Kabanata V

354 6 0
                                    

"I am not your boyfriend, Jenna, and I will never be."

Tuluyan niya akong tinalikuran at iniwang mag-isa sa rooftop. Ito ang unang beses na iniwan niya ako. Palagi niya akong sinasamahan at ipinagtatanggol pero sa unang pagkakataon, hindi niya ako pinagbigyan. Ganoon ba kalala ang nagawa ko para magalit siya nang ganito? Hindi niya ba talaga ako gusto? Imposible ba talagang maging kami? Kahit man lang kasinungalingan. Gusto niya pang sabihin ko sa lahat na hindi iyon totoo. Saan ako kukuha ng mukha para sabihin kay Desiree na nagsinungaling ako? Baka isipin niyang sobrang desperada ko.

Ayoko. Ayoko.

Napaluhod na lang ako sa sahig at tuluyan nang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko. Agad na napalitan ang alaala ko ng halik namin kanina ng masasakit niyang salita. Ang sakit sa dibdib. Hindi ako makahinga. He should've told me in a way that I won't get hurt this much. Hindi niya ba alam na gusto ko siya? Hindi niya ba ramdam?

O dahil magkamag-anak kami kaya hindi talaga pwede?

Bakit ba kasi sa lahat ng magiging kamag-anak ko, siya pa? Bakit sa lahat ng magugustuhan ko, 'yong lalaki pang iyon? Akala ba niya mabilis turuan ang puso? Kung mabilis lang sana siyang kalimutan, matagal ko nang ginawa. Kaso dahil sa mga pakikitungo niya sa akin, mas lalo lang akong nahuhulog sa kaniya. Bakit kasi ang ang bait niya sa akin? Bakit inaalagaan niya ako? Bakit pinoprotektahan?

At bakit nabibigyan ko ng malisya ang lahat na hindi naman dapat?

Ilang oras akong naroon sa rooftop. Hindi na ako pumasok pa sa natitira naming subjects sa hapon. Ayoko. Wala akong mukhang maihaharap sa kanilang lahat lalo na kay Yves.

Nakayupyop lang ako sa gilid habang umiiyak nang walang humpay. Mugto na nga ang mga mata ko pero ayaw pa ring tumigil. Sana lang ay nababawasan ng pagluha ang sakit na nararamdaman ko, pero hindi. Walang epekto.

Hindi ko namalayang nakatulog ako roon at madilim na ang paligid nang magising ako. Bumaba ako mula sa rooftop. Sa dami ng hagdan na hinahakbangan ko, bawat hakbang nananalangin ako na sana mapasala ang apak ko para mahulog ako at mabagok ang ulo. Na sana mawalan ako ng alaala para kahit papaano ay makalimutan ko si Yves maging ang nararamdaman ko sa kaniya.

Lumabas na ako sa building namin at natigilan ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"Jenna!"

Nanigas ang katawan ko nang mapagtanto ko kung sino ito.

"Yves is not with you, right? Come with me to my office. Let's continue what we have left last time."

Hindi ko gustong lingunin kung sino iyon dahil mapapatunayan ko lang kung sino siya.

Si Sir Bascus, ang teacher naming lalaki na mukhang nagkaroon na ng pagkakataon para ituloy ang plano niya sa akin.

Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Umakyat ang kaba sa dibdib ko. Para akong tinakasan ng lakas lalo na nang hilahin niya ako. Hindi ako nakapalag dahil sa takot. Kinakain ako ng kaba. Ito na ba 'yong tinutukoy nila Mael at Yves kaya pinoprotektahan nila ako?

"S-sir..." pagtawag ko sa kaniya nang makarating kami sa harap ng office niya. Wala nang mga tao at kahit na sinong guro at estudyante ay wala na rin sa paligid. Kaming dalawa na lang.

"Silence. It'll be fast."

Hinawakan niya ang doorknob at akmang papasok na kami nang may humawak sa kamay ko. Agad ko iyong nilingon at nakita ko si Yves na humahangos sa harap ko. I gulped as I wonder what he was doing here in front of me and at the same times was worried since I remembered what Sir Bascus told me last time Yves interrupted us.

"Jenna! We need to go now! Your mother!" sigaw ni Yves na naging dahilan ng pagpa-panic ko.

"A-ano? Anong nangyari kay mom?!"

After YearsWhere stories live. Discover now