CHAPTER 20

72 2 0
                                    

Hindi ako nakasagot. Nawalan ako ng boses para magsalita. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin.

Naaalala niya na?

Ni hindi ko nga alam kung bakit naaalala ko at siya ay hindi. Hindi ko naiintindihan kung anong nangyayare.

At totoo ngang unang beses niya rin 'yon?

"Ano bang ibig mong sabihin, Jazley?" Pinilit kong h'wag mautal no'ng sabihin ko 'yon sa kaniya.

Kakauwe ko lang ng Manila tapos binalik niya ako dito sa probinsya. Paano na si Kheina do'n? Mamaya nito ay hindi kami bumalik agad.

"Don't pretend you don't know what I'm talking about, Seah. I know you know. I already remember what happened years ago." Sabi niya na ikinalunok ko.

Nang hindi ako sumagot ay bumuntong hininga siya at muling nagsalita.

"Ilang beses kitang tinanong kung kilala mo ba ako o kung nagkita na ba tayo pero ni isa do'n hindi ka sumagot. Ilang beses ko ring tinanong ang sarili ko kung bakit pamilyar ka sa 'kin, kung bakit nakikita ko ang mukha mo sa panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing babalik ako sa bar na 'to matapos no'ng araw na 'yon ay may naaalala ako at para bang may kakaiba na." Sabi niya habang nakatingin sa bar.

Nakinig lang din naman ako sa kaniya dahil wala din naman akong masabi. Parehas lang naman kaming naguguluhan.

"Ngayong alam ko na kung bakit, nagugulahan ako. Nalaman ko na na drugs ako at gano'n ka din at ginawa nila sa 'tin 'yon. Dinala ka nila sa private room ko sa hindi ko alam na dahilan at nangyare na nga ang hindi natin inaasahan na mangyare. Ngayon ay pinapahanap ko na sa tauhan ko ang mga taong may gawa nito sa 'tin para alamin kung bakit nila 'to ginawa. No'ng una kasi ay binabalewala ko lang ang kakaibang nararamdaman ko kaya ngayon ko lang 'to inasikaso. Kung hindi lang naman kita nakilala ay hanggang ngayon ay malaki pa ring palaisipan sa 'kin ang lahat." Dugtong niya pa.

"Bakit... Bakit ka nagsinungaling sa 'kin, Seah? May tinatago ka ba sa 'kin? Mahirap bang sabihin 'yung totoo? Mahirap bang sagutin 'yung tanong ko? Hindi naman ako magagalit sa 'yo." Sabi niya ngayon na nakaharap na siya sa 'kin.

"Gusto ko lang namang maliwanagan." Dugtong niya pa.

Bumuntong hininga ako bago ko pinilit ang sarili kong magsalita. Ito na rin siguro ang tamang panahon para sabihin ko sa kaniya ang totoo, ang lahat, 'yung tungkol sa anak namin.

"Paano mo naalala?" Tanong ko.

"Hindi ko din alam. Basta isang araw sumakit ang ulo ko at biglang lumabas ang mga imahe no'ng araw na 'yon sa isip ko. Nang masigurado ko ngang ikaw 'yun ay saka ko naisipan na dalhin ka dito para paaminin ka. Ikaw ba, bakit hindi mo sinabi sa 'kin na naaalala mo? Ang tagal na nating nag-uusap at magkasama, Seah. Bakit hindi mo man lang nagawang sabihin sa 'kin? Ayaw mo ba sa 'kin? May galit ka ba sa 'kin dahil sa nangyare? Sabihin mo sa 'kin kung bakit para maayos ko, natin." Sabi niya, nangungusap.

"H-hindi naman sa gano'n. May dahilan lang kung bakit hindi ko magawang sabihin sa 'yo tsaka hindi ko rin alam kung bakit naaalala ko at ikaw ay hindi." Sabi ko naman.

"Balak ko rin namang sabihin sa 'yo, humahanap lang naman ako ng tamang oras." Dugtong ko pa.

"Kailan pa 'yon? Kung hindi kita dinala dito, wala ka pa ring balak na umamin." Sabi niya.

Your SmileWhere stories live. Discover now