Chapter 16

2.9K 50 3
                                    

Hindi ako tumigil kaka takbo hanggang sa makarating na ako sa bahay ni Angelica. Basang basa na ako ng ulan at namumugto pa ang mata ko dahil sa pag iyak ko kanina. Kumatok ako ka pintuan ni Angelica dahil nilalamig na ako. Agad niya naman itong binuksan at agad ko siyang niyakap.

“Anong nangyayari Iris? Bakit basang basa ka? Baka mag kasakit ka.” nag aalalang aniya ni Angelica habang umiiyak ako.

“Ang sakit Angelica, bakit ganun? Sobra sobra na yung pag mamahal na ibinigay ko sa kaniya pero hindi pa rin sapat. Bakit kailangan si Ate pa rin? Ano bang wala sa akin na meron kay Ate?” umiiyak na saad ko sa kaniya habang pinapakalma niya ako.

“Bakit mo sinasabi iyan? Anong nangyari? May nangyari ba sa inyo ni Kierro?” dagdag pa niya bago niya ako hinigit papasok sa loob.

“Niloko niya lang ako Angelica, sabi niya mahal niya ako tapos malalaman ko na lang na mahal niya pa si Ate. Grabe yung sakit, hindi ko na kaya.” lumuluhang saad ko habang pinapakalma niya ako.

“Sabi ko na nga ba gagawin niya yan. Kaya noon pa lang wala na akong tiwala sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang sa Ate mo pa niya ikaw ipag papalit.”  inis na saad niya.

“Ano nang gagawin ko ngayon Angelica? Wala na kami ni Kierro at mag hihiwalay na din kami. Mahal na mahal ko siya, hindi ko kayang iwanan niya ako.” humahagulgol na aniya ko. Hindi ko talaga kaya. Masyado niya akong sinanay na kasama siya. Hindi ko alam kung makaka move on pa ako sa kaniya.

“Wala tayong magagawa Iris, hindi ko alam kung papaano kita tutulungan. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang nalulungkot.” nabigla ako nang mag simula na ding umiyak si Angelica at niyakap niya ako.

“Hindi siguro talaga sila ang lalaking para sa atin. Alam ko ang nararamdaman mo Iris. Kaya alam ko kung gaano ka nasasaktan.” malungkot na saad niya. Hindi na ako bumitaw sa yakapan naming dalawa. Napaka swerte ko sa kaniya dahil tuwing may problema ako ay palagi ko siyang natatakbuhan at palagi niya akong binibigyan ng advice.

Siya lang ang taong tunay na nag mamahal at umuunawa sa akin. Palagi niyang tinitiis ang ugali ko at masaya akong nakilala ko siya.

_

Ilang buwan na ang nakalipas simula nung nag hiwalay kami ni Kierro. Pinirmahan ko na din yung divorce paper at we're officially annulled. Hiwalay na kami at malaya na siya. Masakit man sa akin na palayain siya pero ano pa nga ang magagawa ko. Gabi gabi pa rin akong umiiyak dahil sa mga nangyaring iyon. Sinusubukan ko pa ring mag move on pero mahirap eh. Mahirap mag move on lalo na't mahal na mahal mo pa yung tao.

Pero may kakaibang nangyayari sa akin. Palagi akong nahihilo at palaging gutom. Napapa isip ako dahil bakit parang nag babago ang katawan ko. Palagi din akong mabilis din akong mag palit palit ng emosyon. Kagaya nung isang araw, masaya lang kami habang nanonod ng movie tapos bigla na lang akong nainis.

Kasalukuyan akong naka upo ngayon dito sa may sofa habang nag luluto si Angelica ng umagahan namin ng biglang naging balita yung palabas. Nabigla ako nang makita ko ang picture doon ni Kierro habang yakap yakap niya mula sa likuran si Ate.

“Magandang umaga mga kabayan, narito ang latest chika ko sa inyo ngayon. Isang successful business man na nag ngangalang Kierro Shinn Mitsukhi ay inireveal na ang araw kung kelan siya ikakasal sa kaniyang fiance or soon to be fiance. Sinabi niya rin na sobrang thankful siya dahil sa wakas ay pumayag na ang girlfriend niya na mag pakasal sa kaniya kahit sobrang dami na nilang problema. Yan ang latest chika sa mundo ng mga celebrities at businesses, ako nga pala si Marie Kim, maraming salamat sa pakikinig” aniya nung nag babalita mula sa TV dahilan para mabitawan ko yung hawak kong remote.

I—Ikakasal na sila ni Ate? Pero kakahiwalay lang namin nung nakaraan diba? Ganoon na ba ako kadaling palitan? Bakit ganun? Bakit parang ambilis naman?

Hindi na napigilan ang sarili ko at naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko. Nag simula na akong humagulgol. Ang sakit, bakit nasasaktan pa rin ako.

“Anong nangyayari?” kinakabahang tanong ni Angelica nang makita niyang umiiyak ako.

“I—Ikakasal na si Ate at Kierro. Bakit ganun Angelica? Ganoon ba ako kadaling kalimutan? No hindi nga nila ako kinamusta nung nakaraan simula nung umalis ako. Tapos ngayon mag papakasal na sila?” humahagulgol na saad ko sa kaniya. Agad niya akong niyakap habang hinihimas ang likod ko.

Mag sasalita na sana ako nang bigla akong maka ramdam ng pag suka kaya agad akong humiwalay sa kaniya at dali dali kong binuksan yung pinto ng cr saka ko inilbas lahat ng suka ko.

“Anong nangyayari? May kinain ka bang panis?” nag aalalang tanong ni Angelica habang tuloy tuloy pa din ako sa pag suka. Bigla na lang lumalabo ang paningin ko at nahihirapan akong huminga. Hindi pa rin tumitigil ang bibig ko sa pag lalabas ng suka habang hinihimas ni Angelica ang likod ko. Hawak hawak niya din ang mahaba kong buhok dahil sa baka malagyan ito ng suka.

“Nahihilo ako Ange—” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lang akong kainin ng dilim.

_

“Sigurado ho ba kayo sa sinasabi niyo doc? Paano naman po nangyari na buntis siya?” tanong nang kung sino ang naririnig ko habang naka pikit ako. Gusto kong imulat ang mata ko pero gusto pa rin nitong manatiling naka sara.

“Yes Ma'am, she is indeed pregnant and medyo magiging maselan po ang pag bubuntis niya dahil sa stress na nararamdaman niya. Nang i check namin ang kalusugan niya ay wala naman siyang problema sa katawan. Palagi po siyang stress at pagod, yan po ang naging resulta kung bakit siya nahimatay kanina. Paki alagaan po si Misis dahil there's a possibility na makunan siya kapag nag patuloy ang stress niya.” aniya nung doctor bago ko tuluyang nabuksan ang mga mata ko.

Nakita ko si Angelica at Janiel habang may kausap silang babae na mukang doctor. Teka nasa hospital ako? Saka ko lang naalala na nahimatay niya pala ako kanina. Nang makita nilang nagising ako ay agad silang lumapit sa akin at tinanong kung ayos lang ba ang nararamdaman ko.

“Anong sinasabi nung doctor? Habang nakapikit ako kanina may narinig akong buntis, sino yung buntis?” tanong ko bago ako napa hawak sa aking ulo dahil bigla itong kumirot.

“Kayo po Ma'am.” aniya nung doctor dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Ano?

“Ha?” wala sa wisyong saad ko bago ko tinitigan yung doctor.

“Kayo po ang buntis Ma'am. Ibig sabihin may fetus po jan sa loob ng tiyan niyo. Your 3 months pregnant kaya hindi niyo pa rin halata ang pag laki ng tiyan mo.”  pag papaliwanag nung doctor habang ako naman ay hindi makapaliwanag sa narinig.

Hindi pala ako tumataba. Kaya pala lumalaki ang tiyan ko ay buntis ako. Teka bakit parang biglaan ito? Saka Three Months? Ibig sabihin nabuo yung fetus na nasa sinapupunan ko nung may nangyari sa amin ni Kierro? Yung kakauwi niya lang at sinasabi niya sa akin na kahit bumalik si Ate ay ako pa rin ang mamahalin niya?

“Mukang may pag uusapan pa kayo. Aalis muna ako, babalik ako mamaya sa heartbeat check up ni Ma'am.” aniya nung doctor bago lumabas ng kwarto kung saan ako nakahiga. Nang mapatingin ako kila Angelica at Janiel ay kita ko tin ang gulat sa mga muka nila.

“Anong gagawin ko Angelica? Hindi ko ito maaaring sabihin kila Ate dahil alam kong magagalit sila sa akin. Papaano ko ito papalakihin at aalagaan ng mag isa?” tanong ko sa kanila habang hindi mapakali. Wala akong trabaho at kakaunti pa lang yung naiipon ko.

“Bakit ayaw mong sabihin? Anak ni Kierro yan kailangan niya yang panagutan.” biglaang singit ni Janiel.

“Madaling sabihin pero mahirap gawin. Saka ikakasal na sila, ayaw kong masira ang relasyon nila dahil sa dinadala ko.” aniya ko. Hindi ko alam ang iisipin ko. Papaano na ito? Papaano ko papalakihin yung mga magiging anak ko?

TOXIC RELATIONSHIP SERIES #6: Toxic Love With Mr Womanizer [COMPLETED]Where stories live. Discover now