Chapter 5

3.2K 55 0
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong may mainit na pag hinga sa aking leeg. Agad kong iminulat ang aking mata at halos mapa sigaw na ako nang makita kong mahimbing na natutulog si Kierro sa may tabi ko. Anong ginagawa ko sa kwarto niya? At bakit siya nakayakap sa akin?

Bigla akong napahawak sa ulo ko habang inaalala ko lahat ng nangyari kagabi. Sa pag kakaalam ko hindi naman ako nag inom. Hindi kaya may nangyari sa amin? Pero naka damit naman ako diba? Baka naman dito lang ako naka tulog.

Akmang tatayo na sana ako nang biglang umuro ang aking pagka babae dahilan para mapa igtad ako. Ang sakit! Mabuti na lang ay hindi siya nagising kaya agad akong tumayo at pumunta sa tapat ng salamin. Kailangan kong maka sigurado kung may nangyari nga sa amin.

Agad kong tiningnan ang iba't ibang parte ng katawan ko at puro ito kulay pula. Nabigla ako nang may makita akong bite marks sa aking hita at leeg. At doon ko napag tanto na may nangyari nga sa amin. Anong gagawin ko? Baka magalit siya kapag nalaman niyang may nangyari sa amin.

Saka virgin pa ako kaya siguro ganito kasakit yung kipay ko ngayon. Dahan dahan akong nag lakad papalabas ng kwarto niya para maka takas. Iniingatan kong hindi gumawa ng ingay dahil baka magising siya.

Akala ko pa naman kapag naka labas na ako ay maayos na ang lahat. Pero pagka labas na pagka labas ko ay...

“Oh, Iris nandito ka pala sa kwarto ni Kierro?” nag tatakang tanong ni Kuya Khalil. Sh*ta!! Saktong pag labas ko ng pinto ay nandoon sila para puntahan si Kierro.

“Hmm, bakit parang andami mong kulay pula sa leeg Iris. Kinagat ka ba ng lamok o ipis?” nakangising tanong ni Ate Karina.

“A—Ah opo kinagat ako ng lamok kagabi. A—Ano nga po pa lang ginagawa niyo dito?” nauutal na tanong ko sa kanila. Wala na akong maisip na palusot kaya sinabi ko na lang na kinagat ako ng lamok.

“I see, natutulog pa ba si Kierro?” tanong ni Kuya Khalil.

“Opo Kuya mahimbing pa po siyang natutulog.” aniya ko. Nabigla kaming nagulat nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kierro na magulo ang buhok at mukang kakagising lang.

“I'm already awake, wife.” he said before hugging me from behind. Kitang kita ko ang gulat sa mata nilang dalawa dahil kahit kailan ay hindi naman naging ganito ka clingy si Kierro. Agad akong umalis sa pagkaka yakap ni Kierro at kinakabahang ngumiti sa kanila.

“Sabi ng mga maid ay luto na daw ang breakfast. Sumunod na kayo sa amin para maka kain na tayo.” pag aaya ni Kuya Khalil habang si Ate Karina naman ay naka ngisi. Kita ko sa muka nila na masaya sila dahil medyo sweet na sa akin ngayon si Kierro. Pero baka ngayon lang ito mangyari. Baka bukas mag iba na ang ugali niya at bumalik na ulit kami sa dati.

Akmang mag lalakad na ako para sumunod sa kanila nang biglang hawakan ni Kierro yung kamay ko.

“Did you remember what happened last night?” he said while smirking at me. Base sa ngisi niya ay alam kong totoo yung iniisip ko kanina.

“H—Hindi, wala akong masyadong maalala.” pag papalusot ko sa kaniya.

“Hindi mo ako maloloko Iris. We make love diba? You also ride me last night.” bigla akong napatigil dahil sa sinabi niya. At doon na nag flash sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi.

Naiimagine ko na naka patong ako kay Kierro habang umuung*l. Putang*na ginawa ko yun? Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pamumula dahil sa kahihiyang ginawa ko kagabi.

“Did you remember now? Hmm you did a great job while pleasuring me, i wouldn't mind doing it again with you.” aniya niya na nag pa inis sa akin. So kaya lang siya ganito makitungo sa akin ay dahil sa nangyari sa amin kagabi? Akala ko pa naman nag bago na siya kahit kaunti. Yun pala nag kakamali lang ako. Agad ko siyang tinulak papalayo at sinundan ko na sila Ate Karina.

TOXIC RELATIONSHIP SERIES #6: Toxic Love With Mr Womanizer [COMPLETED]Where stories live. Discover now