!"

"Don't me, pervert!"

Tumawa siya bago ako hinabol. "Bakit? Ano bang naisip mo?"

"Yak! Don't touch me! Ew!" Tinulak-tulak ko siya nang akbayan niya ako. "Kadiri ka, Yves!"

"Wow? Wala nga akong sinasabi. Baka ikaw d'yan ang bastos. Anong iniisip mo, ha?"

"Yak!" Tumakbo ako papasok ng gate namin at iniwan ko siya roon. Ayoko na! Ayoko na talaga sa kaniya!

Mabilis akong tumalon sa kama ko para ikulong ang ulo ko sa mga unan. Hindi ko mapigilan ang pag-init ng mukha. Bakit ko ba kasi tinanong iyon? Ayan tuloy! Hindi na mawala sa isip ko. Nacurious na ako!

Hindi! Hindi pwede! Kadiri!

*****

I went to the academy earlier than usual. It is to avoid crossing paths with Yves. Sa tuwing naaalala ko ang naging takbo ng pag-aasaran namin kahapon, ay hindi ako nakatulog nang maayos. Napanaginipan ko pa!

Anong klaseng katorse anyos ang mananaginip nang ganoon? Ako yata talaga ang bastos sa aming dalawa. I never knew what it looked like but because of him, gosh, I want to see one. Nagkakasala yata ako kay Lord. I need to go to church.

"Jenna!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Sa pag-aakalang si Yves 'yon ay muntikan ko na siyang hindi pansinin. Si Sir Bascus lang pala.

"Yes, sir?"

"Are you alone now?"

"O-opo. Bakit po?"

"Come to my office then," utos niya na siyang sinunod ko.

"So, have you come up with the dance you're going to submit?" panimula niya bago umupo sa kaniyang desk.

"Ah, actually po, pinag-iisipan ko siya kahapon. Iko-consult ko nga po sana sa inyo Sir Bascus."

"Really? Then dance. Let me see it." Ipinatong niya ang dalawang siko niya sa table at ipinagdaop ang mga palad. Malalim ang tingin niya.

After YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon