CHAPTER 10

80 3 0
                                    

Natulak ko si Jazley nang marinig kong may kumatok sa pinto ng office ko. Mabilis akong tumayo para puntahan ang pinto at buksan.

Bumungad naman agad sa 'kin ang seryosong mukha ni boss pagbukas ko ng pinto. Napatikhim pa muna ako.

"I-ikaw po pala, Sir. Bakit po? May kailangan po ba kayo?" Magalang na tanong ko.

"Wala naman. Pumunta lang ako dito para kumustahin ka. Are you really okay? Wala bang ibang ginawa sa 'yo ang lalaking 'yon?" Napangiti naman ako sa sinabi ni boss.

Hindi ko maiwasang matuwa dahil nag-aalala pala sa 'kin si boss. Hindi ko expect 'yon. Talagang mabait nga talaga si boss.

"Yes, Sir. Okay lang po talaga ako. Nabangga niya lang talaga ako." Sabi ko sabay ngiti sa kaniya.

"Okay. Don't worry, sinesante ko na 'yon. Wala akong tauhan na gago." Sabi niya na ikinangiwi ko na lang.

Magsasalita sana ako nang matigilan ako dahil may biglang umakbay sa 'kin at alam ko kung sino 'yon.

"Jazley? What the hell are you doing here?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni boss kay Jazley.

"None of your business." Rinig kong sabi ni Jazley at kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi siya kay boss. Mapang-asar 'to, eh.

Para matigil ang kalokohan niya ay siniko ko siya sa tagiliran niya at mahinang tinulak para mapalayo siya sa 'kin na nagawa ko naman.

"Well, deserve." Sabi naman ni boss at nakita ko kung paano niyang nginisihan si boss na ikinatawa ko na lang nang palihim.

"Tss." Sabi lang naman ni Jazley.

Tiningnan ko naman na siya at nakita ko kung paanong masama niya akong tiningnan nang magtama ang mata naming dalawa.

Dinilaan ko lang naman siya para asarin. Natawa naman ako nang gayahin niya ako. Talagang hindi rin siya nagpapatalo.

"Stop that. Para kayong tanga." Nahihiyang napangiti na lang ako kay boss nang sabihin niya 'yon. Nakangiwi nga lang siya sa 'min.

"So, bakit ka nga nasa office ng secretary ko, Mr. Fernandez?" Muling tanong ni boss at dahil do'n ay naalala ko na naman ang nangyare sa loob pati na 'yung sinabi niya.

Totoo ba 'yon?

Bumibilis tuloy ulit tibok ng puso ko dahil sa pag-alala ng nangyare kanina. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisnge ko.

Baka iba naman ibig sabihin niya do'n?

Bakit ba ako nag-ooverthink? Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to. Simula ng maging malapit kami sa isa't isa, hindi na talaga natitigil ang isip ko sa kakaisip ng tungkol sa kaniya.

"Ang tanda mo na talaga, ulyanin. 'Di ba sinabihan mo si Seah na asikasuhin ako? Eh sa dito niya ako dinala, anong magagawa mo?" Taas kilay na sabi ni Jazley.

"Oh, right. Sorry, I forgot. Nabwiset lang talaga ako sa lalaking 'yon. Nakakainit ng ulo siya kausapin." Stress na sabi ni boss at napasuklay pa sa buhok niya.

"Ang dami ko na ngang iniisip at problema, dumagdag pa siya." Sabi ulit ni boss na ikinatawa lang naman ni Jazley.

"Anyway, hindi ko na kailangan na kausapin kayo. Inayos ko na, and you can leave early, Seah. Thank you." Sabi ni boss na ikinangiti ko naman.

"Okay, boss. Thank you." Sabi ko lang din at pagkatapos no'n ay nagpaalam na siya dahil aalis pa daw siya dahil may kailangan daw silang asikasuhin.

Your SmileWhere stories live. Discover now