CHAPTER 17

58 3 1
                                    

"Aba, nagpakita ka pa." 'Yun ang bumungad sa 'kin pagpasok ko sa bahay nila Tita.

Kakauwe ko lang ngayon galing sa probinsya at tulad ng ipinangako ko sa anak ko ay isinama ko siya dito.

Paglabas na paglabas niya ng hospital no'n ay umuwe agad kami sa bahay namin at nagpalipas lang kami ng ilang araw do'n bago kami pumunta dito sa Maynila.

At walang alam sila Tita na babalik ako ngayong araw. Tumatawag sila sa 'kin habang nasa probinsya ako pero hindi ko sinasagot.

"At dinala mo pa 'yang anak mo dito. Ang kapal din naman ng mukha mo. Anong akala mo sa bahay ko, bahay ampunan?" Gigil na sabi niya.

"Matapos mong mawala ng isang linggo uuwe ka ditong may bitbit pang palamunin na naman?" Dugtong niya pa.

"Ako nagpapalamon sa inyo, Tita baka nakakalimutan mo." Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin 'yon sa kaniya.

Ang tagal ko ng nagtitimpi sa ugali niya. Punong-puno na ako sa kanila ng anak niya. Kung makapagsalita akala mo kung sino.

"Aba! Anong karapatan mong sabihin 'yan sa 'kin, ha?! Para sabihin ko sa 'yo, bahay ko ang tinitirhan mo!" Galit na galit na sabi niya sa 'kin habang dinuduro niya pa ako.

"Alam ko po 'yon, Tita. Salamat po sa pagpapatira sa 'kin, hindi ko po 'yon nakakalimutan." Sabi ko at ngumiti pa kahit nanggigigil na rin ako.

Hindi naman ako pumunta dito sa bahay niya para manggulo. Nandito ako para kunin ang mga gamit ko. Napagpasyahan ko na rin kasing umalis sa puder niya.

Ayaw ko ng tumira sa pamamahay niya dahil kasama ko na ang anak ko. Ayaw kong makita niya ang hindi niya dapat makita sa pamamahay na 'to.

Baka kung ano ring gawin nila sa anak ko kaya mas maganda ng umalis na rin ako dito. Matagal ko naman na 'tong gustong gawin, wala lang akong oras.

Pero ngayon ay gagawin ko na. Simula sa araw na 'to ay pamilya ko na lang ang aasikasuhin ko, hindi na sila kasali do'n. Hindi na ako papayag na kontrolin pa nila ako ulit.

"Please po, Tita. Hindi po ako nandito para maghanap ng away, nandito ako para sabihin sa inyo na aalis na po ako sa bahay niyo." Sabi ko bago pa man siya makapagsalita ulit.

"Ano?! Pagkatapos mong mawala na parang bula, babalik ka dito para sabihin 'yan?! Ni hindi ka man lang nag-iwan ng pera sa 'min! Wala kang utang na loob! Pinatira kita sa bahay ko tapos ito lang ang isusukli mo sa 'kin?!" Sigaw niya at bahagya pa akong tinulak sa balikat.

Napabuntong hininga ako para pigilan ang sarili kong saktan ang Tita ko. Nandito rin si Kheina kaya kailangan kong magpigil.

"May bata, Tita kaya parang-awa mo na, makipag-usap ka naman ng maayos." Kalmadong sabi ko habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa dalawang tenga ni Kheina.

Hindi pa man siya nakakapagsalita nang bigla na lang sumingit si Kheina na ikinagulat ko naman.

"Sorry po sa pagsingit. Alam ko pong bawal at masama po 'yon dahil usapan po ng matanda pero kasi hindi ko na po matiis. Bakit niyo po ba inaaway ang Mama ko, ha?! Tsaka bakit po ba kayo sigaw nang sigaw? Ang sakit niyo po sa tenga, nakakarindi po 'yang bunganga niyo." Nakagat ko ang ibabang labi ko para magpigil ng tawa sa sinabing 'yon ni Kheina.

"Aba't, bastos na bata 'to, ah! Anak mo nga 'yan, manang-mana sa ugali mo! Walang galang at bastos!" Galit na namang sabi ni Tita at dinuro na naman ako at sinama niya na si Kheina sa pagduro niya.

Your SmileWhere stories live. Discover now