CHAPTER 13

54 3 1
                                    

"Anong gagawin natin dito?" Kunot noong tanong ko kay Jazley nang pagbaba namin sa kotse niya ay Zoo ang bumungad sa 'kin.

"May bibisitahin lang ako." Sabi niya na mas nagpakunot ng noo ko.

"Sino naman?" Tanong ko ulit at kita ko naman kung paano siyang magpigil ng tawa niya.

Parang kalokohan na naman nasa isip nito. Wala talagang magawa 'tong lalaking 'to. Matapos naming maghabulan kanina ay ito na nga, dinala niya na ako dito.

Sa buong biyahe nga namin siya lang ang maingay. Hindi rin naman ako naririndi sa kaniya. Gusto ko pa ngang maingay siya kaysa tahimik.

"'Yung kalahi mo, pfftt haha." Napairap na lang ako sa sinabi niya. Tulad ng inaasahan ko ay kalokohan ang nasa isip niya.

"Joke lang, 'to naman. Ang hirap mo namang patawanin ngayon. Seryoso mo naman masyado pero walang tatalo sa pagiging seryoso ko sa 'yo." Napaawang na lang ang labi ko sa huling sinabi niya.

Napakahangin talaga nitong lalaking 'to.

"Wow, bilib na talaga ako sa lakas ng loob mong ganiyanin ako." Naiiling na sabi ko.

Ngumiti lang naman siya sa 'kin nang malaki. Habang ginagawa niya 'yon ay natigilan lang ako. Hindi ko napansin na napatitig na ako sa mukha niya ng matagal.

Hindi ko kasi napigilang titigan ang mukha niya, lalo na at ang cute cute niya habang nakangiti nang gano'n. Bahagya din kasing nakapikit ang mga mata niya habang nakangiti nang malaki.

"Uy, nakatulala ka na diyan? Gwapo ko, noh? Titig na titig ka sa mukha ko, eh." Natauhan na ako nang magsalita na siya.

Nahihiyang tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Parang gusto ko na lang maglaho bigla dahil nahuli niya akong nakatitig sa kaniya.

"Hindi, noh! Kapal talaga ng mukha mo." Sabi ko na lang nang hindi nakatingin sa kaniya. Hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya, eh kasi nahihiya ako.

"Sus, Josiah. Aminin mo na kasing gusto mo na rin ako." Sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko na ikinasinghap ko sa gulat.

Hinampas ko naman siya sa balikat dahil do'n. Tinawanan niya lang naman ako dahil sa ginawa ko sa kaniya. Parang tuwang-tuwa pa siya sa ginawa ko sa kaniya.

"Ewan ko sa 'yong lalaki ka. Kung hindi lang ako naaawa sa 'yo hindi kita kakausapin, eh." Sabi ko sabay irap.

"Luh, grabe ka naman." Sabi niya at may paawa effect pa siya sa boses niya. Parang pinapaguilty niya ako.

Napabuntong hininga na lang ako nang malalim. Sa tuwing kasama ko siya para akong may kasamang 5 years old na bata.

"Dinala kita dito kasi nalaman ko na gusto mo 'tong mapuntahan." Sa sinabi niyang 'yon ay natigilan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

Paano niya nalaman? Narinig niya ako? Nando'n ba siya no'n?

"Sorry, narinig ko lang na sinabi mo 'yon. Hindi ko naman sinasadyang pakinggan." Paliwanag niya agad.

Nakapikit kasi ako no'ng sinabi ko 'yon at nasa office ko ako. Naalala ko na!

"Ah, ayos lang." Sabi ko na lang. Wala namang problema sa 'kin 'yon. Nagpapasalamat pa nga ako na 'yun lang ang narinig niya.

Minsan kasi gano'n talaga ako kapag wala akong magawa. Kinakausap ko sarili ko para malibang.

At oo, pangarap ko talagang makapunta sa Zoo. Bata pa lang ako gusto ko na talagang makapunta dito kaya nga kanina hindi ko maiwasang magulat at matuwa nang makitang dito ako dinala ni Jazley.

Your SmileWhere stories live. Discover now