CHAPTER 1

165 6 0
                                    

"Josiah!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang galit na boses ng Tita ko. Nagmamadaling lumabas na ako ng kwarto ko para puntahan siya. Mamaya ko na lang aayusin ang higaan ko.

"Tita!" Gulat na sigaw ko nang pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay galit na mukha niya ang sumalubong sa 'kin. Napaatras pa nga ako dahil nga sa sobrang gulat. Para akong aatakihin sa puso dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Sinisigawan mo ba ako?!" Galit ring sigaw niya. Agad naman akong umiling-iling.

"N-nagulat lang po ako." Sabi ko at napapikit ako nang makita kong tinaas niya ang kamay niya at napangiwi na nga ako ng maramdaman ko ang paghampas ng kamay niya sa balikat ko.

Inaasahan ko naman na.

"Hindi mo ba alam kung anong oras na, ha?! Tanghali na at wala pa tayong pagkain! Nagugutom na kami dito tapos ikaw natutulog pa rin, aba! Kumilos ka na at baka hindi lang hampas ang makuha mo sa 'kin. Pinapainit mo ang ulo ko!" Galit na galit na sigaw niya bago niya ako tinalikuran.

Napabuntong hininga na lang ako nang tuluyan na siyang makaalis. Gano'n talaga si Tita sa 'kin. Turing nila sa 'kin dito ay katulong at hindi kamag-anak. Tapos 'yung nakukuha kong sahod sa trabaho ko ay kinukuha rin nila. Na kapag hindi ko sila binibigyan ay sinasaktan nila ako kaya minsan ay wala akong magawa sa tuwing kinukuha nila 'yung sahod ko na dapat para kila Nanay. Sanay na ako sa kanila.

Wala rin naman akong magawa sa tuwing ginagano'n nila ako. Kahit sila Mama na nasa probinsya ay walang alam sa nangyayare sa 'kin dito sa Maynila. Buong akala nila ay maayos ang buhay ko dito. Kahit kailan kasi ay hindi ako nagsumbong kila Nanay tungkol sa trato sa 'kin nila Tita. Ayaw ko na rin kasi ng gulo kaya hinahayaan ko na lang.

Sinusubukan ko na lang minsan na magtago ng pera sa hindi nila makikita. Wala rin dito 'yun sa bahay kasi kung nasa bahay ang tinatago kong pera ay mahahanap at mahahanap din nila 'yon kaya mas pinili ko talagang sa ibang lugar na itago.

Buti na nga lang din at may natatago ako at nakukuha sa sahod ko at may napapadala rin ako kila Nanay sa probinsya. Umeextra rin kasi ako ng trabaho kaya may naiipon ako kahit papaano. Hindi lang isa trabaho ko. Mahirap, pero kailangan kong kayanin para sa 'min nila Nanay.

Bago ko sundin ang utos ni Tita ay nag-ayos muna ako ng sarili ko. Tamad na tamad pa akong kumilos. Pagkatapos nito ay kikilos naman ako para maghanda sa pagpasok ko sa trabaho.

Buti na lang talaga at hapon ang pasok ko at hindi umaga. Hanggang alas dose lang nang madaling araw ang pasok ko. Isa akong janitress sa isang restaurant at kapag naraket naman ako minsan ay paiba-iba lang.

Minsan ay nagw-waiter ako, naghuhugas ng plato sa restaurant, naglilinis ng bahay at kung ano-ano pa. Lahat 'yon kinakaya ko. Minsan lang din naman ako naraket.

"Sahod mo bukas ' di ba? Ibigay mo sa 'kin, kailangan kong magbayad sa mga utang." Sabi ni Tita pagkalapag ko ng ulam at kanin sa mesa.

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Tita at hindi siya sinagot. Alam na alam talaga niya kung kailan ang sahod ko at ilan ang sinasahod ko. Wala akong takas sa kaniya.

Kung nagtrabaho na lang kasi sana siya, edi mas maganda sana. Pumunta ako sa Maynila para magtrabaho para sa pamilya ko at hindi para sa pamilya niya.

'Yung pinaghihirapan ko kasi ay sa pamilya niya napupunta na hindi naman dapat. Konting tiis na lang talaga at aalis na ako sa puder nila Tita.

Kung alam ko lang talaga na ganito ang gagawin nila sa 'kin ay hindi na sana ako pumayag na manatili dito. Sobra talaga ang pagsisisi ko.

"Hoy, Josiah! Penge ngang pera." Biglang sulpot ni Jennica, anak ni Tita na pinsan ko. Nakalahad pa ang kamay niya sa 'kin.

Your SmileWhere stories live. Discover now