Chapter 15

2.9K 58 4
                                    

Mag iisang buwan na simula nung umuwi si Kierro mula sa business meeting niya. Maayos naman kami nung simula pero habang tumatagal ay nag iiba na siya. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin pero parang nan lalamig na siya.

Kung noon ay palagi kaming mag kasama at lapit matulog, ngayon hindi na. Nagigising kase ako minsan na wala siya sa tabi ko. Minsan sa sofa siya natutulog, para bang iniiwasan niya. Nag sisimula na tuloy akong mag hinala. Paano kung may bago na siya? Yun ba ang dahilan kung bakit siya nan lalamig sa akin?

Kasalukuyan akong nasa galaan ngayon habang kasama ko si Angelica at Janiel. Ipinakilala ko na sila sa isa't isa at mukang magiging close nga silang dalawa. Parehas sila ng mga gustong pag kain at bagay.

Inabot na kami ng alas sais ng gabi sa pag gagala. Pauwi na kami ng maalala kong bibili nga pala ako ng cake ngayon. Ngayong araw kase ang 14 Monthsary namin ni Kierro at balak ko siyang sorpresahin. Maaga siyang umalis kanina kaya hindi kami nakapag celebrate.

“Mukang masarap yang cake ah, pahingi naman.” aniya ni Angelica pero pinigilan ko siya. Para kay Kierro ito noh!

“Cake namin mamaya ni Kierro yan! Bumili ka na lang ng sa iyo.” pag pigil ko sa kaniya. Agad naman itong ngumuso at bumili na lang siya nung cupcake.

Nang maka bili na kami ng cake ay agad na kaming umuwi dahil si Janiel ay may trabaho ng gabi at si Angelica naman ay pagod na. Mamaya pa uuwi si Kierro kaya may oras pa para makapag gayak ako ng mga lobo. Siyempre mag papatulong ako kay Ate dahil hindi ko kayang matapos yun ng mag isa bago dumating si Kierro. Agad akong bumaba sa sinakyan kong taxi bago pumasok sa gate ng bahay namin.

Nakakapag taka, hindi kase bukas yung ilaw sa unahan. Umalis si Ate? Agad akong nag lakad pero dahan dahan lang hanggang sa makarating ako sa garden.

Nakita ko doon si Kierro at Ate. Akmang tatawagin ko na sana sila ng biglang mag salita si Kierro.

“Irene please, just give me a chance.” pag mamakaawa ni Kierro habang yakap yakap niya si Ate. Anong just give me a chance? Biglang kumirot ang puso ko nang makita ko silang mag kayakap. Sabi ko na eh, tama ako ng hinala. Nabigla ako ng itulak siya ni Ate at sinampal sa muka.

“We can't be together Kierro, mahal pa kita pero kasal na kayo ng kapatid ko. Mahal na mahal ka niya Kierro.” aniya ni Ate habang lumuluha. Hindi muna ako lumabas sa pinag tataguan ko dahil gusto kong pakinggan ang pinag uusapan nila.

“Pero ikaw yung mahal ko Irene, i was devastated nung naaksidente ka kaya para mabawasan ang sakit na naramdaman ko ay nag panggap ako na mahal ko si Iris. Ginawa na namin lahat pero simula nung makita kita, ikaw pa rin talaga eh. Mahal pa rin kita Iris.” pag susumamo ni Kierro habang papalapit siya kay Ate.

Halos gumuho ang mundo ko dahil sa narinig ko. G—Ginamit niya lang ako? Mahal niya pa si Ate?

“Hindi na talaga pwede Kierro, ayaw kong masaktan si Iris. Ayaw kong magalit siya sa akin katulad nang nangyari nung nakaraan. Ayaw ko siyang masaktan Kierro . Ngayon ko lang ulit nakitang masaya si Iris. Siya na lang ang mahalin mo Kierro. Kalimutan mo na ako.” lumuluhang saad ni Ate bago niya binitawan ang mga kamay ni Kierro.

Hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko. Akala ko pa naman totoo na yung pag mamahal na ipinapakita niya sa akin. Bakit ba hindi na lang ako? Matagal na nung nawala si Ate diba? Hindi pa ba sapat ang mga oras na iyon para ako naman ang mahalin niya? Bakit si Ate pa rin? Ano bang meron kay Ate na wala sa akin?

Lakas loob akong lumabas mula sa pinag tataguan ko at humarap sa kanila habang tumutulo na ang aking luha. Nagulat sila nang makita nilang nakatayo ako mula sa likuran nila.

“I—Iri—” gulat na pag tawag ni Kierro sa aking pangalan pero hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

“Okay lang, si Ate naman talaga yung gusto mo diba? Wala naman akong magagawa. Noon pa sana kayo happy ending pero sadyang umeksena lang ako. Mahal kita eh, yun lang siya pa rin talaga diba? Huwag na kayong mag sinungaling sa akin, handa na akong tanggapin.” hindi ko alam kung papaano pa ako nakapag salita nung mga oras na iyon dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

“Hindi sa ganun Iris, huwag kang mag alala hindi na ako makikipag balikan sa kaniya.” biglaang singit ni Ate habang nag lalakad siya papalapit sa akin.

“Kahit naman hindi ka pumayag ikaw pa rin ang mahal niya eh. Wala ding saysay kung tatanggihan mo siya. Okay lang sa akin kung magiging kayo ulit.”grabe ang sakit na nararamdaman ko habang sinasabi ko ang mga salitang yan.

“Bakit pa nga ba ako umasa Kierro. Alam mo sana hindi mo na ipinaramdam sa akin na mahal mo ako. Mas okay na siguro yung binubugbog mo ako kaysa sa pinaasa mo lang ako. Ang sakit ha, grabe yung sakit. Bakit ba kase ako umasa? Alam ko namang si Ate yung mahal mo, bakit ko nga ba naisip na kahit kailan kaya kong palitan si Ate jan sa puso mo.” aniya ko bago ako tumingin kay Kierro.

“Iris, hindi totoo yan. Minahal ka din niya.” aniya ni Ate dahilan para magalit ako.

“Narinig ko ang sinabi niya Ate! Hindi ako bingi! Kung sinasabi mo lang yan para hindi ako masaktan, pwes huwag na. Malinaw ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. Don't feel sorry for me because I don't need your pity.” i said angrily before throwing the cake and balloons that i bought from the store.

“Nakaka inis ka Ate! Simula bata ay inggit na inggit na ako sayo. Lahat ng gusto ko ay napupunta sayo. Mahal kita pero habang tumatagal ay lumalala ito! Bakit ba kailangan sayo mapunta lahat ng gusto ko. Alam mo naman noon na mahal ko si Kierro pero nung niligawan ka niya sinagot mo kaagad.”

“Inisip mo man kang ba kung gaano ako nasaktan? Inisip mo man lang ba na kapatid mo ako at gusto ko rin maging masaya. Siyempre hindi, selfish ka eh! Sarili mo lang ang iniisip mo! Habang masaya ka noon sa piling niya ako depressed na depressed. Pilit kong tinatanong ang sarili ko, ano bang kulang sa akin? Bakit hindi na lang ako? Tao lang din naman ako diba? Bakit ikaw? Sa lahat ng taong maari ko pang maka agaw ay bakit ikaw pa. Mahal na mahal kita Ate, pero bakit kailangan kitang maging karibal?”

“Hindi ko din alam! Eh sa ako ang gusto niya ano bang magagawa ko? Inalagaan kita noon simula nung mawala sila Mama at Papa. Tapos dahil lang sa lalaki galit na galit ka na sa akin?” galit na sigaw niya pabalik bago niya ako sinampal.

“Bakit parang sinusumbat mo sa akin lahat ng pag aalaga mo sa akin? Saka dahil sa lalaki? Hindi ba ikaw naman ang nag simula nito? Kung sana hindi mo siya sinagot noon ay maayos tayo ngayon. Alam mo Ate, alam mo kung gaano ko siya kamahal. Palagi ko pang kinuwento sayo na pangarap kong mahalin niya ako pero, ikaw yung gusto eh.”

“Okay na sana yung buhay ko nung wala ka pa Ate! Maayos kami ni Kierro pero nung nagising ka, inagaw mo nanaman sa akin lahat. Ngayon magiging ganito nanaman ako, masaya na ako eh bakit ba kailangan ikaw lagi ang sisira sa kasiyahan ko!” sigaw ko sa kanila. Nabigla ako ng sampalin ako ni Kierro sa muka.

“Wala kang karapatan na sigawan ang Ate mo ng ganiyan Iris. Ano namang magagawa niyang galit mo kung ang Ate mo talaga ang mahal ko.”  galit na sigaw niya sa akin pero agad siyang pinigilan ni Ate.

“Ano pa nga bang magagawa ko? Wala na akong magagawa kung hindi tanggapin na kahit kailan ay hindi mo ako mamahalin. Happy 14th Monthsary Kierro. Sana maging masaya kayong dalawa. Ibibigay ko na lang sa iyo ang divorce papers para maging masaya na kayo. Mag pakasal na kayo agad at gumawa na din kayo ng anak.” huling aniya ko bago tumakbo papaalis sa lugar na iyon. Nararamdaman kong sinusundan pa ako ni Ate pero hindi ko na siya tiningnan.

Sobrang sakit. Alam kong may masasakit akong nasabi kay Ate pero masyado akong galit para bawiin iyon. Habang tumatakbo ako ay naramdaman ko nag pag patak ng malamig na butil ng ulan sa aking balat.

Hindi ba ako karapatdapat na maging masaya? Bakit kailangan ako na lang yung palaging nasasaktan?

TOXIC RELATIONSHIP SERIES #6: Toxic Love With Mr Womanizer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon