CHAPTER 5

84 8 0
                                    

"What took you so long?" Agad na bungad ni Jhacey sa kapatid na si Shawn nang bumalik na ito sa pwesto nila.

Kanina kasi ay nagpaalam itong lalabas muna dahil may tatawagan at akala nila may nangyare ng masama dito dahil ang tagal nito bago bumalik. Balak na nga sana nilang sundan.

"Something just happened, Kuya." Magalang na sagot naman ni Shawn at naupo sa kinauupuan niya at kinuha ang baso na may lamang alak saka 'yon ininom.

Tumango na lang si Jhacey at uminom na lang din ng alak niya. Naisipan lang kasi nilang magkakapatid na mag bar, nabored sila kaya naisipang mag-inom.

Habang nasa kalagitnaan sila ng pag-iinom ay may tumabi sa kanilang isang lalaki at babae. May bakante kasing dalawang upuan sa pwesto nila at doon umupo ang dalawa.

Napataas naman agad ang kilay ng magkakapatid habang nakatingin na sa dalawang naupo.

"Ahm, sorry dahil naupo na lang kami dito basta. Wala na kasing mauupuan kaya ng makita namin 'tong dalawang bakanteng upuan sa pwesto niyo ay naupo na kami. Sana okay lang." Nakangiting sabi ng babae sa kanila.

Nagkatinginan ang magkakapatid at hindi maganda ang kutob nila sa dalawang ito. Pero imbis na paalisin ang dalawa ay hinayaan na lang nila.

"It's okay, nagulat lang kami sa biglaan niyong pag-upo." Nakangiti pang sabi ni Jazley sa dalawa.

"Oh, thank you so much." Masayang sabi ng babae at binalingan ng tingin ang lalaki. Nagpasalamat din naman sa kanila ang lalaki na ikinatango lang nila.

Tahimik lang din naman sila habang umiinom. Binabantayan ang kilos ng dalawa. Pare-parehas kasi silang magkakapatid na iba ang pakiramdam sa dalawa.

"Wait, order lang kami ng maiinom and bilang pasasalamat na rin namin sa pagpayag niyong makiupo kami sa pwesto niyo ay ililibre namin kayo ng alak." Sabi ng lalaki sa kanilang magkakapatid.

"No need to do that, it's okay." Agad na sabi ni Vaxton, pero umiling lang ang lalaki sa kaniya at tumayo na sila ng babae para maglakad palapit sa bartender.

Nang tuluyang makalayo ang dalawa ay nagsimulang mag-usap ang magkakapatid. Hinayaan na lang din nila ang mga ito.

"What do you think? May masama kaya silang balak?" Agad na tanong ni Felix sa mga Kuya niya.

Napakibit balikat naman si Jazley at chill pang uminom sa baso niya habang may ngisi sa labi.

"Kung wala naman silang ginagawang kakaiba then okay, and if meron, edi hindi okay." Maya maya ay sabi lang ni Jazley na ikinairap lang ng kakambal niya.

"Bantayan na lang natin sila. I know na lahat tayo hindi maganda ang pakiramdam sa dalawa." Sabi naman ni Shawn.

"Hmm, makisama na lang muna tayo." Sabi rin ni Jhacey.

At nang magkasundo na silang magkakapatid ay umayos na sila ulit ng upo lalo na at nakita na nilang naglalakad na pabalik ang dalawa.

Nang tuluyan na nga itong nakabalik sa mga pwesto nito ay umakto silang wala silang pinag-usapan tungkol sa dalawa.

"Here, guys. Sana magustuhan niyo." Nakangiting sabi sa kanila ng babae matapos nitong ilagay sa mga tapat nila ang basong may lamang alak.

Your SmileOnde histórias criam vida. Descubra agora