CHAPTER 3

127 7 0
                                    

"Good afternoon, Sir Rafael." Bati ko sa boss namin nang makapasok ako sa office niya dito sa restaurant.

Oo, may office si Sir sa restaurant niya. Lahat ng restaurant niya ay may office siya. Pinagawa niya talaga 'yon para daw hindi siya mahirapan at may mapagtambayan siya kung wala siyang ginagawa sa restaurant, pero kailangan niyang nasa restaurant siya.

"Good afternoon, Seah. Come here." Pagkasabi niya no'n ay agad akong lumapit sa kaniya. Hindi kasi ako agad nalapit sa kaniya sa tuwing papasok ako sa office niya.

Nananatili lang ako sa pinto at lalapit lang sa kaniya kapag tatawagin niya ako. Ayaw ko lang kasi nang gano'n. Gusto ko munang masigurado kung gusto niya ba akong malapit sa kaniya o hindi.

"Bakit niyo po pala ako pinatawag, Sir?" Tanong ko nang makaupo na ako sa harapan niya, sa visitor's chair.

"My secretary has resigned and I am looking for a new one. And I thought of you so I called you to ask you if you want to be my secretary. So do you want? If you don't, it's okay." Wala man lang reaction na sabi niya sa 'kin.

Ganiyan naman talaga si boss. Sanay na ako sa kaniya kasi kahit naman ganiyan siya, napakabait niya. Oo, masungit at nakakatakot si Sir o boss. Isa kasi sa dalawa na 'yan minsan tawag ko sa kaniya. Pero napakabait naman ni boss.

"If you accept my offer to you, hindi ka na mahihirapan pang magtrabaho. Hindi mo na kailangan pang pumunta sa mga susunod mong trabaho pagkatapos dito. Alam kong hindi ka lang sa 'kin nagtatrabaho. Minsan na kasi kitang nakita sa isang mall na naglilinis ng bintana. Hindi kita tinawag dahil you're busy and hindi lang 'yon dahil minsan na rin kitang nakita sa isang 7/11 na nagmamop ng sahig, nagpupunas ng mesa. I know na ginagawa mo ang lahat ng 'yon for your family that's why I understand you. That's why I letting you work sa hindi mo naman dapat trabaho when everytime you ask me na gawin ang trabaho ng isa sa mga staff natin kapag absent sila. Hindi naman sa pinipilit kitang tanggapin ang pagiging secretary ko. I just want to help you, Seah. Malaki ang sahod ng pagiging secretary ko. Just for me, ha? Not everyone malaki magpasahod for their secretary's." Mahabang sabi ni boss nang hindi ako nakasagot agad sa tanong niya.

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Alam ko namang possible talagang may makakita sa 'kin sa mga iba pang pinagtatrabahuan ko na kakilala ko dahil hindi naman tago 'yon.

Hindi ko lang maiwasan ang mahiya dahil isa si boss sa mga nakakita ng mga 'yon. Wala naman kasi akong pinagsasabihan sa iba ko pang trabaho.

"Thank you po, Sir. Pasensya na rin po kung gano'n ako. Kailangan ko lang po talaga ng pera para may mapadala ako kila Mama lalo na kasi kinukuha–" Natigilan ako sa pagsasalita nang marealize kong muntik ko ng masabi 'yung tungkol sa ginagawa sa 'kin nila Tita.

"It's okay, Seah. I understand and what do you mean by kinukuha?" Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa tanong niya.

"Ah... Tinatanggap ko na po ang alok niyo, Sir." Sabi ko na lang at napapikit.

Gusto ko naman tanggapin 'yon dahil mukhang mapapadali ang buhay ko. Alam kong mahirap ang maging secretary, pero naniniwala ako sa sarili kong kaya ko.

Ito ang unang beses na papasok ako bilang secretary kaya kailangan kong maging maayos. Hindi ako pwedeng pumalpak dahil baka malagot ako.

Kahit na mabait naman si boss ay hindi pa rin ako pwedeng magpakampante.

"That's good to hear, Seah. Thank you so much." Tuwang sabi ni Sir sa 'kin. Napangiti nga ako nang malaki ng makita kong ngumiti si Sir no'ng sinabi niya sa 'kin 'yan.

Your SmileWhere stories live. Discover now