CHAPTER 4

96 6 0
                                    

4 years ago...

Kinakabahang sumunod si Josiah kay Jennica papasok sa isang bar. Isinama kasi siya nito kahit na ayaw niya naman dapat.

"Jennica, uuwe na lang ako!" Sigaw niya dito dahil hindi niya kinakaya ang bar at sobrang lakas rin ng tugtog.

Hindi niya rin kaya ang amoy, ingay at gulo ng bar. Nahihilo siya sa sari-saring amoy sa bar. Nawiwindang din siya sa mga nakikita niya.

"Manahimik ka nga diyan at sundin mo na lang ako!" Sigaw ni Jennica kay Josiah.

Kailangan talaga nilang magsigawan para magkarinigan. Hindi nila maririnig ang isa't isa kung normal na volume lang ng boses nila ang gagamitin nila.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?!" Sigaw ulit ni Josiah.

Kanina pa rin sila palakad-lakad sa loob ng bar. Naghahanap ng mauupuan. Pero dahil marami ng tao sa loob ng bar ay nahihirapan na silang maghanap.

Siksikan na rin sa gitna dahil nagsasayawan na ang lahat. Alas dose na rin kasi nang madaling araw kaya marami ng tao sa bar. Ganitong oras talaga ang datingan ng mga tao sa bar.

"Jennica, uuwe na lang ako-" Naputol ang sasabihin ni Josiah nang makitang siya na lang at wala na si Jennica sa tabi o sa harapan niya.

Nilibot niya ng tingin ang bar, pero hindi niya makita si Jennica. Mga taong nagsasayawan lang ang nakikita niya.

Sa dami rin kasi ng tao ay hindi niya talaga ito makita. Nagsimula na siyang kabahan.

"Jennica, nasaan ka na?" Naiiyak na bulong niya habang nakikipagsiksikan na sa mga tao mahanap lang ang pinsan.

Gusto na talaga niyang umuwe, kung hindi lang siya tinakot nito ay hindi siya sasama sa pagpunta nito ng bar.

Napasinghap siya sa gulat nang habang nasa kalagitnaan siya ng paghahanap sa pinsan niya nang may bigla na lang humila sa kaniya.

"Saan ka ba nagpupupunta, ha?! Halika nga!" Galit na sigaw sa kaniya nang pinsan niya habang hinahatak na siya paalis sa kinatatayuan niya.

Medyo nakahinga rin siya nang maluwag ng malamang ang pinsan niya pala ang humila sa kaniya at nakita niya na ito.

Nagpahila lang din naman si Josiah sa pinsan at maya maya lang ay nasa isang mesa na sila kasama ang mga lalaki.

Agad naman siyang nailang dahil hindi naman niya kilala ang mga taong nasa harapan niya.

"Jennica, bakit tayo nandito? Sino sila? Mapagkakatiwalaan ba sila?" Kinakabahang tanong ni Josiah sa pinsan.

Humina na rin kasi ang tugtog at wala ng mga taong nagsasayawan sa gitna dahil hininto na kaya hindi niya na kailangan pang sigawan ang pinsan.

"Mga kaibigan ko sila at mapagkakatiwalaan sila kaya itigil mo 'yang iniisip mong masama sa kanila dahil baka ikaw ang samain sa 'kin." Galit na sabi ni Jennica na ikinatahimik na lang ni Josiah.

Pinaglaruan na lang din ni Josiah ang mga daliri niya sa kamay. Pinaupo na rin siya ni Jennica at nakikinig lang siya sa mga pinag-uusapan ng mga ito.

Nagugulat na nga lang si Josiah sa mga pinag-uusapan ng mga ito, pero nanatili na lang siyang tahimik dahil baka malagot siya sa pinsan niya kapag bigla siyang sumabat.

Your SmileWhere stories live. Discover now