CHAPTER 24

108 3 1
                                    

Imbis na bumalik kami sa restaurant ay sa bahay nila kami dumiretso dahil nang tawagan ni Jazley si Shawn para sabihin na babalik na kami ay sinabi ni Shawn na nasa bahay na sila at wala na sa restaurant.

"Magugustuhan niya kaya ako?" Biglang tanong ni Jazley kaya napatingin ako sa kaniya.

Nasa loob pa rin kami ng sasakyan at hindi pa nababa pero nasa bahay na nila kami. Hindi ko alam kung bakit. Tsaka parang hindi naman bahay tawag dito, parang mansyon na nga sa laki. 'Yung mga nakikita ko sa palabas. Unang beses ko lang makapunta sa ganito at sa bahay niya kaya hindi ko maiwasan ang mamangha. Ang yaman pala talaga nila.

"Oo naman. H'wag kang mag-alala dahil hindi 'yon galit sa 'yo. Nagtatampo siguro, oo pero dadahan-dahanin lang natin siya." Sabi ko at tumango naman siya.

"Okay, let's go." Sabi niya at hinawakan pa ang kamay ko na ikinagulat ko.

"I'm sorry." Sabi niya nang tingnan ko siya at nilapit ang kamay ko sa labi niya para halikan.

Wala akong sinabi at nginitian na lang siya. Matapos no'n ay binitawan niya na ang kamay ko saka siya lumabas ng sasakyan.

Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto nang bumukas na 'yon at mukha niya ang bumungad sa 'kin.

Muli niyang nilahad ang kamay niya para alalayan akong lumabas. Tinanggap ko naman 'yon at sabay na kaming naglakad papasok sa bahay nila.

Sa bawat hakbang nga na ginagawa ko ay mas lalo ding bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot.

Hindi pa ako tuluyang nakakahinga nang maluwag dahil makakaharap ko pa ang pamilya ni Jazley. Nalagpasan ko na ang sa kaniya pero 'yung sa pamilya niya ay hindi pa.

Paano kapag ayaw nila kay Kheina? Paano kapag magalit din sila sa 'kin dahil sa ginawa ko? Siguro 'yung galit nila sa 'kin ay matatanggap ko pa pero 'yung hindi nila matanggap at itakwil si Kheina ay nasasaktan na ako para sa anak ko.

Ayos lang naman na sa 'kin nila ibunton lahat dahil ako naman ang may kasalanan. H'wag lang talaga si Kheina dahil hindi ko na kayang makita pang masaktan ang anak ko.

Pagdating namin sa sala nila ay nakita ko agad doon ang buong pamilya ni Jazley na nilalaro si Kheina. Tuwang-tuwa ang anak ko, kitang-kita ko ang malalaking ngiti niya sa labi. Rinig na rinig ang tawa niya.

Pagpasok pa nga lang namin sa bahay nila Jazley ay hindi ko na maiwasang mapaawang ang labi dahil sobrang laki talaga ng bahay nila at napakaganda pa ng loob. Ang daming mga mamahaling gamit at nakakatakot tumakbo sa bahay dahil baka may masagi ka at mabasag mo pa.

Kung ang ganda at laki na tingnan ng bahay nila sa labas pa lang ay mas doble kapag nakapasok ka na talaga sa loob.

"Ay, talo na ako." Sabi ni Kheina nang nakanguso kaya nagtawanan ang mga kasama niya.

Hindi ko napigilang mapangiti sa nakikita ko. May humaplos din sa puso ko dahil do'n. Hindi ko alam na mangyayare 'to.

"Mama!" Agad na sigaw ni Kheina nang makita ako.

Napatingin kasi siya sa pwesto namin at dahil sa sigaw niya ay napatingin na din sa 'min ang pamilya ni Jazley. Napalunok ako sa kaba at takot.

Pero nahinto sa pagtakbo si Kheina palapit sa 'kin nang mapansin niya si Jazley sa tabi ko. Nakatitig na siya dito at nagsisimula ng mamula ang mata at ilong niya senyales na iiyak na siya.

Hindi ko pa man siya nalalapitan para buhatin nang maunahan na ako ni Jazley at doon na rin tuluyang umiyak si Kheina.

Habang naririnig ko ang iyak niya ay sumisikip ang dibdib ko. Napaiyak na rin ako habang nakatingin sa kanilang mag-ama.

Your SmileWhere stories live. Discover now