Chapter 2

2.8K 59 1
                                    

Nagising ako sa isang hindi pamilyar at puting kwarto. Naabutan kong naka upo si Ate Karina sa sofa kasama si Kuya Khalil. Tatayo na sana ako ng bigla akong makaramdam ng hilo kaya agad akong natumba.

“Iris!” sigaw ni Ate Karina ng bigla akong tumumba kaya agad silang lumapit sa akin para matulungan nila akong makatayo.

“Ayos ka lang ba?” nag aalalang tanong ni Kuya Khalil sa alin. Tumango nalang ako bilang pag responde dahil hindi ako makapag salita. Ngayon ko nararamdaman ang hapdi at sakit ng mga sugat na ibinigay sa akin ni Kierro.

“Bakit ganiyan kadami ang sugat mo Iris? Ang dami mong mga pasa, sabihin mo si Kierro ba may kagagawan ng mga yan?” sa tono ng pagsasalita ni Kuya Khalil ay alam kong galit siya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya dahil baka magalit si Kierro at saktan nanaman niya ako kapag nalaman ng kapatid niya.

“Hindi po Kuya, maayos na po ang pakiramdam ko pwede na kayong umalis.” pag iiba ko sa usapan. Magsasalita pa sana si Kuya Khalil ng biglang tumunog yung cellphone niya. Agad siyang lumabas upang sagutin ang tawag at naiwan nalang kami ni Ate Karina sa loob.

“Bakit ka magsinungaling kay Kuya? Sabihin mo na lang ang totoo na sinasaktan ka ni Kierro. Hindi na tama na hinahayaan mo siyang saktan ka ng ganun. Sa totoo lang kanina ko pa gustong sabihin kay Kuya ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan.” nag aalalang aniya ni Ate Karina. Kahit ano pang pilit ang gawin niya ay hindi ko sasabihin kay Kuya Khalil ang totoo. Ayaw kong mag away nanaman sila ni Kierro.

“Hindi ko sasabihin kay Kuya Khalil ang tungkol doon at buo na ang desisyon ko. Kaya ko pa namang tiisin ang pananakit ng kapatid niyo. Apat na taon lang naman ang kontrata diba? Dalawang taon na lang matatapos na ang paghihirap ko.” saad ko. Alam kong sa papel lang kami kasal pero matagal ko na siyang mahal. Mag dadalawang taon na ding comatose si Ate at mag dadalawang taon na din akong nagtitiis sa ugali ni Kierro. Lahat tinitiis ko, pananakit niya, pagiging babaero niya, at yung mga masasakit na salitang binibitawan niya sa akin.

“Per—” hindi na natapos ni Ate Karina ang sasabihin niya ng biglang pumasok si Kuya Khalil.

“I have to go now, may emergency meeting lang sa company ko. Don't worry babalik ako. Ikaw na muna bahala kay Iris, Karina.” ani niya bago kuhanin yung bag at lumabas na ito kaagad.

“Ate Karina gusto ko munang mapag isa.” ani ko sa kaniya at agad naman siyang lumabas. Nang makalabas siya ay hindi ko na napigilang umiyak. Ngayon na pumapatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mas lalo akong naiyak habang pinagmamasdan ko ang mga pasa at sugat sa aking katawan. Hindi ako makapaniwalang ang lalaking mamahalin ko ang mananakit sa akin na umabot na sa puntong sumusuka na ako ng dugo habang humihingi ng tulong.

Sa dalawang taon na kasal kami ni Kierro, hindi ko man lang naranasan na mahalin niya. Kahit isang araw hindi ko man lang naramdaman na minahal niya ako. Kahit nga siguro sa pagpapanggap hindi ko mararanasan na mahal niya ako. Napaka swerte ng kapatid ko sa kaniya. Sa kaniya lang ito sweet at gentle. Samantalang pag dating sa akin ay halos patayin na niya ako kahit maliit lang yung pagkakamaling nagawa ko.

Sa mga puntong ito ay namimiss ko na si Ate. Alam kong may kasalanan ako sa kaniya pero siya lang yung taong minahal ako ng sobra sobra. Kung alam ko lang na mangyayari ito ay sana hindi ko na lang tinanggap yung offer ni Tita Kamilla na pakasalan si Kierro. Pero desperado ako noon na mahalin ako ni Kierro. Akala ko kapag nagkasama kami ng matagal ay makakalimutan na niya si Ate at ako naman ang mamahalin niya. Pero doon ako nagkakamali. Hindi niya kinalimutan si Ate at mas lalong nasira ang buhay ko.

Dahan dahan kong pinunasan ang luha ko at napagpasyahan kong pumunta sa kwarto ni Ate para kausapin siya. Matagal na rin since nung huli ko siyang binisita dahil hindi na ako pinapayagan ni Kierro na lumabas ng mansion. Palagi akong bumibisita sa hospital noon para kausapin siya kahit alam kong hindi niya ako maririnig dahil mahimbing siyang natutulog. Para sa akin ay natutulog lang si Ate, natatagalan lang ang pag gising niya dahil mayroon siyang mahabang panaginip.

TOXIC RELATIONSHIP SERIES #6: Toxic Love With Mr Womanizer [COMPLETED]Where stories live. Discover now