CHAPTER 7

83 5 0
                                    

"Baliw ka! Anong sinasabi mo diyan?" Sabi ko kay Jazley nang matauhan ako. Hinampas ko pa siya sa balikat niya na ikinatawa niya lang naman.

Wala siyang pakealam sa ginawa kong paghampas sa kaniya. Binalingan ko si Ateng nagtitinda matapos no'n para magpaliwanag.

"H'wag po kayong maniwala sa sinabi niya, Ate. Hindi niya po ako girlfriend. Wala po kaming relasyon." Natatarantang sabi ko na ikinangiti lang ni Ate.

"Gano'n ba? Pasensya na kung gano'n. Bagay kasi kayo kaya akala ko ay may relasyon kayo." Nakangiti pa ring sabi ni Ate.

"Hindi po, Ate." Nahihiyang sabi ko at tumango na lang si Ate, pero kitang-kita ko ang malaki niyang ngiti sa labi.

Rinig ko lang naman ang tawa ni Jazley sa tabi ko. Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. Nahinto siya sa pagtawa at napalunok.

"Ah, totoo po bang bagay kami?" Biglang tanong niya kay Ate na ikinalaki ng mata ko. Isinawalang bahala niya ang masama kong tingin sa kaniya.

"Oo, iho. Talagang bagay na bagay kayo." Buong galak na sabi ni Ate at tinukso pa kami. Nag-init ang pisnge ko sa hiya.

"Ano ba, tumigil ka na nga." Asar na bulong ko kay Jazley matapos ko siyang sikuhin.

"Ayoko nga." Nakangising sabi niya naman. Napabuntong hininga na lang ako at binayaran na si Ate sa lahat ng kinuha namin.

Matapos no'n ay nagpaalam na rin ako at nagpasalamat kay Ate saka ako tumalikod. Iniwan ko si Jazley na mabilis rin namang nagpaalam at nagpasalamat kay Ate para sumunod sa 'kin.

Tulad ng inaasahan ko ay nasa tabi ko na siya agad. Hawak niya ang pagkain niya at may nguya-nguya pa. Pinipilit na lunukin para magsalita.

"Uy, sorry na. I'm just teasing you, h'wag ka ng magalit." Pagsuyo niya, pero napairap lang ako.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa kotse niya. Ayaw kong mag commute kasi mahihirapan akong bumalik sa company ni boss.

Patuloy lang siya sa pagsasalita habang naglalakad kami. Bilib ako sa kaniya dahil salita pa rin siya nang salita kahit hindi ko naman siya sinasagot o pinapansin.

Hanggang sa pagpasok namin sa kotse niya ay sinusuyo niya pa rin ako. Hindi ko lang kasi maiwasang mainis sa kaniya kanina, eh. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang gawin 'yon. Ayaw ko pa naman no'n.

"Sorry na kasi, pansinin mo na ako, please? Hindi ako sanay na tahimik ka." Sabi niya habang nakatingin sa 'kin.

Bumuntong hininga ako saka siya binalingan ng tingin. Pinigilan ko naman ang matawa dahil sa itsura niyang bumungad sa 'kin. Nagpacute kasi siya sa 'kin bigla.

"Itigil mo nga po 'yan. Para ka pong ewan." Asar na sabi ko at inirapan siya. Nakita ko namang napaawang ang labi niya.

"Woah, unang beses kitang nakitang umirap, ah. Ang cute mo." Nakangiting sabi niya. Bigla naman akong nahiya dahil sa sinabi niya.

"Tsaka pwede bang tanggalin mo ang po sa tuwing kausap mo ako?" Pakiusap niya.

"Okay." Nakangiting sagot ko na lang kahit na badtrip pa rin talaga ako sa kaniya.

"Nice, mabilis kausap, ah. So bati na ba tayo?" Nakangiting sabi niya. 'Yung ngiting may halong loko.

Hindi ko na tuloy napigilan at natawa na talaga ako. Nakakatawa naman kasi talaga 'yung itsura niya. Hindi naman kasi normal na ngiti 'yung ginawa niya.

Your SmileTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang