Prologue

4.3K 72 0
                                    

DON'T I DESERVE YOUR LOVE?

“Iris!! Who the f*ck told you that you can leave the house?!” malakas na sigaw ni Kierro nang makapasok siya sa mansion. Marahas niyang hinila ang buhok ko at kinaladkad ako papasok sa kwarto namin.

“Kierro nasasaktan na ako, bitawan mo ako.” nagmamakaawang saad ko habang nagpupumiglas sa pagkaka hawak niya. Ngunit mas lalo niya lang ito hinigpitan, at nang makapasok kami sa loob ng kwarto ay itinali niya ako.

“Kierro bumili lang ako ng grocery at nakipag kita sa mga kaibigan ko, please pakawalan mo na ako.” hindi niya ako pinansin at naglabas niya ng latigo. Ito na ang mga oras na ikinakatakot ko.

“Wala akong pake, nilabag mo ang isa sa mga batas ng bahay na ito. Hindi kita pakakainin ng tatlong araw.” galit na ani niya, sinimulan niya na akong hatawin ng latigo at nagawa niya pang humalakhak. Hindi ko alam kung bakit pinipilit ko ang sarili kong mag stay sa lalaking ito. Well siya ang lalaking minamahal at pinakasalan ko para mabayaran ang utang ng pamilya ko.

Matagal ko na siyang minamahal, hindi naman siya ganito dati pero nasira ko kase ang relasyon niya sa babaeng minamahal niya, yun ay ang aking kapatid ko. Simula noon palagi na siyang galit sa akin para bang ako ang sumira sa buong buhay niya. Gusto ko lang naman na maranasan na may mag mahal. Napa sa akin nga siya, ganito naman ang pag trato niya sa akin. Dahil sa mga pananakit niya sa akin, hindi na ako magtataka kung mapatay niya na ako. Patuloy niya akong hinahataw ng latigo habang ako ay nagmamakaawa sa kaniya. Palagi nalang ganito, palagi nalang ako nasasaktan.

“Masakit ha?! Kung hindi ka sana nakielam sa relasyon namin ng Ate mo noon edi sana maayos pa ang buhay mo ngayon. Pinalala mo pa nung pumayag ka sa offer ni Mom na magpakasal sa akin!! Ikaw ang sumira ng buhay ko! Huwag kang umasa na mamahalin kita kahit kailan! ” galit na sigaw niya bago tumigil sa paghataw sa akin ng latigo at lumabas ng kwarto. Sa wakas natapos na din ang pagpapahirap niya. Natapos na ang lahat pero, heto ako ngayon puro pasa at sumusuka na ng dugo habang naka handusay sa sahig. Hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi lang katawan ko ang may sugat ngayon, pati narin ang puso ko. Hindi ako magiging importante para sa kaniya, kaya sigurado akong magiging masaya pa siya kapag namatay na ako.

Mali bang minahal kita?

Nagawa ko lang naman ang pagkakamaling iyon dahil sa pagmamahal ko sayo eh.

Magiging importante din kaya ako sayo?

Baka maalala mo lang lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sayo kapag nawala na ako.

To Be Continue×

TOXIC RELATIONSHIP SERIES #6: Toxic Love With Mr Womanizer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon