Chapter 7

2.7K 59 0
                                    

Nakahiga na kami't lahat pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Galit pa rin ako sa kaniya, bakit kailangan niya ako hawakan ng ganun eh kumaway lang naman yung lalaki.

“I'm sorry Iris, i didn't mean to hurt you.” pag hingi niya nang sorry habang mahigpit siyang nakayakap sa akin.

“Pwede bang bitawan mo ako? Tigilan mo ako Kierro inaantok na ako.” inis na saad ko sa kaniya. Agad naman siyang bumitaw sa akin pero nanatili pa rin siyang nasa may likuran ko.

Ilang minuto din kaming tahimik nang maramdaman kong tumayo siya at lumabas ng kwarto. Bigla tuloy akong nadismaya. Akala ko pa naman hindi siya aalis sa tabi ko hangga't hindi kami nagkaka ayos. Pero heto siya walang pakielam sa akin.

Agad ko na lang kinuha ang aking cellphone para libangin ang sarili ko hanggang sa maka tulog ako.

_

Nagising ako nang marinig kong nag ri-ring yung cellphone ko. Agad ko itong kinuha at nakita kong tumatawag pala si Tita Kamilla. Agad ko itong sinagot at nag salita.

“Hello po Tita?” bati ko dito habang kinukusot kusot ko ang aking mata.

“Hello ija? Nandyan ba si Kierro? Pasabi na umalis na kami at kayo na lang ang naiwan jan dahil may emergency meeting si Kendrix sa ibang bansa. Pasensya na talaga, akala namin walang magiging meeting si Kendrix pero meron pala. Babawi na lang kami sa inyo pag uwi and mag enjoy kayo ni Kierro jan sa resort. Pasabi din na gusto na namin ng apo at gumawa na kayo.” aniya ni Tita bago niya pinatay ang tawag. Ang bilis naman. Akala ko pa naman makakasama pa namin sila ng matagal. Pero teka, nasaan nga ba si Kierro? Hindi pa ba siya bumabalik simula kanina?

Agad kong binuksan ang messenger ko at nakita kong online siya. Ichachat ko na sana siya nang makita kong may story si Neil, isa sa mga kaibigan ni Kierro kaya agad ko itong tiningnan. Nabigla ako nang makita kong nag iinom sila sa bar ng resort at may mga kalapit silang babae. Kitang kita ko kung papaano naka upo sa hita ni Kierro yung babae habang nag iinom sila.

Nagalit lang ako naghanap na kaagad siya ng iba? Nag sawa na kaagad siya? Nainis lang naman ako kanina dahil sa nasaktan ako sa ginagawa niya kanina ah. Bakit parang ang bilis naman Kierro. Ayaw niyang may lalaking nakatingin sa akin pero siya itong nakikipag landian sa iba. Nasasaktan ako ng sobra sobra, nasanay kase ako na sa akin lang siya malambing tapos may naka upo nang ibang babae sa hita niya? Ayos yun ah!

Nag palit ako ng bra top at short bago ako lumabas sa kwarto namin para puntahan siya. Bagong gising pa lang ako pero lumabas na kaagad ako para kumprontahin siya.

Konting lakad lang naman ay makakarating na ako sa  bar kaya mabilis lang akong nakarating doon. Puro usok at amoy alak ang sumalubong sa akin nang maka pasok ako sa lugar na iyon. Agad kong iginala ang aking paningin para hanapin si Kierro at kagaya nga nung nasa story ni Neil, nandoon siya habang nakikipag halikan sa babaeng naka upo sa hita niya kanina. Biglang kumirot ang aking puso sa aking nakita. Akala ko pa naman maayos na kami, akala ko pa naman may pag asa nang mahalin niya ako. Pag papanggap lang ba lahat ng iyon? Niloko mo lang ba ako Kierro? Ang tanga ko naman dahil nag paloko nanaman ako sayo Kierro. Bakit nga ba ako nagulat? Noon pa lang naman babaero na siya eh. Hindi niya kayang makuntento sa isa.

Huli na nang mapagtanto kong tumutulo na pala ang aking luha. Sobrang sakit na parang kahapon lang ay masaya pa kayo tapos bigla mo na lang makikita na may kahalikan na siyang iba. Ang sakit mo naman mahalin Kierro.

Aalis na sana ako nang may humila sa akin pabalik. Nang mapatingin ako kung sino ito ay napagtanto kong ito yung lalaking kumaway sa akin kanina.

“Are you okay? Kanina ko pa siya nakikitang may kahalikan pero hindi ko alam kung papaano ko ito sasabihin sayo.” malungkot na ani nito bago niya ako hinigit papunta sa may bartender.

TOXIC RELATIONSHIP SERIES #6: Toxic Love With Mr Womanizer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon