Chapter 10

2.8K 52 0
                                    

“Kierro.” pag suway ko sa kaniya habang nanonood kami ng Tv ngayon. Nanonood kase ako ng teleserye tapos yung kamay niya kung saan saan gumagapang. Kanina niya pa pinipisa pisa yung d*de ko, hindi pa ba siya nag sasawa? Naiinis na ako dahil kanina sa hita lang tapos nasa may d*de na ngayon.

“Enough na with that teleserye Iris, gusto ko nang matulog.” pangungulit niya habang nanonood ako pero hindi ko siya pinakinggan.

“Mauna ka nang matulog kung inaantok ka na.” aniya ko habang nakatingin pa rin sa may Tv. Maganda na kase yung mga pang yayari. Malapit na kaseng mahuli nung babae yung lalaki habang may kasama itong kabit kaya focus na focus ako sa pinapanood ko.

“No, I want to sleep with you. Tara na please.” pamimilit niya. Napa buntong hininga na lang ako bago ko pinatay yung Tv. Alam kong hindi siya titigil kakakulit sa akin kapag hindi ako pumayag. Bukas ko na lang yun papanoodin saka medyo inaantok na ako.

“Tara na matutulog na tayo.” aniya ko bago tumayo at pumasok na kami sa loob ng kwarto. Ako ang unang nahiga at agad naman siyang humiga at yumakap sa akin.

“Bakit parang napaka clingy mo ngayon?” tanong ko sa kaniya habang hinihimas ko yung buhok niya.

“I just missed you so much. Kanina pa kita hinihintay kase sabi mo mabilis ka lang tapos inabot ka ng isang oras sa pinuntahan mo.” nakangusong aniya niya bago niya hinalikan yung pisnge ko.

“Talaga ba?” tanong ko at agad naman siyang tumango tango. Umayos na ako sa pagkaka higa ko bago ko siyang niyakap. Napagod ako ngayong araw dahil sa dami ng ginawa namin. Muli niya akong hinalikan bago ako tuluyang kinain ng dilim.

_

KIERRO SHINN'S POV:

_

I was busy signing some papers here at my office when the door of my office suddenly open.

“Good Morning boss, here's the other documents that you have to sign today.” aniya nung secretary ko bago niya inilapag sa harapan ko ang sandamakmak na papel.

“Teka bakit parang sobrang dami naman niyan?” pag rereklamo ko. Aabutin ako ng gabi dito kapag tatapusin ko yan lahat ngayon. Saka bawal ba bukas? Kanina pa ako nangungulila sa halik ni Iris.

“Yes Sir, your father is the one who ordered us to give it to you. Kailangan mo yang tapusin boss bago ka umuwi ng bahay.” aniya ni Kaleb dahilan para mapa sigaw ako sa inis.

“What?! Are you f*cking serious?! I've been here for almost 5 hours. Kanina ko pa gusto umuwi at mayakap si Iris.” pag rereklamo ko nang biglang bumukas ang pinto.

“Wow, mukang nangungulila ang bunso naming kapatid na laging galit.” pang aasar ni Ate Karina habang tumatawa naman sa gilid si Kuya Khalil. Bigla akong nainis dahil aabutin na nga ako ng gabi dito tapos tatawanan lang nila ako?! This is the worst day of my life. I have to go back home and cuddle with her.

“Shut up Ate, palibhasa wala kayong asawa kaya natatawa lang kayo.” i said irritatedly before signing the papers faster. Kailangan ko itong matapos para maka uwi na ako.

Habang nakasimangot ako at pumipirma ay biglang tumunog ang aking cellphone at biglang nabuhay ang kaluluwa ko nang makita kong si Iris yung tumatawag. I immediately answered it and it felt so good whiek listening to her beautiful voice.

“Hello, Kierro? Sabi ng assistant mo medyo late ka daw makaka uwi dahil sa marami kang gagawin. Gusto mo bang dalhan na lang kita mamaya ng pag kain jan?” pag aalok niya.

“Yeah i would love that. Mag dala ka na ng pag kain para sa ating dalawa. Tapos antayin mo ako dito habang tinatapos ko itong gagawin ko.” aniya ko habang pinipirmahan ko yung mga papel isa isa.

TOXIC RELATIONSHIP SERIES #6: Toxic Love With Mr Womanizer [COMPLETED]Where stories live. Discover now