Chapter 18

3.2K 62 4
                                    

“Mommy?” natinig kong pag tawag ng anak ko sa akin habang nag titiklop ako ng mga damit niya. Nakita kong naka silip siya sa may pinto kaya agad ko siyang sinenyasan na lumapit sa akin at niyakap ko siya.

“Bakit hindi ka pa natutulog anak? Gabi na ah.” tanong ko sa kaniya pero malungkot lang siyang tumingin sa akin.

“Mommy, may family day po kami sa friday. Gusto ko po umatend pero..” aniya nang anak ko bago siya tumingin sa akin.

“Pero ano anak?” nag aalalang tanong ko sa kaniya. May babayaran ba? Kung may babayaran ay pwede ko pa naman pag ipunan.

“Kailangan po kase doon ay buong family. May Mommy po ako pero wala po akong Daddy.” malungkot na saad ng anak ko bago siya yumuko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nag hahanao na kase siya ng ama. Anong sasabihin ko? Kailangan ba talaga doon may kasamang tatay?

“Anak wala kang Daddy eh, hindi ba pwede na wala nang kasamang Daddy?” tanong ko dahilan para mas lalong malungkot ang muka niya.

Ano nang gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi alam ng tatay niya na buhay siya dahil alam kong masasaktan si Kiara.

“Huwag na po Mama. Okay lang po sa akin kahit hindi tayo umatend. Ayaw ko pong maging dagdag iyon sa problema mo. Makikipag play na lang po ako kila Tito Papa at Tita Mama.” aniya ni Kiara bago niya pinilit na ngumiti kahit alam kong nalulungkot siya. Hindi ko kayang nakikitang ganito ang anak ko.

Habang iniisip ko ang tungkol doon ay naka isip ako ng paraan. Alam ni Kuya Khalil at Ate Karina ang tungkol kay Kiara kaya baka pwede akong makisuyo kay Kuya Khalil. Mag papanggap lang naman siyang papa ni Kiara. Kilala naman siya ng anak ko kaya sigurado akong okay lang iyon.

Agad ko siyang chinat at sakto dahil online siya. Maya maya lang ay nag reply na siya at pumayag siya na siya ang sasama sa amin sa friday. Wala naman daw siyang gagawin at gusto niyang makasama ang pamangkin niya.

“Anak a-attend tayo ng family day. Kaso hindi mo tunay na Daddy ang makakasama mo, okay lang ba?”tanong ko sa kaniya. Kita ko ang pag liwanag nang muka niya nang sabihin ko sa kaniya na makaka punta kami.

“Okay lang po sa akin Mommy, pero sino po yung makakasama natin?” nag tatakang tanong ng anak ko.

“Si Tito Khalil anak, okay lang ba sayo?” tanong ko sa kaniya. Kita ko ang saya sa kaniyang muka nang sabihin ko ang pangalan ni Kuya Khalil.

“Okay na okay po Mommy. Saka miss ko na din po si Tito Khalil.” saad niya bago niya ako muling niyakap. Pasensya na anak, hindi ko pa pwede sabihin sa iyo kung sino ang tunay mong ama. Natatakot ako na baka itakwil ka niya, ayaw kong masaktan ka.

“Oh siya tulog na tayo?” pag aaya ko sa kaniya at agad naman siyang tumango.

“Pero Mommy okay lang po ba if sa tabi mo ako ngayon matulog?” tanong ng anak ko kaya agad ko siyang niyakap.

“Siuempre naman anak ko. Tara humiga na tayo.” aniya ko bago ko pinahiga si Kiara at nahiga na din ako sa tabi niya at niyakap ko ito.

“Good night anak ko.” aniya ko.

“Good night din po Mommy.” wika niya bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata.

_

Kumpleto na yung baso, paper plates at mga utensils na inilagay ko sa bag. Naipasok ko na rin lahat ng mga pag kain at juice. Wala nang kulang!

“Mommy nandito na po si Tito Khalil sa labas.” aniya ni Kiara habang nasa may sala siya.

“Sandali lang anak, papunta na jan si Mommy.” aniya ko bago ko kinuha yung mga gamit at nang pumunta ako sa kusina ay naabutan kong kalong kalong ni Kuya Khalil si Kiara.

TOXIC RELATIONSHIP SERIES #6: Toxic Love With Mr Womanizer [COMPLETED]Where stories live. Discover now