CHAPTER 18

57 3 0
                                    

Habang hinahanda ko ang pagkaing hinanda ko sa mesa dito sa sala ay nakatingin lang sa 'kin si Shawn. Kanina pa siya nakarating dito sa bahay pero tahimik pa siya.

Nagsalita naman na siya no'ng pagdating niya pero kinumusta niya lang ako tapos no'n ay tahimik na siya. Hindi ko alam kung bakit.

Tanghalian na rin kasi kaya naghanda ako ng makakain namin. Hinintay ko siyang makarating dito sa bahay para sabay na lang kaming magtanghalian.

Buti na lang ay sumakto ang dating niya sa bahay. Kakatapos ko lang magluto ng ulam no'n at magsaing.

Nang matapos na ako sa ginagawa ko ay naupo na ako sa harap niya. May upuan kasi dito sa bahay na magkaharapan lang. Nasa gitna 'yung maliit na mesa. Hanggang tuhod ata naming dalawa.

At buti na lang hindi siya naligaw, mabilis niya lang nakuha 'yung instructions ko sa kaniya.

"Ahm, kumusta ka na pala, Shawn?" Pagbubukas ko ng topic.

Hindi ko pa kasi siya nakumusta kaya tinanong ko na. Ayaw ko namang umpisahan agad sa pagtatanong sa kaniya kung bakit siya nandito ngayon sa bahay.

"Pasensya na pala kung naabutan mong magulo itong bahay, ha? Kakalipat ko lang kasi kahapon at ngayong araw pa lang ako maglilinis." Sabi ko pa kaagad bago pa man niya sagutin ang tanong ko.

"I'm fine, ate Seah and it's okay. Wala namang problema sa 'kin kung ganito ang ayos ng bahay mo." Nakangiting sabi niya naman kaya napangiti na lang din ako.

Matapos no'n ay tahimik na ulit. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Hindi naman kasi ako sanay na ganito siya. Hindi naman kasi kami gano'n ka-close.

Kinakabahan rin ako kasi baka biglang lumitaw si Kheina. Kanina lang ay nagising na ang batang 'yon at buti na lang napakain ko na siya ng tanghalian bago pa man dumating si Shawn.

Maaga talaga nagigising ang batang 'yon. Minsan lang magising 'yon ng tanghali na. Kaya rin siguro late na nagising kanina ay dahil nga sa pagod sa biyahe kahapon. Hindi nakatulog ng maayos kaya bumawe siguro ng tulog kinagabihan.

Ngayon ay wala siya dito sa bahay. Kasama niya ngayon 'yung may-ari ng bahay. Nagpaalam kasi sa 'kin kung pwede bang isama niya si Kheina sa gala niya dahil wala siyang ibang kasama.

Dapat nga ay kasama ako do'n, tatlo sana kami kaso umayaw ako dahil nga pupunta dito sa bahay si Shawn kaya sinabi kong si Kheina na lang ang isama niya.

Sakto naman ang alok niya kaya pumayag rin ako agad. May tiwala naman ako sa kaniya dahil mabait naman talagang tao 'yon. Siya rin ang kaibigan ko dito kahit na hindi naman kami gano'n kadalas na nagkikita.

"Ate Seah." Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang pagtawag sa 'kin ni Shawn.

"Bakit?" Sabi ko naman nang nakangiti.

"I'm really sorry dahil bigla na lang akong pumunta dito. I'm sorry for disturbing you." Sabi niya.

"Ayos lang, ano ka ba. Hindi ka naman na ibang tao sa 'kin." Nakangiting sabi ko kaya ngumiti na lang din siya sa 'kin.

"Ah, 'yun na nga. Bakit nga pala napapunta ka dito? May problema ba?" Tanong ko na sa kaniya.

"Hmm, actually, gusto ko lang talagang pumunta dito." Sabi niya at napakamot pa sa batok niya.

Umiwas din siya ng tingin sa 'kin matapos niyang sabihin 'yon. Mukhang nahihiya siya. Natawa naman ako.

Akala ko naman kung ano na. Nasa isip ko pa naman na baka may problema siya kaya niya naisipang pumunta dito.

Your SmileWhere stories live. Discover now