CHAPTER 26

70 3 1
                                    

Nahinto lang kami sa ginagawa namin nang tumunog ang cellphone niya. Nahihiyang umiwas ako agad ng tingin sa kaniya.

Parang gusto kong maglaho bigla. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya 'to sa 'kin pero gano'n pa din ang epekto niya sa 'kin.

Tapos totoo bang nag I love you siya sa 'kin? Nababaliw na ako.

"Teka lang, sagutin ko lang 'to." sabi niya at tumango lang ako nang hindi natingin sa kaniya.

Hindi naman siya umalis sa pwesto niya. Akala ko pa naman ay aalis siya para makausap nang maayos ang taong kausap niya.

Hinayaan ko na lang naman siya dahil mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Naririnig ko ang sinasabi niya sa kausap niya pero hindi ko naman pinagtutuunan ng pansin.

"Okay, okay. Pupunta ako." rinig kong huling sabi ni Jazley kaya dumako na ang tingin ko sa kaniya kahit nahihiya pa din ako sa nangyare.

Nagtataka ako kung sino 'yung tumawag sa kaniya at ano ang sinabi dahil para bang nagmamadali siya.

Sa huli ay tinanong ko na siya kung ano bang nangyayare. Parang nalimutan niya pa atang kasama niya ako at 'yung ginawa niyang paghalik sa 'kin.

"May problema ba?" tanong ko.

"Nakita na nila ang taong may pakana ng nangyare sa 'tin sa bar." sabi niya.

"Pupuntahan mo? Sama ako." sabi ko na lang.

Gusto ko ding malaman kung sino ang taong 'yon at matanong siya kung bakit niya nagawa sa 'min 'yon.

"Sige. Sayang, hindi pa nga tayo nakakaisang araw sa lugar na 'to aalis na tayo agad." malungkot pang sabi niya.

"Ayos lang 'yan. Bawi na lang tayo sa susunod at malay mo kasama na si Kheina." nakangiting sabi ko kaya tumango-tango naman siya.

Pagkatapos nga no'n ay nag-ayos na kaming dalawa at umalis sa lugar na 'yon. Nakakalungkot nga dahil hindi man lang ako pinalangoy pero saka na lang.

Baka hindi pa namin oras ngayon para do'n. May susunod pa namang araw para mag dagat kami ulit.

Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang naman kami at ang baliw nakahawak pa sa kamay ko habang nagmamaneho siya. Hinayaan ko na lang din siya kasi gusto ko din naman.

No'ng nagutom nga kami ay huminto pa muna siya para makabili siya ng pagkain namin at sinusubuan ko pa nga siya dahil abala siya sa pagmamaneho. Wala namang problema sa 'kin 'yon.

At nang magmadaling araw na ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Hindi ko na alam ang nangyare matapos no'n, basta nagising na lang ako no'ng naramdaman kong may nakatitig sa 'kin.

Pagdilat ko nga ay nakangiting mukha ni Jazley ang bumungad sa 'kin. Nagulat pa ako kaya nanlaki ang mga mata ko. Ang lapit niya din naman kasi sa mukha ko. Tumawa lang naman ang loko at bigla na lang akong hinalikan sa noo na ikinahinto ko naman.

Alam na alam niya talaga kung paano ako kukunin.

"Kanina pa ba tayo nakahinto?" tanong ko na lang nang makalabas na ako ng sasakyan niya.

Inalalayan niya pa akong bumaba. Napaka gentleman naman pala. Hindi kasi halata, joke lang.

"Yes, madam." nakangiting sagot niya.

"Huh? Bakit hindi mo ako ginising?" takang tanong ko.

Nakakahiya naman. Kanina pa pala kami nakarating sa kung saan man 'to tapos hindi man lang niya ako ginising.

Your SmileWhere stories live. Discover now