CHAPTER 6

95 6 0
                                    

Napakamot ako sa ulo ko nang mabasa ko lahat ng schedule ni boss ngayong araw. Halos puno 'yon. Pang isang linggo ko na ring nagtatrabaho kay Sir bilang secretary niya.

Sa company na nga pala ako ni boss nagtatrabaho, hindi na sa restaurant niya. Nakakabilib si Sir dahil hindi lang restaurant ang meron siya. May company rin siyang pinapatakbo. Ang hirap kaya no'n.

At aaminin kong hindi madaling maging secretary ni Sir. Napakasakit sa ulo ng iba niyang ka-meeting. Buti na lang at medyo mahaba ang pasensya ko.

"Seah, what's my next meeting, time and where?" Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang boses ni boss.

"Ah, may meeting po kayo kay Mr. Tan. 11 am and sa Red Star Restaurant po." Maayos na sagot ko naman agad at nang makitang tumango siya ay nakahinga ako nang maluwag.

Wala namang problema sa 'kin sa ngayon si boss. Hindi niya pa ako napapagalitan. Lahat ng tinuturo niya sa 'kin ay talagang inintindi kong mabuti.

Mahaba rin naman ang pasensya sa 'kin ni Sir. Nakakatuwa talagang naging boss ko siya. Napakabait talaga ng boss ko kaya gustong-gusto ko talaga siyang boss. Ayaw ko ng umalis sa kaniya. Panatag na kasi ang loob ko kay boss.

"Since 9 am pa lang, you can break muna. Bumalik ka na lang bago mag 11." Biglang sabi niya kaya nagulat naman ako.

Hindi naman ito ang unang beses na pinagbebreak niya muna ako kapag mahaba ang libreng oras. Hindi ko lang talaga maiwasang magulat, pero medyo nasasanay na rin ako.

"Sigurado ka po ba, Sir? Okay lang naman po kung hindi muna ako mag break, baka po kasi kailanganin niyo ako o ng tulong ko as your secretary po." Sabi ko.

Feeling ko nga sawang-sawa na siyang marinig 'yon. 'Yun kasi palagi ang sinasabi ko sa kaniya, eh. Nahihiya na tuloy ako sa pinaggagagawa ko.

"Seah, can you please stop saying it? How many times do I have to tell you that it's okay and you don't have to worry? Just go, and follow what I said, okay? No more buts, or whatever. Just do what I said you to do." Kalmadong sabi niya at bahagya pang ngumiti sa 'kin.

Napangiti na lang din tuloy ako at tumango. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko minsan. Napakakulit ko naman kasi. Napaka-ulit-ulit ko.

Tulad ng sabi ni boss ay sinunod ko na lang siya dahil baka magalit na talaga siya sa 'kin. Ayaw ko pa namang makitang magalit si boss dahil alam kong nakakatakot siyang magalit.

Minsan ko na kasi siya nakitang magalit. Actually, kami ng mga katrabaho ko. Nakakapanindig balahibo talaga kung magalit si boss.

"Uy, hi!" Natauhan ako nang may marinig na pamilyar na boses at ng tingnan ko kung sino ay agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

Siya lang talaga nakakagawa nito sa 'kin.

"Ahm, hi." Nahihiyang bati ko at bahagyang yumuko para magbigay galang sa kaniya nang nasa harapan ko na siya.

Gusto ko ngang tumakbo na lang palayo sa kaniya kaso ayaw ko namang maging bastos at kung patuloy lang akong tatakbo sa kaniya palayo ay walang mangyayare kaya haharapin ko na lang siya.

"Shesshh, feeling ko tuloy isa akong hari." Natatawang sabi niya kaya hindi ko rin naiwasang matawa.

Nakakahawa talaga kapag tumawa siya. Kahit ayaw kong tumawa ay matatawa ako kahit na nahihiya pa ako.

Sa isang linggo rin namang nakalipas simula ng magtrabaho ako bilang secretary ni Sir Rafael ay ito lang ulit ang pagkikita namin.

Akala ko nga hindi ko na siya makikita, eh pero akala ko lang pala dahil nandito na siya sa harapan ko ulit.

Your SmileWhere stories live. Discover now